CHRISTMAS FORUM: What gifts do these celebrities want to receive this Christmas?

(L-R) Dingdong Dantes, Solenn Heusaff, Lorna Toelntino, Ritz Azul and IC Mendoza reveal the gifts they want to receive from their loved ones this Christmas. Will it be something material or something personal?


Kahit mga artista na sila, mayroon pa rin silang mga regalo na nais matanggap ngayong darating na pasko.

Mayroon ilan na humihiling ng materyal na regalo, habang ang ilan naman ay walang katumbas na halaga ang nais matanggap ngayong pasko.

Minabuti ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na tanungin mula sa ilang personalidad kung ano ang regalong gusto nilang makuha ngayong Kapaskuhan.

SIMPLE LIST. Limang bagay ang nais matanggap ng Kapuso actor Dingdong Dantes.

Maaaring simple ang kanyang nabanggit, pero mahalaga at tiyak na ikatutuwa niya kung makakuha siya ng mga ito sa darating na Pasko.

“Top five, siguro… para sa phone ko yung battery pack, kasi mabilis maubos battery ng phone ko.

“Tapos isang lunch box,” at pabiro pa niyang dugtong, “yung may Kerokeropi!”

Pagpapatuloy niya, “Bagong playlist, na iba magbibigay, para sa iPad ko.

“Lechon baka.

“Tsaka watch winder, yun yung pag nigalay mo hindi tumitigil, umiikot-ikot lang siyang gano’n.”

SEXY 2013. Natatawa namang ibinahagi sa amin ni IC Mendoza ang “bongga” na regalong gusto niyang matanggap ngayong Kapaskuhan.

“Prada wallet in royal blue, pilote conspiration shades by LV [Louis Vuitton], gym gloves, Mac book air.”

At ang huling kahilingan niya: “probably a better and sexier 2013!” sabay tawa nito nang malakas.

NOT MATERIAL THINGS. Hindi naman materyal na bagay ang hinihiling nina Lorna Tolentino at Solenn Heussaff.

Unahin natin si LT, na magandang kalusugan at ilang bagay para sa kanyang mga anak ang hiling ngayong pasko.

Aniya, “Diyos ko, wala [akong hinihiling na gift]! Wala talaga. Gusto ko health—good health, maging stable ang mga anak ko, maging successful. Talagang hindi puwedeng ibigay sa regalo.

“Hindi material, hindi regalo.”

Habang payak naman ang naging tugon ni Solenn, na ang limang beses na sinabi ang salitang “time.”

Wala na raw kasi siyang oras na makapagpahinga at makasama ang kanyang pamilya, dahil na rin sa busy niyang schedule. Kaya umaasa siya na ngayong pasko ay makapagsalu-salo silang mag-anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

A MIX OF EVERYTHING. Magkahalong materyal at hindi materyal na bagay naman ang gustong matanggap ni Ritz Azul ngayong pasko.

Binigyan niya kami ng limang regalo na nais niyang makuha ngayong taon:

“Good health para sa akin at sa family. Medyo nagkakaedad na rin kasi parents ko at marami nang nararamdaman. So I pray for good health.

“Magandang career, [kasi] may gusto pa akong patunayan and siyempre bilang isang artista, ito rin halos ang hinihingi.

“House and lot or condo, wish ko na magkaroon ako nito malapit sa Metro Manila para sa tapings di na masyadong mapalayo.

“Maging successful ang airing ng Kidlat! Mag-e-air na sa January 2013. Wish ko na maging successful and maraming manood dahil pinaghirapan talaga ito para sa mga Kapatid natin.

“May God help me and guide me sa lahat ng ginagawa ko. Kasi I believe na without God, I can do nothing, at siyempre sa ating lahat ang fifth wish ko.

“Hindi ako masyadong nagwi-wish ng material.”

Biro pa ng aktres, “Pero kapag may magbigay man, tatanggapin ko nang buo sa puso ko!

“Appreciative naman ako, hindi lang kasi ako masyadong nagwi-wish ng material things.”

Ang mga kasagutan na ito ang magpapatunay na anuman ang katayuan mo sa buhay, mayroon tayong materyal o hindi materyal na regalong nais matanggap ngayong Kapaskuhan.

Makuha man natin ito o hindi, ang pinakamagandang regalo na ating makukuha ay ang makasama ang ating mga mahal sa buhay sa espesyal na okasyon na ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN