Part 2. Marian Rivera changes strategy for choosing Christmas gift for Dingdong Dantes: "Kasi, palaging expensive gift. So, this time, gusto ko, card lang."

Dahil sa pareho silang busy, bihira na raw magkita ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes. Saad ni Marian, “Alam n’yo, sa totoo lang, parang ito na yata ang pinaka-busy naming taon. Halos hindi na kami nagkikita. Katulad ngayon, may taping siya. Uwi niya, madaling-araw na. Tapos ako naman, umaga, wala na ako, nasa taping na ako. Siguro, natutuwa na lang ako kapag napapadaan siya sa taping ko, magha-‘Hi! Kumusta ka na? Buhay ka pa ba?’


Ngayong 2012 ay parehong naging busy sa kanila-kanilang career ang magkasintahang Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Tuloy, ayon kay Marian, madalang na silang magkita ni Dingdong.

“Alam n’yo, sa totoo lang, parang ito na yata ang pinaka-busy naming taon. Halos hindi na kami nagkikita.

“Katulad ngayon, may taping siya. Uwi niya, madaling-araw na.

“Tapos ako naman, umaga, wala na ako, nasa taping na ako.

“Siguro, natutuwa na lang ako kapag napapadaan siya sa taping ko, magha-‘Hi! Kumusta ka na? Buhay ka pa ba?’ Yung ganun.

“Hindi ko naman siya madalaw sa set kasi ang lalayo naman ng location niya.

“At least ako, ‘eto lang, nasa Green Meadows lang ako, Quezon City.

“So, tawagan talaga. Wala namang choice, trabaho, e.”

Kaya naman ang pagbabakasyon nila sa Las Vegas ngayong December 6 ang magiging bonding nila at oras para sa isa’t isa.

“Yun na yun, bakasyon lang, salamat sa Diyos!” sambit ni Marian sa pagpapatuloy ng panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media.

“December 6 ng gabi ako aalis. Pero six ng umaga, nasa taping ako.

“Twelve ng madaling-araw, nandito ako. After lunch, nasa taping na ako.

“Pero okay na yun, at least, kahit man lang three days.

“Kahit sa eroplano, mag-usap kami. ‘O, kumusta ka na?” natatawang sabi niya.



A DIFFERENT CHRISTMAS GIFT. Nang tanungin naman ng PEP si Marian kung ano ang magiging Christmas gift niya kay Dingdong, sinabi nitong naibigay na raw niya ang kanyang regalo sa kasintahan.

“Actually, naibigay ko na sa kanya, pero ang corny!” natatawa niyang sabi.

Ang aga naman yata niyang ibinigay?

Paliwanag ni Marian, “Naggagala kasi ako sa Rustan’s, may nakita akong isang figurine.

“Ang corny, pero sabi ko, siguro iibahin ko naman ang strategy.

“Kasi, palaging expensive gift. So, this time, gusto ko, card lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos, binigyan ko siya ng isang malaking-malaking heart na figurine. Tapos yung lalaki, buhat-buhat niya yung babae.

“Tapos, nakalagay dun, ‘Tuwing makikita kita, palagi akong masaya at saka fulfilled ako sa sarili ko. And I promise to love you forever.’ Yun ang nakalagay.

“So, na-touch naman ako, ibinigay ko sa kanya.”

Yun na yun?

“Yun na yun, e,” nakangiting sagot ni Marian.

Biniro naman ng entertainment press si Marian kung yung sobre raw bang pinaglagyan ng card ay may nakasilid na tseke.

“Sugar mommy lang?” natatawang reaksiyon niya.

Ano naman ang sinabi ni Dingdong sa regalo niya?

“Na-touch siya, sabi niya, ‘Ay, parang bakla lang!” tawa ni Marian sa sariling biro.

Si Dingdong, may Christmas gift na rin ba sa kanya?

“Alam n’yo, si Dong kasi, kahit hindi Christmas, may gift ‘yan.

“So, parang kami, hindi naman kami nagbibilang na porke’t Christmas, kailangan may gift.

“Minsan ako, mapadaan lang ako, bili ako.

“Example, alam ko na pagod siya sa set, ipagluluto ko siya ng banana bread. ‘For you…’ so parang gift na rin yun.”



ANNIVERSARY. Biniro naman namin si Marian na kaya siguro sila aalis ni Dingdong ngayong December ay bilang selebrasyon na rin ng kanilang “fifth anniversary.”

“Anong fifth year? Ang layo naman, ang tagal naman nun! Hindi pa naman fifth,” sabi niya.

Ilan na ba?

“Secret! Fifth ka diyan!” tawa ni Marian.

Fourth?

“Hindi… Ay, bahala kayo diyan! Tanong ninyo sa kanya.”

Ano pa ang gusto niyang matanggap mula kay Dingdong?

“Hindi naman sa wala, pero minsan, masarap din yung…

“Katulad ni Mama, ‘Anak, ano ba ang gusto mo sa Christmas? Ang hirap-hirap mo namang regaluhan.’

“Sabi ko, ‘Ma, kahit wala.’

“Sabi naman niya, ‘Hindi naman puwede yun, Christmas, wala akong gift sa iyo.’

“Tapos, may ibinigay siya sa akin. Hindi ko pa binubuksan. Hinihipo-hipo ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Ano kaya ‘to?’

“Pati lola ko, kahit maliit na bagay, nakakatuwa.

“Alam ko ang feeling na nahihirapan silang mag-regalo, pero nagbibigay pa rin.”

NAUGHTY OR NICE. Isang pambatang tanong naman ang ibinato kay Marian: Kung si Santa Claus ay inaalam kung sino ang mga naging “naughty” o “nice” bago sumapit ang Pasko, kailan naman siya naging naughty o nice?

Nakangiting sabi ni Marian, “Ay, walang ka-naughty-naughty, promise!”

Paano naman siya naging nice?

“Unang-una sa lahat, sa family ko. At least, once a week, nagkikita kami, tini-treat ko sila.

“Tapos sa mga katrabaho ko sa set, ine-enjoy ko.

“Hangga’t kaya kong i-extend kung ano ang kailangan nila, kung kaya ko rin lang ibigay, ibibigay ko.

“Yung ganun.”

Kumusta naman siya bilang isang anak?

“Ako kasi ang tipo ng anak na lahat, ibibigay ko. Kahit na hindi kailangan, ibibigay ko,” sagot ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN