Regine Velasquez’s free concert will happen on January 5

Sa panunumbalik ng kaseksihan ni Regine Velasquez at epekto nito sa asawang si Ogie Alcasid, sabi ng Asia’s Songbird: “Ang sama ng tingin Sinisipat-sipat na naman ako ng asawa ko. Parang, ’Wag ka ngang maingay!’”


Special guest ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa Belo Medical Group Christmas party noong Lunes ng gabi, December 3, sa Dusit Thani Hotel grand ballroom.

Bago siya nagpaunlak ng awitin ay nagbiro =si Regine ng: “Ang sama ng tingin. Sinisipat-sipat na naman ako ng asawa ko. Parang, ’Wag ka ngang maingay!’”

Ang nais niyang tukuyin ay ang asawang si Ogie Alcasid na hindi na raw halos makapagpigil sa kaseksihan ngayon ni Regine.

Konting-konti na lang kasi ay balik na si Regine sa dati niyang pangangatawan bago ipagbuntis at ipanganak ang panganay nilang si Nate.

Ngayong palapit na ang Pasko, hindi maiwasang mapasarap sa pagkain. In her case, anong diet ang gagawin niya para ma-maintain ang kanyang pangangatawan?

“Parang I’m doing the juice thing again. Parang I can eat naman but I drink the juice. Para rin hindi na ako magkasakit.”

THE BIG DAY! Sa Christmas party ay kinanta ni Regine ang "Ako’y Iyong Iyo" ni Ogie at masasabing bumabalik na rin sa dating kundisyon ang kanyang boses.

Matatandaang hindi tinapos ni Regine ang kanyang Silver concert noong November 16 sa Mall of Asia Arena dahil hindi na niya kinaya ang kumanta sanhi ng kanyang karamdaman.

Noong gabi ring iyon ay ipinangako ng Songbird na babawi siya at magbibigay ng free concert sa mga bumili ng tickets.

Ang free concert ay mangyayari na nga sa January 5, 2013, sa Mall of Asia Arena pa rin.

“Yeah, yun na yung ano… final. January 5 na talaga,” sabi niya.

Ano ang ginagawa niya para manumbalik ang kanyang boses?

“I just rested. I need to rest lang. Although once in a while, I’d still cough. Natatanggal yung cough.”

May mga nagsasabing malamang daw ay humina ang resistensiya niya dahil sa kanyang pagpapapayat.

Pero sabi ni Regine, “A, hindi naman. Parang two weeks kasi prior to the concert, my son got sick.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So two weeks before, medyo nag-aano na talaga ako.

"But I think my body was fighting kasi I was drinking all these juices, e… nakakataas ng immune system.

"Kaya lang… wala, e. Kahit naman gaano kataas yung ano mo, basta virus na, wala ka nang laban dun,” nangingiti at naiiling niyang kuwento.



PREPARATIONS FOR THE FREE CONCERT. Anong preparations ang ginagawa na niya para sa free concert niya sa January 5? Nagre-rehearse na ba siya ulit?

“No, no. Siguro the week na lang ng [January] 5," sabi ni Regine.

May maiiba ba sa show o may idadagdag sila?

“Kasi ang daming hindi nakita ng audience, e. Halos kalahati yung hindi ipinakita, e.

“So, madami pang kanta, e, talaga na iba yung arrangement. Maraming hindi talaga nakita, e.

"I’m very excited finally we can show them the whole show.”



CHRISTMAS DOWN UNDER. Sa isang panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Ogie, sinabi nitong gusto niyang maging malapit ang relasyon ng anak nila ni Regine na si Nate sa half-sisters nitong sina Sarah at Leila, na anak ng singer-comedian sa unang asawang si Michelle Van Eimeren.

Sabi ni Regine tungkol dito, “Magiging close naman yun kasi, like, we’re spending Christmas with them. So yun.

"We’re making an effort para maging close.

Nakatakda nga raw lumipad sina Regine, Ogie, at Nate papuntang Australia sa December 22.

Babalik sila sa bansa on New Years’s eve in time for the preparation of her concert.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN