Enrique Gil on his first float ride in MMFF: “Super excited na ako!”

Bitin na nagpasilip si Enrique Gil ng tungkol sa kuwento ng The Strangers. Sabi niya: “Basta ang masasabi ko lang ibang makikita nila sa mga characters namin as in kakaiba sa mga nakikita nang normal.”


Masayang ibinalita ni Enrique Gil na extended ang primetime series nilang Princess and I hanggang sa susunod na taon.

Sabi niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Extended po kami hanggang January or February next year.

“Siyempre, sobrang happy.

"Noong una kasi, parang pang kiddie siya, sobrang light.

“Kasi yung mga tao, parang sana’y sila sa heavy drama, so mabuti naman at for a change, nagustuhan nila yung light na show.”

Nakausap ng PEP si Enrique sa Christmas party na inorganisa ng DGD Events para sa Adec Group of Companies kagabi, December 2, sa Filinvest Tent.

Pinabulaanan naman niyang may special friendship sila ng leading lady niya sa teleserye na si Kathryn Bernardo.

“Si Kat ay special friend naman, siyempre.

“I mean, ah… we started as a team, sabi namin, ‘Kaya natin ’to guys… team tayo.

"And siyempre, medyo... okay naman.”

Hindi pa rin daw nila alam kung kanino mapupunta si Mikay (Kathryn) sa huli—kung kay Jao (Enrqiue) o kay Gino (Daniel).



FIRST MMFF MOVIE. Sa ngayon, sobrang busy si Enrique sa kaliwa’t kanang trabaho.

Bukod sa teleseryeng Princess And I ay tinatapos niya ang ilang natitirang eksena sa The Strangers, ang entry ng Quantum Films sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Kasama niya rito sina Enchong Dee at Julia Montes. Ang direktor nila ay si Lawrence Fajardo, na director din ng award-winning indie film na Posas.

Sabi ni Enrique, “Wala naman, wala namang bago. I don’t know, siguro sobrang busy.

“Yung The Strangers sa MMFF, sa December 25, kasama si Enchong at Julia. Para siyang suspense-horror-thriller.

“Kapatid ko dito si Julia, dito kasi family kami, e.

“Hindi kami puwede to go on details, kasi mabubuko yung gist nung story.

“Basta ang masasabi ko lang, iba ang makikita nila sa mga characters namin—as in kakaiba sa mga nakikita nang normal.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ito ang una niyang pelikula pero masaya raw siya dahil at last ay may pelikula na siya for MMFF.

Sabi ni Enrique, “First ko, so first time ko magpu-float, so sasakay ako ng float and super excited na ako

“First time ko, excited na ako.

"Hindi ko alam ang mangyayari or whatever, I wanna see it.”

Pagkatapos ng Parade os Stars on December 23, lilipad naman papuntang Hong Kong si Enrique at ang kanyang pamilya para doon i-celebrate ang Christmas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN