Dingdong Dantes on strong relationship with Marian Rivera: "It is based on true feelings and good intentions kaya naging matibay siya.”

Ayon kay Dingdong Dantes, isang malaking dahilan ng pagiging matagumpay nila bilang isang baguhang film producer ang labimpitong taon na niya sa industriya. Saad ng actor-producer, "Hindi ko inaksaya ang minuto o taon ko dito. Nag-aral ako, pinag-aralan ko lahat ng ginagawa ko rin. Because later on, alam kong magagamit ko rin in case na gusto kong mag-venture to things like that. Plus, the fact na marami rin akong natutunan sa mga taong na-meet ko dito, lahat ng mga mentors ko. Al


Suwerte raw sa pagiging actor-producer si Dingdong Dantes sa dalawang magkasunod na pelikulang iprinodyus at pinagbidahan niya—ang Segunda Mano (2011) at Tiktik: The Aswang Chronicles (2012).

Pero maliban sa luck, ang isang naging puhunan din daw ni Dingdong sa pagiging matagumpay na baguhang movie producer ay ang tagal na niya sa industriya.

Seventeen years na sa showbiz si Dingdong.

Pahayag ng 32-year-old Kapuso actor, “Well, siguro malaking bagay na matagal na rin ako sa industry.

“And hindi ko inaksaya ang minuto o taon ko dito. Nag-aral ako, pinag-aralan ko lahat ng ginagawa ko rin.

“Because later on, alam kong magagamit ko rin in case na gusto kong mag-venture to things like that.

“Plus, the fact na marami rin akong natutunan sa mga taong na-meet ko dito, lahat ng mga mentors ko.

“All those combined, talagang may malaking batting average to do the right thing.”

MOVIE FOR MARIAN. Ngayong lumusot na siya bilang movie producer, ang hinihintay naman daw ng mga tagahanga nila ni Marian Rivera ay ang pelikulang pagsasamahan nilang dalawa na sila ang producers. Ano ang reaksiyon ni Dingdong dito?

“Actually, inaantay ko rin yun,” nakangiting sabi niya.

“Pero siyempre, ang daming naka-lineup sa kanya, e. Ganun din sa akin.

“Meron ding mga plano. Darating din yun for sure. Darating din yun.”

Pinag-uusapan na ba nila ni Marian ang tungkol dito?

“Sa ngayon, hindi pa.

“Tingnan natin kung ano’ng mangyayari late next year—kung hindi siya magiging busy or kung magiging open siya.”

Kinumpirma rin ni Dingdong na gusto ni Marian na mag-produce ng sarili nitong pelikula.

Naimpluwensiyahan ba ni Dingdong si Marian dahil sa box-office success ng dalawa niyang iprinodyus na pelikula?

Sagot niya, “Hindi ko lang alam. Hindi ko alam kung na-influence ko siya.

“Hindi namin napag-usapan. Although, alam ko lang na open siya sa ganun.”

Willing ba siyang lumabas sa unang pelikula na ipo-produce ni Marian nang walang talent fee o bayad?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo naman, oo naman. Para sa kanya, kahit ano,” nakangiting sabi ni Dingdong.

TIME FOR EACH OTHER. Kung abala siya ngayong December, paano na ang panahon nila para sa isa’t isa?

“Well, we just have a very short window, which is Christmas and New Year.

“So, talagang we have to make the most out of it.”

Pero sa December 6 ay lilipad sila papuntang Las Vegas para sa tatlong araw na bakasyon.

Ano ba ang meron sa relasyon nilang dalawa ni Marian at kahit dumaan na sila sa mga kung anu-anong intriga, naroon pa rin ang dedication nila sa isa’t isa at patuloy na smooth sailing ang kanilang relasyon?

Sagot ni Dingdong, “Siguro maganda dahil the relationship is genuine and sincere.

"Kumbaga, it is based on, kumbaga, true feelings and good intentions kaya naging matibay siya.”

Naaapektuhan din ba ang kanilang relasyon dahil sa parehong hectic showbiz commitments nila?

“Meron din naman,” pagtukoy ni Dingdong sa tampuhan nila ng kasintahan. “But it’s just a matter of handling it properly.”

Masasabi bang na-outgrow na nila ang mga pinagdaanang problema sa relasyon nila?

“Oo. Ang importante doon, natuto kayo sa kamaliang ginawa ninyo in the past.

“Dahil kung hindi, parang balewala lang, di ba?

“So, kami pareho, we’re better now.”

Paano siya binago ni Marian?

“Hindi… maraming bagay, pero hindi ko ma-specify kung alin.”

Meron ba siyang mga ginawang sakripisyo para kay Marian? Kagaya ng mga dati niyang ginagawa, pero para kay Marian ay hindi niya na ginagawa ngayon?

“Hindi naman. Hindi dapat baguhin ang isang tao kung sino ka talaga.

“So, this is who I am kung paano niya ako nakilala. Ganun pa rin ako.”

CHRISTMAS GIFT. Ayon kay Dingdong, hindi pa niya naiisip kung anong Christmas gift ang plano niyang ibigay sa kasintahan.

“Last minute ako, e,” nakangiti niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ia-assess ni Dingdong ang 2012 pagdating sa kanyang career?

“Okey naman, average.

"But because of all the blessings na nakuha ko towards end of last year, I would say na very thankful for everything.”

Ano naman ang inaasahan niya sa 2013?

“Ako, I just want things to always be better and better kumbaga.

“Kahit gradual, kahit konti, basta may improvement. Kumbaga, not taking a step back.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN