Tom Rodriguez reveals reason for leaving Star Magic to move to Luminary: “Minsan, walang trabaho, e, ito lang ang pinagkakakitaan ko.”

Maraming ibinigay na dahilan si Tom Rodriguez kung bakit siya lumipat ng talent management—mula Star Magic papuntang Luminary. Paliwanag niya, “Pero ako naman, work talaga. Trabaho naman ang hanap ko at yun naman talaga ang pinunta ko sa Pilipinas, and as long as they are willing to give me work.”


Ngayong December pa lang opisyal na magiging isa sa mga talent ng Luminary Talent Management si Tom Rodriguez.

Ang Luminary ang talent management na pag-aari ni Popoy Caritativo.

Kabilang sa artists ng Luminary sina Marian Rivera, Dennis Trillo, Janice de Belen, Martin Escudero, Jestoni Alarcon, AJ Dee, at Rafael Rosell.

Sa Christmas party ng Luminary para sa press noong Linggo, December 2, sa Annabel’s restaurant, ikinuwento ni Tom sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano siya napasama sa mga talent ni Popoy.

“Dati kasi, during Temptation Island [2011], nag-uusap na kami. But I was with Star Magic.

“Nakita ko kasi ang relationship niya [Popoy] with Marian and Dennis.

“Nag-usap kami. Then, I went to the States and I told Star Magic na hindi na ako magre-renew even though I appreciate…”

Dalawang taon din daw siya sa Star Magic.

Pero ayon pa rin kay Tom, “Sobrang dami kasi namin doon.

“Noong nakikita ko si Popoy na nakatutok siya sa talents niya, I asked Popoy if he’s willing din to manage me.”



WORKING RELATIONSHIP. Ano ba ang naging relasyon niya sa Star Magic at mukhang hindi siya kuntento rito?

Tugon ng former Pinoy Big Brother housemate, “Hindi naman sa hindi satisfied.

“Kasi, I love sina Mr. M [Johnny Manahan] at si Ms. Mariole [Alberto]. They are the nicest people… mabait, sobra!

“Kaya lang, sobrang dami na namin.

“Every day, there’s always a new talent. Nangyayari, napag-iiwanan.

“Mahirap din na mag-isa lang ako rito. Minsan, walang trabaho, e, ito lang ang pinagkakakitaan ko.

“Mahirap din kasi mahirap umagaw ng atensiyon.

“At yun ang nakita ko. Napansin ko kay Popoy na konti lang ang hinahawakan niya.”



END OF CONTRACT. Hinintay lang daw ni Tom na matapos ang kontrata niya sa Star Magic bago siya tuluyang lumipat sa Luminary.

Naghintay ba sa kanya si Popoy?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo, halos isang taon din,” sagot ni Tom.

“Last year pa actually nag-end ang contract ko sa Star Magic.

“But since I have a guaranteed contract in ABS, sila yung pumirma dun.

“So, automatically, they were the one representing me for that.

“E, kaka-end pa lang… mag-e-end pa lang ang contract ko sa ABS, this December 8.”

Sa ngayon, wala pa raw siyang alam kung ano ang gagawin o kung ano ang plano sa kanya ni Popoy.

Ayon kay Tom, “Hindi pa namin nabubuo kasi sobrang busy ako with Aladdin, yung sa theater.

“E, sobrang demanding ng schedules—lahat ng focus ko, napunta dun hanggang ngayon.

“Hanggang December 9 ang Aladdin, so mag-uusap kami kung ano ang mangyayari.”



ALL KAPUSO. Karamihan ng talents ni Popoy ay nasa Kapuso network, pero hindi alam ni Tom kung mananatili pa siyang Kapamilya o magiging Kapuso na rin.

Aniya, “Wala pa namang pinag-uusapan. Pero ako naman, work talaga.

“Trabaho naman ang hanap ko at yun naman talaga ang pinunta ko sa Pilipinas, and as long as they are willing to give me work.”

Wala pa bang nababanggit si Popoy sa kanya kung ililipat din siya ng network?

“Well, ang sabi lang sa akin ni Popoy, it doesn’t necessarily mean that I have to move network.

“So, nasa sa kanya. Pag-uusapan pa namin... kung nasaan talaga ang work.”

Nababalitang may bagong leading man daw na lilipat sa Kapuso network kaya tinanong ng PEP si Tom kung siya ang tinutukoy na iyon.

Sabi niya, “Wala akong ideya. Kasi right now, sa Aladdin muna ang focus ko.”



EXPECTATIONS. Kung tutuusin, mas nauna pa si Tom na nag-abiso na gusto niyang magpa-manage kay Popoy kesa kay Rafael Rosell.

Si Rafael, na mula rin sa ABS-CBN, ay isa sa lead stars ng GMA-7 primetime series na Temptation of Wife.

Saad ni Tom, “Kami ni Raf, magkaibigan naman kami. At least ngayon, we’re good friends.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Noong malaman ko, I was really happy kasi mas naunang natapos yung contract niya.”

Ano naman ang expectations niya ngayon sa kanyang bagong talent management?

“Sa akin naman, work lang.

“Kasi, I see naman kung paano niya [Popoy] alagaan sina Marian, sina Dennis, Martin...

“Kaya yun lang, the same amount of attention lang, I’ll be happy na.”

Dati nang alam at sinang-ayunan naman daw ni Marian ang pagtanggap ni Popoy kay Tom bilang karagdagan sa kanilang pool of talents.

Sabi ni Tom, “It’s a good decision daw, sabi naman ni Marian.”

Nakatrabaho na ni Tom si Marian sa pelikulang Temptation Island, pero gusto rin daw niya itong makatrabaho sa teleserye.

“Yes, of course. Nakatrabaho ko na siya before and sobrang bait naman niya,” papuri niya sa aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN