Billy Crawford says he won’t leave ABS-CBN even with revival of singing career in France

Aminado si Blly Crawford na pinag-uusapan na nila ng girlfriend na si Nikki Gil ang tungkol sa pagpapakasal. Sabi niya, “Of course, napag-uusapan na namin ang tungkol sa kasal. Like kung ano ang gusto namin sa wedding or sino ang kukuning gagawa ng kanyang gown. Or… sino ang bestman ko, sinong ganito, sinong ganyan. Definitely, gusto naming wedding, indoors. Kasi kapag outdoors, yung risk na baka umulan. Pero by 2013, wala pa muna yung kasal. Puwede bang mag-ipon m


2012 has been a very good year for Billy Crawford.

Talagang ang dami raw blessings na dumating sa singer-TV host kung titingnan niya ang mga nangyari sa kanyang career sa buong kasalukuyang taon.

Sabi ni Billy, “Nabigyan ako ng opportunity na mag-grow as a host.

“Yung 2012 for me has been great. So, hopefully it would be better for 2013.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment portal) si Billy sa Jade Valley Restaurant kagabi, December 1.

What does he look forward to in 2013?

“Siguro more work,” sagot ni Billy.

“September, babalik ako for France. Ipu-promote ko doon yung bago kong album.

“Umalis ako before, di ba? Two months ako doon para i-record yung album.

“Matagal-tagal din… almost one year in the making yung bagong album ko dahil sa trabaho ko rin dito sa Pilipinas.

“Na kahit natapos na ang Pilipinas Got Talent, meron akong Showtime at saka ASAP.”

Wala pa raw title ang bago niyang album, pero ito raw ang fourth international album niya.

“Iba ito kumpara dun sa mga nauna. Siguro… mas more dance. Mas dance ito.

“Three months ako sa France para sa promo ng album ko.”

Hindi pa raw alam ni Billy kung kailan maire-release sa Pilipinas ang bagong album niyang ito.

“Pero kapag ia-out na ito sa Pilipinas, I’m sure it’s sa Universal Records pa rin.”

BACK AND FORTH. Ngayong may bagong international album ulit si Billy, ang plano raw niya ay magpapabalik-balik siya sa France at Pilipinas.

Saad niya, “Hindi ko rin naman kasi maiiwan ang ABS-CBN.

“Alam mo yung utang na loob ko rin naman sa kanila, na nandito ako dahil nabigyan nila ako ng break bilang host or bilang performer.

“So hindi rin naman ako basta basta magba-babay sa ABS. Alam mo ‘yon?

“Pero, opportunity, meron naman. Uhm… gusto ko lang i-try. Alam mo ‘yon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Waiting kung anong mangyari pagdating ko sa France.

“Pero back and forth ako. Hindi ako aalis ng six months o one year or whatever.

“Basta mga two or three months, tapos balik ako dito.

“At saka mahal na mahal ko ang Pilipinas. Ayokong umalis ng Pilipinas for good.”



KANTO BOYS. Mahusay na singer at dancer si Billy, pero nakilala na rin siya sa pag-arte at may ibubuga pagdating sa comedy.

Kaya nakapagtataka kung bakit hindi siya isinasabak ng Kapamilya network sa teleserye at sa sitcom.

Paliwanag ni Billy, “Actually, hindi ko siguro kakayanin ang teleserye dahil nga sa Showtime. Kasi araw-araw kami.

“Pero sitcom? Siguro naghahanap kami dati. Nung buo yung Kanto Boys.

“Iyon ang iniisip namin dati na mag-sitcom kami—ako, si Luis [Manzano], si Vhong [Navarro], at saka si John Lloyd [Cruz].

“E, medyo nagkawatak-watak. Si Vhong, nakasama sa Showtime. Si Luis, nakasama ko sa PGT [Pilipinas Got Talent]. Si Lloydie, siyempre busy rin.

“So, hopefully, one day, makaisip. Sana bumalik yung mga sitcom-sitcom.”



BILLY-LUIS TANDEM. Kahit naman sila lang dalawa ni Luis, effective na bilang isang comic duo.

Marami rin ang bilib sa tandem nila bilang hosts. Natural na lumalabas ang kanilang galing sa pagpapatawa kahit naghu-host lang sila.

May mga nagsasabi ngang parang “handsome version” ng tambalang Jose Manalo at Wally Bayola sina Billy at Luis.

Napahalakhak si Billy at sinabing, “Teka… sino ako do’n?

“Jose and Wally talaga?

“Compliment din naman ‘yon, kasi napakahusay naman nina Jose and Wally.

“Siyempre, araw-araw kaming nanonood ng Eat Bulaga!” tumatawang biro niya.

Magkatapat kasi ang mga programa nila tuwing tanghali—si Billy ay nasa It’s Showtime ng ABS-CBN, habang sina Jose at Wally ay nasa Eat Bulaga! ng GMA-7.

Patuloy ni Billy, “Hindi, minsan nakakanood kami ng Eat Bulaga! kapag nandun sa dressing room, siyempre. And… hindi naman sa nagmu-monitor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, lahat kami, fan talaga ng Eat Bulaga!.

“Kahit ano pang sabihin mo, ilang years na sila.

“Alam mo yung… sana makuha lang namin ang sobrang bonding nila. Iyon ang gusto naming maipakita.

“Kasi, close din naman kaming mga hosts ng Showtime.”

Ayon kay Billy, singing at recording pa rin ang number one para sa kanya.

Mas nabibigyan nga lang daw siya ngayon ng trabaho bilang TV host.

“Yung acting… hindi ako masyadong sang-ayon sa acting. Kasi parang hindi ko yata kakayanin yung oras ng taping.

“Dahil nga araw-araw ay merong Showtime. May ASAP. Tapos may PGT [Pilipinas Got Talent]. Monday to Sunday ako nagtatrabaho.

“Kumbaga, nag-e-enjoy lang ako ngayon for what I’m doing.

“Nag-e-enjoy ako as a host. Nag-e-enjoy ako as a performer.”



NIKKI GIL. Mahigit apat na taon na ang relasyon nina Billy at Nikki Gil.

“It’s wonderful!” bulalas ni Billy sa takbo ng relationship nila.

Dagdag niya, “Sobrang… can’t ask for more. Sobrang happy ako.”

Mariin namang itinanggi ni Billy ang intrigang nagli-live-in na raw sila ni Nikki.

“Hindi ako pabor sa live-in, not at all.

“At saka Nikki is a great Christian… pareho kami.

“So walang ganun-gano’n. Kasal muna dapat bago yung living-in together.”

Sa mahigit apat na taon nang itinagal ng kanilang relasyon, paano nila ito napapanatiling matatag at exciting na hindi sila nagkakasawaan?

“A… just keeping a relationship is exciting naman.

“Alam mo yung… marami namang magagawang paraan para mapa-okay yung relationship.

“Pero alam mo naman, sa lahat ng relationships, may ups and downs. May pinagdadaanan din naman kami paminsan-minsan.

“Siguro yung communication lang namin sa isa’t isa is much better. We learn from each other, e.

“Open lang kami sa isa’t isa at saka… trust.”

Was there a point na muntik na silang maghiwalay nang dahil sa away?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Not necessarily. Siguro yun din ang sikreto. Wala sa isip namin yung gano’n. Walang option.

“There’s no option to break up. Walang option na gano’n.”

Paano nila pinatakbo ang apat na taon ng relasyon nila?

“Usually, kasama ko ang pamilya ko. We get together.

“Tapos, kapag minsan, pumupunta ako sa bahay ng lolo at lola niya. Do’n sila buong pamilya. Dinner.”

Wala na talagang problema sa partido niya at ni Nikki? Boto ang lahat para sa kanilang dalawa?

“Hopefully. Apat na taon na kami! Pag hindi pa sila boto, ewan ko na lang!” tawa niya.



TEMPTATION. Ang isang gaya ni Billy na guwapo at kilalang personalidad, hindi maiiwasang maging lapitin ng babae.

Paano niya hina-handle kapag may mga babae na tila tuksong lumalapit at nagpapakita ng motibo sa kanya?

“Kapag mahal mo ang isang tao, why should you even think about being tempted?

“And, as I said, we put God first in our relationship,” tugon ni Billy.

Pero nae-experience ba niyang may mga babaeng lumalapit sa kanya?

“Wala,” sagot niya.

“Araw-araw akong nasa Showtime. Pagkatapos no’n, nagre-rehearsal or whatever. Hindi ako lumalabas.

“Alam mo yung… there are certain ways how to… para umiwas sa temptation.”

During his younger days, nagkaroon ba ng pagkakataong naging chickboy din siya at may dalawa o higit pang pinagsabay-sabay na girlfriend?

“Wala.

“Kung may fling man o mga gano’n-gano’n, e… wala akong pinagsabay.

“It’s either I was single and I was dating. Pero I wasn’t with someone.”



WEDDING PLANS. August next year ay magli-limang taon na ang relasyon nila ni Nikki. Wala pa bang mai-expect na wedding bells from them?

“Wala pa, wala pa.

“Not anytime soon, but hopefully.

“Of course, napag-uusapan na namin ang tungkol sa kasal.

“Like kung ano ang gusto namin sa wedding or sino ang kukuning gagawa ng kanyang gown.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Or… sino ang bestman ko, sinong ganito, sinong ganyan.

“Definitely, gusto naming wedding, indoors. Kasi kapag outdoors, yung risk na baka umulan.

“Pero by 2013, wala pa muna yung kasal. Puwede bang mag-ipon muna kami?” sabay tawa ni Billy.

Billy is now 30 years old. Anong ideal age niya for getting married?

“Siguro, mga 32.”

So mga two years pa bago sila pakasal ni Nikki?

“Hopefully. Hindi natin alam ‘yan. Only God really knows when.”

CHRISTMAS. Ano nga pala ang plano niya this Christmas?

“Here, nandito lang kami.

“Actually, yung mommy at daddy ko kasi nasa States. Hindi sila makakauwi this year.

“Pero yung kapatid ko at ibang family ko, nandito.

“So I’ll be spending time with them. And Nikki’s family as well.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN