Nora Aunor on working for ABS-CBN and Star Cinema: “Kung kukunin nila ako, bakit hindi?”

Panay ang pasasalamat ng Superstar na si Nora Aunor dahil hanggang ngayon ay todo pa rin ang suporta sa kanya ng mga masugid niyang tagahanga. Sabi nga ng aktres, "At ang mga fans, nandiyan pa rin. Sumusuporta pa rin at lalong dumarami sila. Kasi ngayon, may mga tsikiting, may mga teenagers, at mga bata."


Dinumog ng mga manonood ang premiere ng High Definition (HD)-restored version ng pelikulang Himala kagabi, December 2, sa SM Megamall Cinema 9.

Ang Himala (1982) ay isa sa classic movies na pinagbidahan ni Nora Aunor na humakot ng katakut-takot na awards at nagpakilala sa husay ng Superstar bilang isang aktres.

Ito ay idinirek ng yumaong National Artist For Film na si Ishmael Bernal at isinulat ng premyadong screenwriter na si Ricky Lee.

Na-interview ng Cinema News at PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ate Guy bago simulan ang premiere night.

Nagpahayag ng sobrang kaligayahan ang Superstar sa pagkaka-restore ng pelikula niya.

“Masaya dahil ang Himala ang kauna-unahang pelikula na ginawang HD…

“At after thirty years, nandito pa rin siya at talagang kung saan-saan nakarating.

“Siyempre, magaling ang ating writer, si Tito Ricky [Lee], at kasama ko siya ngayon.

“Hindi ko ito inaasahan kaya malaki ang pasasalamat natin sa ABS-CBN, kila Ma’am Charo [Santos-Concio, ABS-CBN president], dahil pinaghirapan nila ang pelikulang ito.”

Sa pagkaka-restore ng Himala, marami ang naniniwala na maaaring simula na ito na paggawa muli ng proyekto ng Superstar sa ABS-CBN at sa Star Cinema. Hindi naman ito tinutulan ng mahusay na aktres.

“Kung kukunin nila ako, bakit hindi?” smabit niya.



SOLID SUPPORTERS. Ayon sa aktres, tumataba rin ang puso niya na hanggang ngayon ay buo pa rin ang suporta sa kanya ng mga tagahanga niya.

Emosyunal at marami ang nakapansin na maluha-luha si Ate Guy kagabi.

Sabi niya tungkol dito, “Sinong hindi maiiyak? Hanggang ngayon, dinadala pa rin tayo.

“Ang mga fans, nandiyan pa rin, hindi sila nagbabago. At alam kong maganda ang pelikula na papanoorin natin, ang Himala.

“Maraming-maraming salamat sa lahat, lalo na at kailangan nila panoorin ang pelikula dahil, unang-una, napakaganda ng pelikula."



INTERNATIONAL ACCOLADES. Bukod sa restored version ng Himala, isa pang nagbibigay-inspirasyon daw kay Nora ay ang pagkilala sa kanya internationally para sa pelikula niyang Thy Womb.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanalo siyang Best Actress sa 6thAsia Pacific Screen Awards na ginanap sa Brisbane, Australia. Nominated naman siya as Best Actress sa 55thAsia Pacific Film Festival na gaganapin sa Macau.

Saad ni Nora, “Siyempre, ano pa ba ang sasabihin ko kundi, sa lahat ng nangyayari ngayon, sobra ang kasiyahan ko sapagkat sunud-sunod...

"At ang mga fans, nandiyan pa rin. Sumusuporta pa rin at lalong dumarami sila.

"Kasi ngayon, may mga tsikiting, may mga teenagers, at mga bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN