Sarah Lahbati defends "seloso" image of boyfriend Richard Gutierrez: “Ano lang siya, mapagmahal. Talagang mapagmahal.”

Bagamat magkasama ang magkasintahang Sarah Lahbati at Richard Gutierrez sa pelikulang Seduction, mas marami raw kissing at love scenes si Richard sa co-star nilang si Solenn Heussaff. Pero hindi raw ito dahilan para magselos si Sarah. Paliwanag niya, “Pag nagselos ako, pag nagsimula akong magselos, kumbaga, ako yung matatalo. It’s just a stupid thing to do, you know? Parang are you an actress o nandito ka ba para makipag-relasyon o para pag-usapa


Kahit walang bagong show, masaya pa rin si Sarah Lahbati sa takbo ng kanyang career.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sarah sa GMA Network, sinabi niyang blessed siya ng mga magagandang projects at ng mga taong naging bahagi ng kanyang pag-unlad bilang tao at bilang aktres.

Kabilang sa tinutukoy ni Sarah na "magagandang projects" ay ang dalawang pelikulang ginagawa niya ngayon na ipalalabas sa 2013.

Ang una ay ang Seduction, na pinagsasamahan nila ng boyfriend niyang si Richard Gutierrez at si Solenn Heussaff. Mula ito sa direksiyon ni Peque Gallaga.

Ang pangalawa ay ang suspense-drama-horror ng GMA Films na Basement.

Maliban dito, may short appearance din daw siya sa lalabas na epic-fantasy series ng GMA-7, na pagbibidahan ni Senator Bong Revilla, ang Indio.

Sabi nga ni Sarah sa PEP, kahit ilang buwan nang wala siyang starrer-TV project matapos magwakas sa ere ng soap nila ni Richard na Makapiling Kang Muli, hindi siya nakakaramdam ng pagka-inip o kalungkutan.

“Kahit ako yung taong lagi gustong may ginagawa at kahit wala akong show ngayon...

"Mahirap ring gumawa ng movie.

“Three times a week ang shooting ko, nandiyan rin yung rehearsal ko for Party Pilipinas, events, workshops…

“So, hindi naman ako naiinip,” saad niya.



SEDUCTION. Wala pang malinaw na kuwento kung tungkol saan ang Seduction, kaya naman marami ang nagtataka kung bakit sa murang edad ni Sarah ay sasabak na ito sa may pagka-sexy na pelikula, kasama pa ang kanyang boyfriend.

Sabi ni Sarah tungkol dito, “Yeah, I’m only 19, pero hindi naman ibig sabihin, I’m part of the seduction, magpapaka-daring na ako.

“Yung role ko dito, hindi siya focused sa pagpapa-sexy.

“Iba rin yung gagawin ko dito, ibang side yung ipapakita ko dito.

“Pero hindi ako magpapa-sexy. More on acting.”

Dagdag pa niya, “Patapos na po kami ng shooting. This month, hopefully, matatapos na kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sinasabi niyang hindi siya magpapa-sexy sa pelikula, ibig bang sabihin nito ay mas maraming sexy at intimate scenes sina Solenn at Richard?

“Abangan ninyo ‘yan.

“Pero meron rin kaming intimate scene ni Richard,” sabi ni Sarah.

Ayaw magbigay ng detalye ni Sarah kung ano yung sinasabi niyang intimate scene nila ni Richard.

“Abangan n’yo na lang. Pero magugulat yung mga tao dahil magugulat sila sa makikita at mapapanood nila.

“Dito talaga, I was open sa emotions ko.

“Kumbaga, hindi na ako natakot na gawin ito or yung bagay na yun. Kasi alam kong ang direktor ko is Direk Peque.

“Kasi napahusay niya. Nandun siya to guide me… He’s just so good na sobra kang mai-inspire na magtrabaho.”

Hindi naabutan ni Sarah ang pagmamarka ni Direk Peque sa local movie industry sa mga obra nito, gaya ng Oro Plata Mata (1982), Virgin Forest (1985), Scorpio Nights (1985), at Unfaithful Wife (1986).

Pero “brilliant” ang deskripsiyon ni Sarah sa kanyang director.

Sabi ni Sarah, naoobserbahan niya ang trabaho ni Direk Peque at marami raw siyang naririnig na komento na nagsasabing mahusay raw talaga ito.

“I’m just so thankful lang talaga na nagkaroon ako ng chance na makatrabaho si Direk Peque. Tapos, this is his first comeback directorial project.

“Sinasabi nila sa akin na ang suwerte ko raw.”

Noong 2009 pa ang huling pelikula ni Direk Peque, ang indie film na Agaton & Mindy.



DIFFERENT RICHARD. Maging si Richard ay nagpakita raw ng kakaibang acting sa kanilang pelikula.

Sabi ni Sarah, “At kahit si Chard [palayaw ni Richard], napansin ng lahat na, ngayon, ibang-iba yung ipinakita niya sa shooting.

“Ibang-iba yung makikita ng tao na hindi pa niya ipinapakita sa TV, kahit ten years na siya dito sa showbiz.

“Ngayon lang nila mapapanood yung ganong side ni Richard… and Solenn also.

“Dream role niya yung role niya dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s a dark love story po. May violence na magaganap.”



NO MORE SWEET ROLES. Handa na ba siya sa ganitong tema ng pelikula? Ayaw na ba niyang gumawa ng pang-bagets na projects?

“Yung pa-sweet ba?” naniniguradong tanong ni Sarah.

“Sa totoo lang, ayoko na nang ganun kasi, feeling ko, parang wala akong natutunan sa ganun.

“Kumbaga, hindi ko… feeling ko, wala akong freedom doon.

“Pero siyempre, masaya kasi, siyempre, pa-cute pa-cute, pa-sweet pa-sweet lang.

“Mahirap din kasi may drama parts.

“Pero iba pa rin itong natsa-challenge ka at marami kang natututunan.

“Dahil yung mga bagay na hindi mo alam gawin, yung hindi mo kayang gawin, natututunan mo para sa ganitong pelikula.”


NO SELOS FACTOR. Hindi ba siya nagseselos kina Richard at Solenn, partikular na sa intimate scenes na ginagawa nila sa movie?

“Wala! Dyusko naman!” bulalas ni Sarah.

“Walang-wala. Kasi si Solenn, she’s very happy with… sa boyfriend niya.

“Hindi naman yun importante. We’re all very professionals.

“Pagdating doon [shooting], kami ni Chard, hindi kami gano’n ano mag-usap sa set. Kasi gusto namin mag-focus kami.

“Nagugulat nga yung mga tao. Bakit hindi kami masyadong nag-uusap sa set. Pero pag cut na, bakit na uli sa normal.”

Wala talaga siyang nararamdamang selos sa mga kissing scenes at bed scenes ni Richard?

“Pag nagselos ako, pag nagsimula akong magselos, kumbaga, ako yung matatalo.

“It’s just a stupid thing to do, you know?

“Parang are you an actress o nandito ka ba para makipag-relasyon o para pag-usapan lang?

“Parang it’s just stupid kung magseselos lang ako.”



DEFENDING RICHARD. Pero si Richard ay kilala raw sa pagiging seloso?

Pagtatanggol ni Sarah sa kasintahan, “Ano lang siya, mapagmahal. Talagang mapagmahal.”

Hindi ba siya nakakaramdam na parang hinihigpitan siya ni Richard?

“Ah, hindi. Hindi siya ganun.

“Si Chard, normal na tao, na kapag may nakikitang bagay na pagseselosan, magseselos. Pag wala, wala,” nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya ba siya sa piling ni Richard?

“Oo naman, very happy,” mabilis niyang sagot.

May anim na buwan na raw ang relasyon nina Sarah at Richard, ayon mismo sa young actress.

Hindi ba siya natatakot na hindi sila magtagal ni Richard dahil sa pressure ng kung anu-anong dulot ng showbiz?

“I’m only 19, I know. But, kumbaga, ever since I got into showbiz, marami akong natutunan, marami akong responsibilities na nakuha. And naging mature ako.

“Si Chard, mature rin. Kumbaga, alam na namin yun.

“Hindi na kami magpapalamon sa sistema or sa mga tsismis na hindi naman makakatulong sa amin.”

CHANGES. Kapansin-pansin ang malaking pagbabago ni Sarah, lalo sa kanyang pananalita sa kung ano ang pananaw niya sa buhay at sa career.

Hind raw aware si Sarah sa mga pagbabagong ito, pero giit niya, hindi ito dahil kay Richard o sa impluwensiya nito sa kanya.

“Bakit kay Chard agad?” natatawa niyang sabi.

“Ever since pumasok ako sa showbiz, pumaso ako dito, I’m really passionate about my craft.

“Hindi para sa money or whatever… Siyempre, gusto ko ring makatulong sa parents ko. Pangarap ko rin yun.

“Pero pumasok ako dito dahil, yun nga, I love acting.

“Matagal na akong seryoso sa acting.

“Ngayon lang siguro po ako nabigyan ng project kung saan maibubuhos ko yung kakayanan ko, kung anuman yung naituturo sa akin mga tao.”



CHRISTMAS PLANS. Ano naman ang plano nila ni Richard ngayong Pasko at sa Bagong Taon?

“Baka sa Cebu kami with my family and his family… Hindi pa po sure, e.

“Pero kami lang ng mommy ko, kasi mommy ko lang naman ang kasa-kasama ko dito. Si Daddy, nagwu-work.

“Tapos si Daddy, baka sa Switzerland.

“Sa New Year naman, hindi ko pa po alam kung saan. Pero as of now, yung naiisip namin, baka dito lang sa Manila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN