Dingdong Dantes denies saying he will not do another film for Star Cinema after One More Try

Aminado ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes na malaki ang naging adjustment period sa pakikipagtrabaho niya sa Star Cinema, ang talent arm ng ABS-CBN. Sabi niya, “Oo naman, meron talaga. But because they were so kind, accommodating, that’s why it wasn’t so difficult for me.”


Ang One More Try ang ikalawang pelikula ng GMA-7 actor na si Dingdong Dantes para sa Star Cinema, ang film arm ng ABS-CBN.

Nauna rito ang suspense-horror movie na Segunda Mano, na co-produced nila ng co-star niyang si Kris Aquino.

Ngunit ang One More Try ay solong iprinodyus ng Star Cinema.

Si Dingdong lang din ang nag-iisang Kapuso sa cast ng pelikulang ito na idinirek ni Ruel Bayani.

Kasama ni Dingdong rito ang Kapamilya stars na sina Angelica Panganiban, Zanjoe Marudo, at Angel Locsin.

Nang dalawin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang shooting ng One More Try sa Antipolo noong Biyernes, November 30, isa sa unang tinanong namin kay Dingdong ay kung ano ang pakiramdam ng magtrabaho para sa Star Cinema.

Tugon niya, “Malaki talagang adjustment period.

“Oo naman, meron talaga.

“But because they were so kind, accommodating, that’s why it wasn’t so difficult for me.”



TWO ANGELS. Aminado rin si Dingdong na noong nagkaroon sila ng look test ni Angel, medyo may konting ilangan pa rin sa pagitan nila dahil ito ang unang beses na nagkatrabaho sila as stars in one film.

Si Angelica kasi ay nakasama ng GMA-7 star sa Segunda Mano at si Zanjoe naman ay nakatrabaho na niya sa Kimmy Dora.

Sabi ni Dingdong, “Siyempre, pangit naman kung kumportable ako agad.

“It’s just a natural reaction na hindi ka comfortable. Una pa lang kayong nagkaharap, ‘O, akbayan mo.’

“So, siyempre, natural lang na sa umpisa, may ilangan pa.”

Kumusta si Angel bilang co-star at leading lady?

“Okay,” sambit ni Dingdong.

“Kumbaga, I saw for myself kung ano talaga ang sinasabi nila, as a professional actress.”

Sa dalawang “Angel” na leading ladies niya—sina Angelica at Angel—kanino siya mas maraming love scene o kissing scene sa pelikula?

“Hindi po ako nagbilang, e!” medyo natawang sabi ng award-winning actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko rin sigurado. Baka may iba rin na hindi ipapalabas.

“So it won’t matter kung ano ang sabihin ko. Depende kung ano ang ilalabas.”

Ayaw namang sagutin ni Dingdong ang tanong kung sino ang mas magaling kina Angel at Angelica.

Aniya, “Kanya-kanya sila ng edge.

“They are not the same. Walang mas magaling sa isa.

“May kanya-kanya silang baon, kumbaga.

“They are great actresses in their own right.”



FAMILY MOVIE. Noong simulan ang One More Try ay sinabing may pagka-daring ang tema ng pelikula.

Ngayong patapos na ang shooting nito, halos lahat ng cast members ay nagsasabing “family movie” ang kanilang pelikula.

Ano nga ba ang totoo?

“It is a family movie. It is,” sabi ni Dingdong.

“Kumbaga, kahit sino ang makakapanood, makakahanap sila ng character sa amin na mas makaka-relate sila.

“Perfect for a Christmas showing.”



BEST ACTOR. Noong isang taon, si Dingdong ang itinanghal na Best Actor sa 2011 Metro Manila Film Festival para sa kanyang pagganap sa Segunda Mano.

Posible kayang maulit ito ngayong taon sa One More Try?

“Wala, wala naman po akong ano… Basta ako, gusto ko lang ng magandang produkto na magugustuhan nila. Yun lang naman yun.”

Ano naman ang expectations nila sa box-office?

“Siyempre, wala naman akong ine-expect.

“Pero as much as possible, mas maraming makapanood, mas maganda.

“Ako, I’m just really proud with the project like this,” sabi ng primetime actor ng Kapuso network.



WORKING FOR STAR CINEMA. Wala naman daw ideya si Dingdong sa bagong isyu na hindi na raw siya gagawa sa Star Cinema pagkatapos ng One More Try.

“Wala naman po akong sinasabing ganoon,” sabi niya.

So, gagawa pa rin siya sa Star Cinema pagkatapos ng One More Try?

“Hindi po natin alam.

“Kung naging posible ‘to, maraming bagay pa ang puwedeng maging posible.

“But as of now, I am still very much with my mother network [GMA-7], and I’m grateful na pinayagan nila ako to do this.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung meron man, I’ll leave it up to my manager [Perry Lansigan] to decide and plan kung anuman ang mga next step dapat.

“But, let’s take it as it is right now.

“For this time, ito na muna.”

Sa ngayon, inaayos pa raw ni Dingdong kung ano ang susunod na ipo-produce na pelikula ng Agostodos, ang kanyang sariling production outfit.

“Yung Tiktik… definitely, yung part two no’n, after two years.”

Ngayong Kapaskuhan, wala raw siyang planong lumabas ng bansa dahil nakatali pa rin siya sa taping naman ng Pahiram Ng Sandali, ang kanyang primetime series sa GMA-7.

“Dito lang ako, naghahabol kami ng taping.

“So, this time, hindi muna aalis. Maraming aasikasuhin, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN