Anne Curtis lashes back at Twitter followers for insulting her mother

Ang mensahe ni Anne Curtis sa mga taong patuloy na iniinsulto ang kanyang ina: “So you can say whatever you want. I wont fight you BUT i will clarify..She is after all my mother and I dont appreciate people who disrespect her.”


Kahit pa mayroong mahigit three million followers si Anne Curtis sa Twitter, tila hindi lahat ng ito ay kanyang mga tagahanga.

Ngayong araw, Disyembre 5, ay mayroong anim na sunud-sunod na posts si Anne sa kanyang Twitter account, @annecurtissmith, tungkol sa pang-iinsulto ng dalawang followers niya sa kanyang ina.

Binanggit ni Anne ang dalawang followers niyang ito na sina "@dudeinterrupted" at "@Khatieness."

Bagamat nabura na ni Anne sa kanyang account ang mga posts na ito, na-screengrab naman ito ni @dudeinterrupted at na-post pa ito sa kanyang account.

Kasama ng larawan ang mensahe nito sa aktres: “You said so dahl @annecurtissmith, I don’t want to make another war to anyone kasi its Christmas, maybe next year noh?!”



“I COME IN PEACE.” Hindi ito ang unang beses na ipinagtanggol ni Anne ang kanyang pamilya mula sa ilang “bashers” o naninira sa kanya.

Ayon sa report ng ABS-CBN News, noong Nobyembre 2011 ay tinawag na “Pinay maid” ang kanyang ina, at “Aussie loser guy” naman ang kanyang ama—na naka-tag pa sa account nila ng kapatid niyang si Jasmine Curtis-Smith.

Ayon sa post ni Anne ngayong araw, nais niya lamang linawin na hindi naging “maid” ang kanyang ina. At kung sakali man daw na mangyari ito ay magiging “proud” pa siya.

Dagdag pa ng It’s Showtime host, hindi niya na-appreciate ang mga tao na dini-“disrespect” sa kanyang nanay.

Narito ang mga sunud-sunod na posts ni Anne:

“@dudeinterrupted @Khatieness Well hello you. We meet again. But dont worry i come in peace. Just to clarify once again my mother was never”

“@dudeinterrupted @Khatieness a maid. In fact if ever she was i would be proud and would not hide it in embarrassment at all. She may not”

“@dudeinterrupted @Khatieness have come from a well off family but she never ashamed of her roots and took all of us visit where she grew”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“@dudeinterrupted @Khatieness up. So you can say whatever you want. I wont fight you BUT i will clarify..She is after all my mother and i”

“@dudeinterrupted @Khatieness I dont appreciate people who disrespect her. You’d probably do the same. Anyway, Now that is clear. I hope”

“@dudeinterrupted @Khatieness you will please stop saying false things about my mother. Thank you. :)”



ANNE’S FANS RESBAK. Samantala, sumagot naman sa mga posts na ito ni Anne si @dudeinterrupted.

Aniya, “@Khatieness @annecurtissmith nothing wrong with Pinay maids noh, why the shame? Love yew dahl!”

Dagdag pa nito, “That’s what you get for being 3rd world famous, your business is not only yours anymore. Its EVERBODY’s! And that includes Le D noh. Besos!”

Sumagot din si Khatieness: “Hahahaha..Anne included me in her twits w/ @dudeinterrupted.. someone need to tell her how to delete some mentions in replying.. #clown”

Tila naging mabilis naman ang fans ni Anne na tuligsain ang dalawang diumano’y naninira sa ina ng aktres.

Ilang minuto lang kasi ay nag-post si @Khatieness at sinabing: “I got pop corn Anne and to all her die hard fans.. Carry on”

Sabi pa nito, “Anne Curtis-Smith fans #pathetic. Sorry will not stood down to your level.. #clown #cheap... BTW, my twitter my rule..”

Kasunod nito’y nag-post siya ng larawan ng kulay hot pink na boots.

Habang isinusulat ang artikulong ito, ang huling post ni Anne ay ang pag-retweet niya ng isang balita tungkol sa bagyong Pablo, na namiminsala ngayon sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN