James Yap on ex-wife Kris Aquino: "Oh, we’re good friends right now."

Pagkatapos ng hiwalayang James Yap at Kris Aquino, malaya namang nakakadalaw si James sa anak niyang si Bimby. Sabi niya,reg “Well, bilang magulang, nagte-thank you ako kay Kris, kasi pinapapayagan naman niya ako dumalaw sa kanila. So, okey naman—wala namang problema.”


Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang basketball superstar na si James Yap sa birthday party ng beauty expert na si Cathy Valencia noong November 30 sa Mandarin Hotel.

Si James ang isa sa unang male endorsers ng Cathy Valencia Skin and Body Centre.

Nakiupo si James sa table namin kung saan naroon din sina Valerie Concepcion at Isabel Oli, na na-link noon sa basketbolista.

Una munang binati ni James ang dalawang aktres at saka siya nagpaunlak sa amin ng interview.

Ano na ang pinagkakaabalahan niya ngayon?

“Ayun, basketball pa rin… nagba-basketball pa rin,” mabilis na tugon ng B-Meg Llamados star player.

Kumusta naman ang buhay-buhay?

“Happy... happy,” matipid ngunit nakangiti niyang sagot.



DIFFERENT JAMES. Sa masiglang pagsagot ni James sa aming magkakasunod na tanong, kapansin-pansin na ang malaki niyang pagbabago.

Hindi na ito mahiyain na halos hindi maibukas ang bibig kapag natatanong ng media.

Kaya naman kinumusta namin siya tungkol sa buhay niya na malayo sa showbiz.

Si James ay ex-husband ng TV host-actress na si Kris Aquino.

“Tahimik!” mabilis niyang sagot saka sinundan ng malakas na tawa.

Dugtong ni James, “Actually, okey naman.

“Busy ako sa conference kasi ongoing yung [PBA] conference.

“So, busy ako ngayon sa practice and kasi nasa gitna na kami ng conference, so medyo crucial na yung mga games.

“So, yun ang pinagkakaabalahan ko ngayon.”



CHRISTMAS PLANS. Sa sobrang abala niya, may panahon pa ba siyang mag-prepare para sa nalalapit na Kapaskuhan?

“Actually, may game ako sa Christmas,” balita niya.

Paano yung responsibility niya as a father sa anak nila ni Kris na si Baby James o Bimby?

“Well, bilang magulang, nagte-thank you ako kay Kris, kasi pinapayagan naman niya ako dumalaw sa kanila.

“So, okey naman... wala namang problema,” sabi niya.

Paano niya ise-celebrate ang Pasko with Bimby?

“Actually, parang aalis yata sila… aalis sila. Wala sila dito. Ako lang mag-isa,” pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitang pupuntang London at Germany ngayong Pasko si Kris kasama ang mga anak na sina Bimby at Josh na aabutin hanggang sa unang linggo ng 2013.

Hindi ba siya uuwi ng Escalantes, Negros Occidental para doon mag-Pasko habang wala sina Kris?

“Pag wala akong games, uuwi ako,” aniya.



MORE PERSONAL. Nabaling naman ang interview ng PEP sa estado ng samahan nila ni Kris.

“Oh, we’re good friends right now,” pagbabalita ni James habang nangingiti siya.

“Nagdyo-joke kami nang husto. So, yun ang maganda doon.

“’Eto yung maganda… I mean, mas maganda na yun dahil nakakapag-usap kami nang hindi na masyadong seryoso… yung casual.

“Yun ang magandang sitwasyon namin.”

Bakit hindi naging ganito ang relasyon nila noong sila’y mag-asawa pa?

“Masyadong seryoso before. Siguro takot pa… Ewan ko, hindi ko alam,” nailing niyang sabi habang nangingiti

Hindi kaya nag-a-adjust pa sila noong mga panahong iyon?

“Baka… pero ngayon, nag-uusap kami ng mga kung anu-ano.

“Ang maganda kasi, nagbibiruan na kami.”

May mga biruang personal na ba, gaya ng pangangamusta tungkol sa status ng kani-kanilang personal life o lovelife?

“Oo, may mga ganoon,” nakangiti pa ring pagkumpira ni James.

Gaya ng pagtatanong ni Kris kung may girlfriend na siya, at siya rin kung may boyfriend na si Kris?

“Oo, may ganoon, may ganoon. Kaya okay talaga yung samahan namin,” sabi ni James.

Meron na bang girlfriend si James?

Medyo nag-isip muna siya ng matagal na parang alinlangan sagutin ang tanong.

Pag-amin niya, “Meron tayong nami-meet kasi single naman tayo. So, ganun-ganoon lang.”

Wala pa bang napipili o masasabing girlfriend?

“Wala pa,” tugon niya agad.

Si Kris ba ay wala pang boyfriend?

“Wala pa,” sagot ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN