Nora Aunor on Never Say Goodbye leading men Cesar Montano and Gardo Versoza: "Dyusko, ang feeling ko, napakaganda ko!"

Isa pa ring Kapatid ang Superstar na si Nora Aunor. Saad niya, “Alam mo, ang masasabi ko lang diyan, talagang purong Kapatid ako. Dahil sa ang TV5 ang nagbigay ulit sa ‘kin… ang nagtiwala at naniwala na puwede pa ‘kong gumawa ng mga ganung... katulad ng Sa Ngalan ng Ina. Sila lang talaga yung nagsugal. Kaya ako bumalik dito sa Pilipinas, dahil sila lang ang naglakas-loob na igawa ako ng ganun at ikontrata ng tatlong taon.&am


Abalang-abala ngayon ang Superstar na si Nora Aunor.

Inaabangan ng marami ang dalawang pelikula niyang kasali sa Metro Manila Film Festival ngayong taon: ang Thy Womb at El Presidente.

Magbabalik-teleserye rin ang Superstar sa pamamagitan ng bagong proyekto niya sa Kapatid network, ang Never Say Goodbye, na ididirek ni Mac Alejandre.

Makakasama niya rito sina Cesar Montano, Alice Dixson, Gardo Versoza, at ang grand winners ng Artista Academy na sina Sophie Albert at Vin Abrenica.

Sa story conference ng nasabing teleserye noong Martes, December 2, sa Mario’s Tomas Morato, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Superstar.

Excited daw si Ate Guy na muling sumabak sa drama sa pamamagitan ng Never Say Goodbye.

Sabi niya, “Lalo na sa mga kasama ko, kay Alice, kasi matagal ko na rin siyang gustong makasama.

“Nagkasama kami sa Enchanted [Garden], pero sandali lang."

Ano naman ang pakiramdam na maging leading lady nina Cesar Montano at Gardo Versoza—na incidentally ay parehong gumanap noong bilang Machete?

“Dyusko, ang feeling ko, napakaganda ko!” pagbibiro ni Ate Guy.

CERTIFIED KAPATID. Pinapatunayan ba ng kanyang bagong teleserye na isa pa ring certified Kapatid si Nora?

Sagot ng aktres, “Alam mo, ang masasabi ko lang diyan, talagang purong Kapatid ako.

“Dahil sa ang TV5 ang nagbigay ulit sa ‘kin… ang nagtiwala at naniwala na puwede pa ‘kong gumawa ng mga ganung... katulad ng Sa Ngalan ng Ina.

“Sila lang talaga yung nagsugal.

"Kaya ako bumalik dito sa Pilipinas, dahil sila lang ang naglakas-loob na igawa ako ng ganun at ikontrata ng tatlong taon.”

Kamakailan ay napabalitang nakipag-ayos na si Ate Guy sa mga dating nakatampuhang executives ng Kapamilya network.

Sa isang interview sa PEP ay ipinahayag din ng Superstar na bukas siyang makipagtrabaho muli sa ABS-CBN o Star Cinema. (CLICK HERE to read related article).

Ayon kay Ate Guy, binibigyan naman siya ng laya ng TV5 na gumawa ng proyekto sa ibang network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung nais man daw siyang kunin, “Nasa sa kanila na yun, hindi sa ‘kin.

“Pero ako, sa TV5 pa rin, sa Kapatid talaga ‘ko. Hindi naman sila maramot, ang TV5.

“Dahil pag may nag-o-offer naman sa ‘kin, kailangan lang magpaalam sa kanila.

“At sila naman kung maganda yung proyekto at makakatulong sa ‘kin, talagang pumapayag naman sila,” pahayag niya.

THIRTY YEARS SINCE. Tatlumpung taon na mula nang unang ipalabas ang pelikulang Himala, na nakatanggap ng samu’t saring parangal at naging benchmark ng pelikulang Pilipino.

Ano na nga ba ang mga nagbago kay Ate Guy mula noong 1982?

Pahayag niya, “Naku, e, di nung sinu-shoot namin yun, siyempre, bata pa ako, di ba? Thirty years ago!

“So ngayon, 35 ako, 35 years old. So konti lang yung kaibahan sa hitsura. Hindi, biro lang!

“Siguro sa acting, malaki na rin ang pagbabago. Kasi ngayon, nag-eeksperimento ka na rin ng acting.

“Sabagay, nasa role din ’yan, e, sa character,” wika niya.

Makakaasa ba ang kanyang mga tagahanga na may aabangan pa silang mga proyekto ni Ate Guy na tulad ng Himala?

“Ako, ang plano ko kasi bilang artista, o bilang tao, o bilang si Nora Villamayor [her real name], gusto kong makagawa ng konsiyerto sa isang taon, makagawa ng isang malaking pelikula sa isang taon, makagawa ng CD, recording album sa isang taon—masaya na ‘ko nun.

“Yun lang ang pangarap ko sa buhay,” wika niya.

Ibinahagi rin ni Ate Guy ang nakalatag nang plano para sa kanyang concert sa susunod na taon.

“Kakarerin ko na, sasabihin ko na talagang itutuloy ko na—sa birthday ko, next year, May 21.”

Nakatakda naman daw siyang lumabas ng bansa sa susunod na taon upang maituloy na nga ang kanyang throat operation.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN