Alden Richards on zero lovelife: “Istorbo po sa career ang lovelife para sa akin ngayon.”

May mga lumabas nang sexy pictorial si Alden Richards. Kaya na ba niyang magpa-pictorial nang naka-underwear? Sagot ng Kapuso heartthrob, “Hindi pa rin po ako makapagsabi kung kailan kasi… marami naman pong pagbabago minsan sa industriya. So abangan na lang po kung kailan ako mag-e-endorse ng brief!”


Sapat na raw kay Alden Richards ang magagandang break na ibinibigay sa kanya ng GMA-7 para lagi siyang maging ganado sa trabaho.

Nakapagsimula na siya ng taping ng Indio, ang upcoming epic-fantasy series ng Kapuso network kung saan ginagampanan niya ang young Bong Revilla.

“Masaya po ako na ginagawa ko ang Indio,” masiglang bungad ni Alden nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas noong Linggo, December 2.

“Kasi, first taping ko lang po, heavy scenes na agad, e. So hindi ko po in-expect.

“Pero nakakatuwa po na nabigyan ako ng chance na mapasama sa isang malaking proyekto ng GMA.

“Na malapit na pong ipalabas... January 14 po ang start ng airing nito.”

Magkahalong kaba at excitement daw ang pakiramdam ni Alden sa pagganap niya bilang younger Indio.

“Opo, nandoon po yung pressure. Nandoon yung expectation na… siyempre Senator Bong has been in the industry for so long.

“Tapos, ipu-portray ko yung young version of him.

“So I’m thankful naman po na, before taping, nagkaroon po kami ng series of workshops under the production.

“Kaya hindi naman po naging mahirap para sa akin na mag-adjust doon sa character ni Senator Bong bilang Indio.

“And masaya po ako na, at least, naging parte ako nitong soap na ito.”



CHARACTERIZATION. Pinag-aaralan din daw ni Alden ang kilos pati mannerisms at pagsasalita ni Bong bilang Indio.

“Minsan, kapag may chance po ako, kapag nagkakasabay kami ni Senator Bong sa taping, pinapanood ko po yung mga kilos at galaw niya.

“Kasi siyempre, hindi man ganoon katagal ang role ko sa Indio, kailangang ibigay ko pa rin yung hundred percent.

“So hindi na rin po naman bago sa akin ang mga movements niya kasi nakasama ko na rin po siya sa Panday. Most of the time, nakikita ko siya doon.

"So hindi na po ako awkward doon sa character as young Indio.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nagkaroon din daw sila ng sit-down talk ni Senator Bong para sa nasabing role.

“Yes, noong workshop po. Si Tito Pen Medina po ang nag-workshop sa amin.”



ADVICE. Ano ang mga importanteng nasabi sa kanya ng actor-politician?

“Na… siyempre, yung opportunity only knocks once daw. Na kailangan ibigay mo lagi yung best mo.

“Tapos proud po ako na nasimulan ko yung pagsuporta kay Senator Bong noong Panday days.

“Tapos hanggang ngayon po, kinukuha pa rin ako sa mga projects niya.

“Malaking appreciation ko po iyon kasi… kahit naman po hindi kalakihan yung role ko, basta si Senator Bong ang nag-ask ng favor, gagawin ko po.”

Nangiti naman si Alden sa birong pareho ang level ng kaguwapuhan nila ni Senator Bong.

“Uyyy… naku, salamat!” sabay tawa niya.

“Thank you po. Thank you!”



ZERO LOVELIFE. Pero sa kabila ng kaguwapuhan niya, nananatiling zero naman daw sa ngayon ang kanyang lovelife.

“Huwag muna. Istorbo, e,” nangiti ulit ang young actor.

“Istorbo po sa career ang lovelife para sa akin ngayon.

“Gusto ko pong mag-focus muna nang husto sa trabaho. Marami po akong obligasyon sa bahay.

“Kakukuha ko lang po ng bagong kotse. So kailangang magtrabaho nang double time… kasi yung monthly amortization.

“At the same time, yung kapatid ko pong babae, nag-aaral sa college.

“So focus muna sa work. Mas marami pa po akong priority kesa sa lovelife.”



MUSIC ALBUM. Papasukin na rin ni Alden ang pagiging recording artist. Inihahanda na nga raw sa ngayon ang kanyang unang album.

Saad niya, “Hindi pa po ako nag-i-start mag-record. Pero it’s gonna be under Universal Records po.

“Hopefully, maging successful siya. So abangan na lang po ninyo.

“Mga ballad songs lang po ang magiging laman ng album. Pang-ballad lang po kasi ang range ng boses ko, e.

“Actually, I’m into music din naman po. Hindi nga lang po ako ganoon kagaling when it comes to singing.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I can sing, pero hindi kasing galing nina Kuya Ogie [Alcasid] or Kuya Janno [Gibbs].

“As per management po, parang, ‘O, sige, why not give it a shot?’”



WORKOUT. Kapansin-pansin na lumalaki na ang katawan ni Alden. Is he working on it sa ngayon?

“Kasi po, may upcoming shoot ako for Folded & Hung na pang-summer.

"So siyempre, kailangan preparation po ulit… parang sa Cosmo Bash.

“Sexy po ang concept since pang-summer. Pero tingnan pa rin po natin,” sabay ngiti niya.

Puwede na rin ba siyang maging endorser ng underwear?

“Ay, hindi po! No. Not at this point po.

“Parang it’s too early. Magtu-two years pa lang po ako sa showbiz.

“Baka po in two years’ time. Hindi pa rin po ako makapagsabi kung kailan kasi… marami naman pong pagbabago minsan sa industriya.

“So abangan na lang po kung kailan ako mag-i-endorse ng brief!” sabay tawa ni Alden.

TWO MMFF ENTRIES. Dalawang entries sa 2012 Metro Manila Film Festival ang kasali si Alden sa cast—Si Agimat, Si Enteng Kabisote At Si Ako at Sossy Problems.

Ayon sa young actor, “Love interest ako ni Bianca King sa Sossy… pero sandali lang po ang role ko doon sa movie.

“Sa Si Enteng naman, part po ng isang organization ang na in-arrange ni Ms. Judy Ann naman ang character ko.

“I had fun naman po during the shoot.”

Sa darating na MMFF Parade of Stars, saang float siya sasakay?

“Sa Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako po. As per GMA-7 management na rin po iyon since very short lang po ang exposure ko doon sa Sossy…”

May bagong teleserye ba siya pagkatapos ng taping niya for Indio?

Sabi ni Alden, “This coming February na po.

“Hindi ko lang po alam kung si Louise [delos Reyes] pa rin ang magiging ka-partner ko. Pero… sana po.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana rin po, maganda yung story ng soap.

“And sana, katulad din po ng One True Love… mag-rate din.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN