Ai-Ai delas Alas on partner Jed Salang: "Ganoon na kaming magtrato, as husband and wife, pero hindi pa naman legal."

Hindi maitago ni Ai-Ai delas Alas ang pagmamalaki at tuwa sa pagtatapos ng kanyang anak na si Sancho sa kursong Culinary Arts. Sabi niya sa kanyang speech, “Very is it, this is really it is nang bonggang-bongga, boom na boom, mga anak. Anak, this is it! Ngayon, sobra-sobra namin kayong ipinagmamalaki. Congratulations!”


Naging emosyunal at hindi maitago ni Ai-Ai delas Alas ang kaligayahan sa pagtatapos ng kanyang panganay na anak na si Sancho Vito.

Si Sancho ay nag-graduate sa kursong Culinary Arts sa Center for Culinary Arts noong Sabado, December 1.

Kitang-kita sa video na ipinalabas sa The Buzz kahapon, December 2, na tumayo at tuwang-tuwang pumalakpak pa si Ai-Ai nang tawagin ang pangalan ng anak.

Nang tanggapin naman ni Sancho ang kanyang diploma ay tuluyan nang naluha si Ai-Ai.



GRADUATION MESSAGE. Sa graduation ceremony, nagbigay ng mensahe si Ai-Ai bilang kinatawan ng mga magulang ng graduates.

Tukoy ni Ai-Ai sa kanyang mensahe para sa mga graduate, “At para sa ating mga anak, lalo na sa aking anak, madalas na sinasabi ko sa mga pelikula ko na, ’This is it… very is it, this is really it is nang bonggang-bongga! Boom na boom, mga anak.

“Anak, this is it!

“Ngayon, sobra-sobra namin kayong ipinagmamalaki. Congratulations!

“Sa lahat ng recipes ng pag-aaral ninyo, ngayon, recipes ng buhay na ang tatahakin ninyo.”



PROUD MAMA. Nang makausap ng The Buzz si Ai-Ai, sinabi niyang pangarap ng bawat magulang na makitang nagtapos ng pag-aaral ang kanilang mga anak.

“Lahat naman ng dream ng mga magulang e mapagtapos ang mga anak nila.

“And I’m so proud of Sancho… sobra.

"Sobra kong proud kasi, marami kaming pinagdaanan ng batang ito—hirap, tiyaga...

"And at least… thank you kay Mama Mary and kay God, napag-aral ko rin siya.”



“FATHER.” Sa binitiwang speech ni Ai-Ai, nasambit ni Ai-Ai na ngayon daw ay may "asawa" na siyang kaakibat sa pagpapalaki sa kanyang mga anak.

Kasama ni Ai-Ai sa graduation ni Sancho ang karelasyon nitong si Jed Salang.

Sabi pa niya, “Lalung-lalo na po sa mga single moms na kagaya ko, mahirap talagang magpalaki ng anak.

“Buti yung iba, may asawa. Ngayon, meron na rin ako.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nilinaw ni Ai-Ai ang naging pahayag niyang ito sa interview ng The Buzz, lalo pa’t may balita noon na ikinasal na sila ni Jed sa Las Vegas.

Sabi ng Kapamilya star, “Yun lang ang tawagan namin kasi yun na ang prinomise namin.

“Ganoon na kaming magtrato, as husband and wife, pero hindi pa naman legal.

“At saka, kung paano namin i-treat ang family, para kaming mag-asawa—walang official. Pero ganoon na yun.”

Nakahanda na ba siyang magpakasal muli?

“Ay, hindi pa, wala pa. Waley, waley, saka na yun!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN