Dingdong Dantes returns to Viva Films after 14 years

“Hindi naman madali na gawin ang mga ganung klaseng scenes. It’s very delicate, and hindi mo naman ginagawa nang araw-araw yun. Nagpapasalamat ako sa tiwala,” banggit ni Dingdong Dantes tungkol sa kissing scene nila ni Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali.


After 14 years, balik-Viva Films si Dingdong Dantes.

“After fourteen years, parang nostalgic na pumipirma uli ako ng contract with Viva, ang company that discovered me, mula pa nung nag-umpisa ako with T.G.I.S.

“Nakakatuwa lang dahil naalala pa rin nila ako at willing silang bigyan ako ng movie project…it’s like going back.”

Ito ang pahayag ni Dingdong sa pakikipag-usap nito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at mga TV crew mula sa tatlong major networks na inimbita ng Viva para i-cover ang muling pagpirma ni Dingdong sa Viva, kahapon, December 4, sa Viva office sa Tektite Bldg., Pasig City.

Two-year, two-movie contract ang pinirmahan ni Dingdong sa Viva.

Wala pa raw siyang idea kung ano ang gagawin niyang pelikula.

Pero kahit ano pa raw iyon, okey lang sa kanya.

“Bahala na ang Viva kung ano ang gusto nilang ipagawa sa akin. Sila naman ang nakakaalam kung ano ang maganda para sa akin,” sabi pa ng Kapuso actor.

Wala rin daw siyang napipisil para maging leading lady.

Pero matunog ang pangalan ni Anne Curtis among those present at the contract signing, para maging leading lady niya sa comeback movie niya sa Viva.

“Well, now that I am here with Viva, e, di that would be very possible. That should be a good thing.

“Actually, sabay naman kaming nag-umpisa rito. Kasabayan ko siya nung 1998, so, why not?”



DREAM PROJECT. Kahit na handa naman siyang gumawa ng pelikula, aminado si Dingdong na naka-concentrate siya sa teleserye niya sa GMA-7, ang Pahiram ng Sandali.

“Doon ako naka-concentrate ngayon dahil, siyempre, yung istorya niya e hindi madali.

"It really takes time para sa amin, lahat ng concentration namin, ina-allot namin do’n.

“Minsan, every day na nga kami nagsu-shoot, but para sa akin, it’s all worth it because, dahil sa experience na nakukuha ko ro’n, nakikilala ko yung mga nakakatrabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Napakagandang experience for me.”

Hindi raw malilimutan ni Dingdong ang Pahiram ng Sandali dahil dream project niya raw ito.

“Mula sa direktor, hanggang sa mga artista, at mababait na staff… talagang alagang-alaga,” sabi pa ni Dingdong.



KISSING SCENE WITH LT. Tinanong ang 32-year-old actor tungkol naman sa naging kissing scene nila ng co-star niyang si Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali.

Pabirong tanong ng GMA-7 showbiz reporter at PEP contributor na si Gorgy Rula kung torrid daw ba ang kissing scene nila.

“Hindi naman. Para sa telebisyon po. Very for TV!” natatawang sabi ni Dingdong.

Ano naman ang masasabi niya sa naging kissing scene niya kay LT?

“Alam n’yo, yun ang kagandahan pag si Direk Maryo [J. de los Reyes] ang nagdidirek. Kasi talagang he’ll make you feel in character talaga kayo.

“So, kumbaga, walang personal na nararamdaman, kung ano ang talaga yung gusto mong ibigay na character. Yun lang yun."

Kumusta naman kahalikan si Lorna, tanong pa ni Gorgy.

“Isa pong... siyempre, karangalan ang makaeksena siya nang ganun. Dahil hindi naman madali na gawin ang mga ganung klaseng scenes. It’s very delicate, and hindi mo naman ginagawa nang araw-araw yun.

“Nagpapasalamat ako sa tiwala,” patuloy ni Dingdong.

Binigyan ba siya ng pointers ng aktres tungkol sa maayos na paghalik para sa kamera?

“Hindi. Nakakatuwa nga dahil merong parang standard rule, merong general rule na hindi na pinag-uusapan iyan, e.

“At natutuwa ako that, you know, alam ko yung level o yung rule na ‘yan, so we didn’t have to talk about anything.

"We know how to do that for cinematic purposes, and nagkasundo na kami ro’n.”



VACATION WITH MARIAN. Bukas, December 6, lilipad si Dingdong at ng kasintahan niyang si Marian Rivera papuntang Las Vegas para raw sa ilang araw lang na bakasyon.

“Oo, kasi every time, before Christmas, maraming mga parties, pero para sa amin, nagtatrabaho kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, ide-dedicate namin yung mga sarili namin para during Christmas season, may mapapanood ang mga tao. So, walang bakasyon-bakasyon.

“That’s why three, four days na aalis kami, medyo magre-recharge lang kami, and at the same time, para suportahan si Manny.”

Ang tinutukoy ni Dingdong ay si Congressman Manny “Pacman” Pacquiao, na nakatakdang harapin sa pang-apat na pagkakataon ang Mexican boxer na si Juan Manuel Marquez sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada, sa December 8 (December 9, sa Pilipinas).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN