Lovi Poe on rumor linking her to Rocco Nacino: “It’s normal naman kasi we have a show together.”

Nauugnay ngayon si Lovi Poe sa kanyang leading man sa Yesterday’s Bride na si Rocco Nacino. Bagamat may appeal daw sa kanya si Rocco, sinabi ni Lovi na "trabaho muna" ang pinagtutuunan nila ng pansin.


Kapansin-pansin ang closeness nina Lovi Poe at Rocco Nacino off-cam sa Party Pilipinas kahapon, Sunday, December 2.

May balita kasing nagkakamabutihan na ang dalawang Kapuso stars habang tumatagal ang pagsasama nila sa panghapong serye ng GMA-7 na Yesterday’s Bride.

Kaya nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lovi pagkatapos ng show ay tinanong namin kung ano ang reaksiyon niya sa usap-usapang nagkakamabutuhan na raw sila ni Rocco.

“Ay, talaga?” sabay tawa ni Lovi.

Dati na silang na-link nang una silang magkatrabaho sa romantic-comedy mini-series ng GMA-7 na Love Bug (2010).

Ngayon ay muli na naman silang nauugnay dahil magkatrabaho ulit sila.

Sabi ni Lovi, “It’s normal naman kasi we have a show together.”

Pero ang hindi normal, nataon ang pagkaka-link niya kay Rocco sa balitang break na raw ang aktor at si Sheena Halili.

Hindi raw alam ni Lovi ang tungkol dito. Hindi siya aware na may ganitong isyu ngayon kina Rocco at Sheena.

Ngayong alam na niya, magiging conscious kaya siya sa pagiging malapit kay Rocco dahil baka intrigahing siya ang dahilan ng breakup ng young actor at ni Sheena?

“No… no. With us naman kasi, kung ano yung sa trabaho, sa trabaho talaga.

“Iyon naman yung iniisip ko,” sabi ng Kapuso actress.

HANGING OUT. Bakit nga ba sobrang close sila ni Rocco ngayon?

“Wala, kasi lagi kaming magkasama sa set. Iyon lang ‘yon.”

Hindi ba nagpaparamdam sa kanya si Rocco?

“Hindi, walang gano’n.”

Hindi ba sila lumalabas kagaya ng napapabalita?

“Well, we hang out—pero with friends.

“But most of the time, sa set talaga lang ng Yesterday’s Bride, e.

“Tapos kunyari, last time, galing kami ng Davao… lahat kaming cast ng Yesterday’s Bride. Yung mga gano’n.”

Kung sakali, hindi naman kataka-takang mahulog ang loob sa kanya ni Rocco dahil bukod sa madalas silang magkasama, si Lovi ang tipo na ligawin talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“No!” natatawang reaksiyon ng aktres.

“No, hindi ako ligawin. Hindi talaga.

“Hindi talaga ako ligawin.”

May appeal ba sa kanya ang tipo ni Rocco? Boyfriend-material bang masasabi ang StarStruck alumnus para sa kanya?

“Of course, of course… Rocco is a good guy.

“And, yun nga… it’s nice to look at it this way—na trabaho muna.”

Sa ngayon, naka-concentrate daw si Lovi sa taping ng Yesterday’s Bride.

Hindi pa kasi nagre-resume ang shooting niya para sa pelikulang The Bride And The Lover, kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino.

Pero may dalawang pelikulang natapos si Lovi na parehong entries sa 2012 Metro Manila Film Festival: Thy Womb at Shake Rattle & Roll 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN