Rocco Nacino lifts own exclusively-dating status; admits to hanging out with Lovi Poe "a lot"

Dahil madalas silang magkasama ngayon, hindi maiwasang ma-link sina Rocco Nacino at Lovi Poe sa isa’t isa. Pero sabi ng young actor, “Hindi natin maiiwasan yung mga ganyang issues. But I’ll be honest, madalas kaming magkasama. We go out minsan, kasama yung mga kaibigan niya. We have common friends kaya parang nakakatuwa rin na kasama siya sa circle of friends ko.”


Dahil ayaw mag-comment ni Rocco Nacino sa balitang break na raw sila ni Sheena Halili, lalo tuloy naiintriga ang marami tungkol sa usaping ito.

Lalo na’t anumang tanong tungkol sa matagal nang napapabalitang girlfriend niya ay hindi rin gustong i-entertain ng Kapuso actor.

Nitong huling dalawang linggo, talagang todo-iwas si Rocco na matanong tungkol kay Sheena.

Hanggang kahapon, Sunday, December 2, habang kausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) pagkatapos ng Party Pilipinas, ay iwas pa rin si Rocco na pag-usapan ang young comedienne.

Bakit nga ba ayaw pa rin niyang pag-usapan si Sheena at ang rumored breakup nila?

Sagot ni Rocco, “It’s not that I refuse to talk.

“It’s just… things like this, it’s personal. It’s private.

“I’d like to keep it in private na lang. Siguro preference ko lang ‘yon na huwag pag-usapan.”

Ang labas ng pag-iwas niya sa mga tanong ay parang may problema nga sa pagitan nila ni Sheena ngayon?

“Wala namang problema,” diin ni Rocco.

“Everything is all right. It’s still the same.

“We’re good friends. Friends pa rin kami.

“Still… katulad pa rin ng dati.”

Do they still go out or see each other?

“Hindi na, e. Kasi I got busy na taping Yesterday’s Bride and Indio, kaya hindi na kami masyadong nagkikita.

“Like this week, three days kaming straight na magte-taping ng Yesterday’s Bride.”

Ang Yesterday’s Bride ang afternoon soap na pinagtatambalan nila ni Lovi Poe.

Ang Indio naman ay ang epic-fantasy series na pinagbibidahan ni Bong Revilla.

Patuloy ni Rocco, “Matagal na rin kaming hindi nagkakausap ni Sheena. Ilang linggo na rin.

“At saka, ang alam ko, umuwi rin siya ng Pampanga, e.

“So… ano, ako, I’m just focused sa work.

“Katulad kahapon [December 1], galing kami ng Davao. I went straight from the airport to GMA para mag-technical rehearsal sa Party Pilipinas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, ngayon, bagsak na yung katawan ko.

“May schedule pa nga akong workshop mamaya, pero hindi ko na mapupuntahan.

“Uuwi na ako kasi hindi ko na kaya. Kailangan ko nang magpahinga. Babawi ako sa rest.

“So kapag ganitong may oras ako na libre, I’d rather spend it with my family.”



CHANGED STATUS. Kasabay ng balitang breakup nila ni Sheena Halili ay ang usap-usapang nagkakamabutihan naman sila ng leading lady niya sa Yesterday’s Bride na si Lovi Poe.

Ano ang reaksiyon ni Rocco hinggil dito?

“Wala. Hindi natin maiiwasan yung mga ganyang issues.

“But I’ll be honest, madalas kaming magkasama. We go out minsan, kasama yung mga kaibigan niya.

“We have common friends kaya parang nakakatuwa rin na kasama siya sa circle of friends ko.”

Open na ba siyang makipag-date ngayon? Dati kasi ay madalas niyang sabihin na “exclusively dating” sila ni Sheena.

Sagot ni Rocco, “A… wala ako sa exclusively-dating status ngayon.

“I meet a lot of people ngayon.

“Kapag may oras, I enjoy spending time sa mga barkada ko, gaya nina Enzo [Pineda] at Sef [Cadayona].

“I go out. I hang out with them.

“I spend time with them na ano… marami kaming kinikilalang bagong kaibigan.

“So just ano… relaxing lang talaga. Time for myself, kumbaga.”

Nakapagtatakang biglang hindi na sila "exclusively dating" ni Sheena. Parang may problema nga sa pagitan nila ngayon?

Saad ni Rocco tungkol dito, “Because ano… we’re really focused muna sa trabaho. We want to work muna.

“And kung anuman yung usapan namin o terms namin ngayon, o since noon pa, sa amin na lang ‘yon.

“We talk about it naman.”



STILL THE SAME THIS CHRISTMAS. Parang maiiba yata ang Christmas niya ngayon dahil sa naging pagbabago rin sa samahan nila ni Sheena?

Sabi ni Rocco, “Things will gonna be the same pa rin naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“All this time, gano’n pa rin naman talaga—with my family.

“This Christmas, may taping ako hanggang December 21, e. Trabaho pa rin.

“Pero sa four days na libre ako, from December 22 to 25, I’ll make sure na magkakasama kami ng family ko.”

Patuloy niya, “Ayokong matigil ang pagiging busy ko sa work.

“Gusto ko, tuluy-tuloy lang. Na-realize ko na gusto ko talaga, priority ko ang trabaho ko. Mas gusto kong maging busy.

“Kahit magkaroon pa ako ng sakit basta dahil sa trabaho, kesa magkasakit ka na wala kang ginagawa.”



LOVI POE. Si Lovi ang madalas niyang nakakasama ngayon dahil nga sa taping nila para sa Yesterday’s Bride.

Ibig kayang sabihin, si Lovi rin ang pinakamalapit sa puso niya ngayon sa mga kakilala niyang aktres?

Sagot ni Rocco, “Oo naman. We hang out a lot.

“I would say… yes. Oo, siya ang pinaka-close sa akin sa mga kakilala kong female stars.

“Since ano nga… magkasama kami lagi sa taping.

“Tapos kahapon, nung nasa Davao kami for a show, we talk about a lot… we talk about everything.

“We were together the whole day kahapon. And it was fun.

“It’s a good bonding for us ni Lovi, pati ng iba pa naming nakasamang Kapuso stars.”

Hindi kaya sa katagalan ng magandang samahan nila ni Lovi ay ma-develop na siya at ligawan ang dalaga?

“E… tawag dito? Like I said, my priority is work ngayon. So… I don’t know.

“Lagi lang akong naniniwala na if it comes, it comes. If it happens, it happens.”

Ang tingin ng karamihang guys, hot si Lovi. Makamandag ang beauty nito, na talagang sapul kapag tinamaan ka’t na-captivate ng irresistible charm nito.

Hindi malayong mabiktima rin siya ng kamandag ng ganda at sex appeal ni Lovi?

“Nabiktima na!” napahalakhak na sabi ni Rocco.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero bawi niya agad, “Hindi! Joke lang.

“A… I don’t know. I don’t know.

“Ang maganda kasi, napakaganda ng friendship namin. Way back two years pa lang.

“Tapos, since then, mas naging close pa kami in a span of two years.

“Tapos ngayon, magkatrabaho pa kami.

“So we’re just really enjoying the time na nagkakasama kami.

“And if we become close pa, e, di okey! Masaya.

“Pero the thing is, we enjoy our friendship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN