Ogie Alcasid says it’s important that his daughters with Michelle Van Eimeren be close to his son with Regine Velasquez

Sa Australia nakatakdang mag-celebrate ng Pasko sina Ogie Alcasid at Regine Velasquez at ang anak nilang si Nate, kasama ang dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren at ang dalawa nilang anak na sina Leila at Sarah. Ayon kay Ogie, "Ano naman kami, we’re very, very close. We’re one big extended family. Siyempre, my children, it’s very important for us that my children become close to my son also. Maganda yun na habang lumalaki sila e nagiging cl


Isa si Regine Velasquez sa ginawaran ng Dangal ng Musikang Pilipino Award sa 25th Awit Awards noong November 27. Kasama niyang kinilala sina Kuh Ledesma, Gary Granada, Eraserheads, at ang yumaong Comedy King na si Dolphy.

Ang mister ni Regine na si Ogie Alcasid ang tumanggap ng award para sa Asia’s Songbird.

Sa pakikipag-usap ni Ogie sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media after the awarding, sabi niya, “E, siyempre, I’m very proud of my wife. Hindi siya nakarating today kasi may taping siya.

“But you know, she deserves the award. Obviously, she is… isa siya sa mga haligi talaga ng industriya natin.

“At nagpapasalamat kami sa Awit Awards sa karangalang ibinigay nila sa asawa ko.”

Kumusta na ang boses ni Regine?

Hindi ba’t dapat muna itong magpahinga at hindi gaanong magsalita bilang paghahanda sa repeat ng concert nitong Silver? Bakit dire-diretso pa rin ang pagtatrabaho nito?

Natatawang tugon ni Ogie, “E, trabaho niya yun, hindi naman todohan, so alalay lang.

“Sa bahay, halos hindi na siya nagsasalita.

“Her condition is improving and, hopefully, by the time she does the repeat talaga, she is fully recovered na talaga.”

Matatandaang hindi natapos ni Regine ang kanyang Silver concert noong November 16 sa Mall of Asia Arena dahil sa namaos nitong boses dulot ng virus.

Is this the worst na nangyari kay Regine?

Sagot ni Ogie, “I think so, in terms of voice.

“Itong virus na ‘to, parang ibang strain siya. It’s become ano rin siya… it’s an infection that affects your system.

“Nagkakasipon ka, ubo, nawawala yung boses mo, namamaga yung throat mo.

“So, ang effect, walang boses.”

Ano ang preparations ni Regine para sa repeat concert nito na nakatakdang gawin sa January 5, 2013?

Pabirong sabi ni Ogie, “Nagluluto, nagluluto sa bahay. Ako ang ipinagluluto niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“She’s in a Christmas mode na.

“Hinahanda na niya yung Christmas tree namin, yung mga pangregalo namin.

“Dahil ngayong lumalaki na si Nate, now that he’s one year old, we will make it sure na very special [itong Christmas na ito] for him.”



CHRISTMAS IN AUSTRALIA. Ngayong Pasko raw ay bibiyahe sila sa Australia, kung saan nakatira ang dating asawa ni Ogie na si Michelle Van Eimeren at ang dalawang anak nila.

“We’ll be in Australia.

"Ano naman kami, we’re very, very close. We’re one big extended family.

“Siyempre, my children, it’s very important for us that my children becomes close to my son also.

“Maganda yun, na habang lumalaki sila e nagiging close sila, at nang maramdaman nila yung feeling of a family, which we all enjoy sa company ng bawat isa, lahat kami.”

OPM PROJECTS. Si Ogie ang kasalukuyang president ng Organisasyon ng mga Pilipinong Mang-aawit (OPM), samahan ng mga singers sa industriya.

Ano ang mga proyektong nakalinya para sa OPM next year?

Pagmamalaki ni Ogie, “Next year, magkakaroon kami ng OPM Summit.

"Magkakaroon din kami ng basketball tournament, so abangan n’yo po ‘yan.

“We will also have an OPM Fair next year, so marami.

“We just came from Dumaguete, nagkaroon kami ng songwriting camp for four days.

“So kinu-congratulate ko lahat ng graduates natin ng songwriting camp.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN