Martin Escudero on staying single for four years: “Ayoko na muna ng sakit ng ulo.”

Para kay Martin Escudero, importante sa relasyon na mabigyan ng oras ang girlfriend. Pero hindi rin dapat mapabayaan ang trabaho. Saad niya, "Kailangan balance kasi, e. Lalo na hindi natin maiiwasan na magtatampo yung babae kasi nawawalan tayo ng oras sa kanya. So, ayoko naman ng may pagsisisi sa bandang huli. Katulad ngayon, ang daming naghihiwalay dahil kulang sa oras, yung ganun. Sayang naman yung relasyon kung doon lang mauuwi.”


Isa si Martin Escudero sa mga unang alaga ng talent manager na si Popoy Caritativo, kasama sina Marian Rivera at Dennis Trillo.

Tinatanaw nga niyang malaking utang na loob sa kanyang manager ang magandang career na tinatamasa niya sa loob ng pitong taon simula nang hawakan siya nito noong 2005.

Ngayon nga ay lumaki na ang pamilya nila sa Luminary Talent Management ni Popoy dahil kasama na rin nila sina Janice de Belen, AJ Dee, Jestoni Alarcon, at ang mga bagong dagdag na sina Rafael Rosell at Tom Rodriguez.

Paglalarawan ni Martin sa kanyang manager, “Si Popoy kasi, bukod sa napakabait ay madaling kausap.

“Kumbaga, lahat ng puwede mong piliin ay pabor sa iyo at pabor sa kanya.

“Madaling maayos lahat ng pag-uusap, alam mo yun, na walang kahirap-hirap, ang daling solusyunan ng lahat.

“Kumbaga, nagagawan namin ng lahat ng paraan.

“Compatible kami as manager at artista.

"Sa tingin ko, ang importante, yung nagkakaintindihan kayo.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa Luminary Christmas Party for the press noong Linggo ng gabi, Disyembre 2, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.



PRODUCTIVE YEAR. Maganda at productive nga ang 2012 para kay Martin pagdating sa kanyang showbiz career.

Tatlong shows ang nagawa niya sa TV5 ngayong taon: Glamorosa, Kapitan Awesome, at Enchanted Garden.

Nakagawa rin siya ng ilang pelikula gaya ng Moron 5 and the Crying Lady at ang indie movie na Musiko.

Natutuwa si Martin na na-extend nang na-extend ang airing ng Enchanted Garden dahil hanggang January 2013 pa raw ito mapapanood sa TV5.

“Siyempre, masaya kapag nae-extend ang show mo. Ibig sabihin, may trabaho pa rin.

“Nagpapasalamat ako sa mga nanonood kasi yung dalawang shows ko, talagang pinanonood ng mga tao. Sinusuportahan nila.

“Napakasuwerte ko. Yung Enchanted Garden, na-extend, tapos yung Kapitan Awesome, mag-iisang taon na rin.

“Masaya ako na ganun ang kinakalabasan ng mga show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa takbo ng istorya ng Enchanted Garden ngayon, kasama ang karakter ni Martin bilang si Pako sa ikinulong sa yelo ng kontrabidang si Hellfora, ginagampanan ni Bing Loyzaga.

Ibig sabihin daw ay hindi naman siya mawawala sa show.

“Para ma-establish lang yung pagpasok ng bagong characters.

“Nandiyan na rin kasi sina Eula [Caballero] at JC [de Vera].

“Pero nandiyan pa rin naman kami. Tuloy pa rin kami nina Alex [Gonzaga] doon.

“Nagkaroon lang talaga na dagdag na characters.”



NO FRUSTRATIONS. Hindi raw nakakaramdam ng anumang insecurity o frustration si Martin kahit pa may mga bagong artistang pumapasok at nadi-discover sa TV5, gaya na lang ng mga Artista Academy graduates.

Ramdam naman kasi niya ang pag-aalaga ng kanyang mother network sa kanya.

Saad niya, “Wala, wala [frustration].

“Ako naman, e, ang iniisip ko na lang ay makagawa ako ng magandang trabaho.

“Sa TV5 naman, lagi akong isa sa priorities kaya masayang-masaya ako.”

Kaya tinutumbasan naman daw niya ang pagtitiwala ng TV5 sa kanya.

“Ginagawa ko lang nang maayos lagi yung ibinibigay ng trabaho sa akin kasi puro malalaking soap yung ipinagkakatiwala nila sa akin.”



FILMFEST MOVIE. Isa pa sa ikinatutuwa ni Martin kapag dumarating ang buwan ng Disyembre ay ang Metro Manila Film Festival.

Taun-taon kasi ay kasama siya sa entry ng Regal Films na Shake Rattle & Roll.

Sa ikalabing-apat na pelikula nga ng naturang Filipino film series ay kasama siya sa episode na “Lost Command”; kasama sina Dennis Trillo, Paulo Avelino, JC Tiuseco, AJ Dee, at Alex Castro.

Ayon kay Martin, “Mga sundalo kami sa movie. Ako yung isa sa mga baguhang sundalo, private yung ranggo ko. May mga mae-encounter kaming zombies dito.

“Nakakatuwa lang kasi parang naging regular na rin ako sa Shake.”

Masaya rin si Martin nang mabalitaan niya na inilipat na ang date ng parada o Parade of Stars sa Disyembre 23.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mas okay nga kasi dati, 24, e. Pagkatapos ng Parada, nagmamadali na kami, mabilisan na.

“Siguro ngayon, mas magiging maluwag ang schedule at mas may time para makasama ko ang family ko sa Noche Buena at Pasko.”



FOUR YEARS OF NO LOVELIFE. Pamilya lang daw ang kasama ni Martin sa Pasko.

Wala raw siyang special someone ngayon dahil matagal na siyang walang lovelife. Ang huli pa niyang girlfriend ay si Jennica Garcia.

“Wala nga, e. Medyo matagal na, pero okay lang. Mag-a-apat na taon na rin yata.”

Bakit nga hanggang ngayong hindi pa nasundan si Jennica?

“Wala, siguro mas nag-concentrate lang ako sa trabaho. Nag-iipon din.”

Hindi naman siya na-trauma sa lovelife?

“Hindi naman. Nasaktan, oo, pero hindi naman na-trauma. Kumbaga, timing lang din iyan.”

Inamin naman niya na open naman siya sa pakikipag-date.

“Meron naman, siyempre meron. Hindi naman mawawala yun.

“Basta may libreng oras na puwedeng lumabas.”

Kaya lang, hindi pa ba dumarating ang tamang babae para sa kanya?

“Ang mabigat kasi doon yung responsibilidad.

“Hindi naman kasi tayo katulad ng iba na pasok lang nang pasok sa relasyon.

“Mahirap din yung relasyon-hiwalay, relasyon-hiwalay.

“Ayoko na muna ng sakit ng ulo.”

Ibig sabihin sakit ng ulo ang pakikipagrelasyon para sa kanya?

“Hindi naman. Ang mahirap lang yung magkaroon ng karelasyon na hindi ka nauunawaan.

“Sakit ng ulo talaga ang relasyon lalo na sa trabaho ko.

“Alam mo naman yun mahirap pag nai-partner ka sa iba.”

Importante rin daw sa relasyon na mabigyan ng oras ang girlfriend. Pero hindi rin dapat mapabayaan ang trabaho.

“Kailangan balance kasi, e. Lalo na hindi natin maiiwasan na magtatampo yung babae kasi nawawalan tayo ng oras sa kanya.

“So, ayoko naman ng may pagsisisi sa bandang huli.

“Katulad ngayon, ang daming naghihiwalay dahil kulang sa oras, yung ganun.

“Sayang naman yung relasyon kung doon lang mauuwi.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Para sa susunod niyang relasyon, ano qualities ba ng babae ang hinahanap niya?

“Ako, basta simpleng babae lang ang gusto ko. Yun lang simple at mabait.

“Ako kasi, sa ugali ako mas tumitingin kasi. Bonus na lang yung maganda.

“Basta mas sa ugali ako tumitingin. Lalo na yung makakaintindi sa trabaho ko.”

Hindi rin daw siya namimili kung showbiz o non-showbiz ang girl.

“Wala namang problema sa akin doon. Hindi naman ako tumitingin pati sa estado.

“Doon ako tumitingin sa halimbawa maayos ba yung kinalakihan niya.

“Pati kung sa past niya, madali ba siyang magpalit, medyo mahirap yung ganun.

“Kaya kinikilala ko muna nang mabuti yung babae.”


CHRISTMAS. Ngayong nalalapit na ang Kapaskuhan, ano naman ang wish niya?

“Ang wish ko na lang talagang maibigay ko lahat ng puwede kong maibigay na tulong sa mga nangangailangan, sa pamilya ko, sa mga kabataan.

“Yun na lang, ang gusto ko talaga makatulong.”

Wish niya rin daw na makagawa ng mas maraming pelikula lalo ng indie movies tulad ng Zombadings: Patayin Sa Shokot Si Remington at Musiko, na malaking hamon sa kanyang kakayahan sa pag-arte.

Plans for Christmas?

“Wala naman. Laging sa pamilya lang, kami-kami lang.

“Gusto ko munang ibigay ang time ko sa kanila para sa oras na mag-lovelife ulit ako ay hindi naman sila magtampo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN