Carla Abellana on wedding talk with boyfriend Geoff Eigenmann: "Siguro, bago pag-usapan ‘yon, paghandaan muna."

Bagamat wala pa namang planong magpakasal, pinaghahandaan na raw ni Carla Abellana ang bagay na ito ngayon pa lang. Sabi ng Kapuso actress, “Ako, nag-iipon ako. Ine-enjoy ko ang trabaho ko. Tapos, nag-i-invest na rin at the same time. And then, yung family ko, siyempre inuuna ko muna.”


Tatlong taon na ang relasyon nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann.

Karaniwan sa mga showbiz couple na ganun na katagal ang relasyon ay madalas na natatanong kung hindi pa ba nila napag-uusapan ang kasal.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Carla sa Party Pilipinas noong Linggo, December 2, ay tinanong namin ang aktres kung wala pa ba silang plano ni Geoff na lumagay sa tahimik.

“Wala pa. Kasi… hindi ko alam.

“Siguro, bago pag-usapan ‘yon, paghandaan muna.

“Parang ano siya, e… parang ang dami pang kailangang pagdaanan.

“Ang dami pang kailangang gawin para maging secure kami as individuals, bago namin pag-usapan yung pagpapakasal, siyempre,” saad ni Carla.

Paanong paghahanda ba ang ginagawa nila sa ngayon?

“Ako, nag-iipon ako,” sabay ngiti ni Carla.

“Ine-enjoy ko ang trabaho ko. Tapos, nag-i-invest na rin at the same time.

“And then, yung family ko, siyempre inuuna ko muna.”

Wala silang joint investment ni Geoff?

“Wala naman. Siyempre yung ganyan, pag mag-asawa na kayo!” natawang sabi ng aktres.



NEW PROJECT. Right now, nakaantabay raw si Carla sa bagong soap opera na gagawin niya sa GMA-7.

Saad niya, “Baka February ang airing niya.

“At ang balita ko po, anytime ngayong December ay magsisimula na kaming mag-taping.

“Pero wala pa pong definite details. Hindi ko pa po alam kung sino yung director at kung sino yung mga makakasama ko.

“Pero definitely, drama siya na fantasy at the same time.”

Wala pa ring sinasabi kung sino ang kanyang magiging leading man?

“Wala pa, e. Kasi nagpapabagu-bago pa.

“May naririnig akong dalawang pangalan, pero hindi pa raw sure kaya hindi ko pa masasabi.

“Movie? Wala pa. Baka next year na lang, hopefully.”

Marami ang nakaka-miss na mapanood si Carla sa isang mabigat na role na naman.

Napatunayan na rin kasi niya ang kanyang husay bilang bagong nahuhulmang dramatic actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Asam din niya, “Sana sa pelikula.

“Marami akong offers na natatanggap, pero kailangang piliin.

“Kailangang ipaalam sa GMA nang maigi.”



CHRISTMAS AND NEW YEAR. Kapag araw ng Kapaskuhan, sinisiguro raw ni Carla at ng kanyang pamilya na laging maging natatangi at espesyal na okasyon ito para sa kanila.

Saad niya, “Every Christmas po, bale sa bahay lang ng lola ko [former movie queen Delia Razon] kami nagse-celebrate.

“So, tradition po ‘yon. Kumpleto kaming buong pamilya sa house ng lola ko.”

Pangatlong Pasko na raw bale nila ito ni Geoff. At bawat Christmas daw na dumaan ay laging special for them mula nang naging sila.

“After kong mag-Noche Buena with my family, pupunta na ako sa kanila [Geoff].

“Kapag New Year naman, siya rin, gano’n. Sa family muna niya, tapos pupunta naman siya sa amin.

“So nagsu-swap kami. Para at least parehong families, nabibisita namin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN