Nora Aunor returns to concert stage next year: “Sigurado yun. Kakarerin ko na yun. Magku-concert na ako sa May 21. Itutuloy ko na!”

Paano nga ba nilalabanan ng Superstar na si Nora Aunor ang mga pagsubok sa buhay? Saad niya, “Lahat naman ng tao, may problema, may mga pagsubok sa buhay. Sa akin naman, sa ngayon, kung may mga pagsubok man, hindi ko na iniintindi dahil, alam ko, mabibigyan naman ng solusyon yun, e.”


Ang teleseryeng Never Say Goodbye ay bahagi ng kontrata ni Nora Aunor sa TV5 na magtatapos sa 2014.

Bago umakyat papuntang Baguio City si Nora, o Ate Guy, ay nakausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media, matapos ang Christmas Party for the Press ng Kapatid network kagabi, December 5.

Kahit naantala siya ng pagdalo, masayang humarap si Ate Guy sa mga nadatnang press sa Elements, Eton-Centris, Quezon Avenue, Quezon City.

“Magte-taping... mag-uumpisa na kami bukas sa Baguio,” bungad ni Ate Guy.



REUNION WITH CO-ACTORS. Bukod sa mga kasamang aktor at aktres, na halos lahat ay nakatrabaho na rin ni Nora, masaya siya sa reunion nila ng kanyang direktor sa tatampukang teleserye—si Mac Alejandre

“Okey naman siya. Matagal ko na ring kilala si Direk.

"Naging direktor ko na rin... sa Nora, at okay naman.”

Bukod sa kanyang direktor, nakatrabaho na rin ni Ate Guy ang dalawa niyang magiging leading men sa Never Say Goodbye na sina Cesar Montano at Gardo Versoza.

Nag-guest dati si Cesar sa isang episode ng drama anthology, in late 1980s sa IBC-13, na Sa Daigdig Ni Nora. Si Gardo naman ay nag-guest sa isang episode ng ABS-CBN drama anthology, in 1993, na Nora, at nagkasama sila as mainstays ng teleseryeng Bituin sa ABS-CBN (late 2002 to mid-2003).

Kasali rin sa cast ng Never Say Goodbye si Vin Abrenica, ang nanalong Best Actor ng Artista Academy last October 27.

Sa final exams ni Vin at ang top finalists na sina Akihiro Blanco and Mark Neumann, si Ate Guy ang naging kaeksena nila.

Nasa teleserye rin ang premyadong aktor na si Edgar Allan Guzman, ang isa sa mga anak-anakan sa showbiz ni Ate Guy.

Gumanap din si Edgar Allan bilang anak ni Nora sa Sa Ngalan Ng Ina noong isang taon.

Sa mga babaeng miyembro ng cast ay nakasama na rin ni Nora si Alice Dixson noong nag-guest ang Superstar sa isang TV5 fantaserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“First time na makakasama ko [si Alice] sa isang mahabang teleserye... nagkasama lang kami sa Enchanted Garden...” ani Ate Guy.

Ang hindi pa nakatrabaho, o naka-eksena ni Ate Guy ay si Sophie Albert, ang Best Actress winner ng Artista Academy.



COMEBACK TELESERYE. Paano napapayag si Ate Guy upang gumawa ng isang full-length teleserye?

Sambit niya, “Ah, wala naman akong hinihindian, e... na mini-serye o teleserye kung anuman.”

Excited daw si Nora sa kanyang teleserye comeback.

“Siyempre naman po, dahil, unang-una, sa mga kasama ko. Maganda, masaya ako,” nakangiting sabi niya.

May cut-off ang trabaho ni Nora na hanggang 10 p.m. to 12 midnight per taping day, pero siguradong mapapasabak na naman siya sa puyatan.

Sabi ng aktres, “Ready naman po ako every day pagdating sa trabaho.

“Mas gusto ko yung nagta-trabaho kaysa wala akong ginagawa.”



BLOOMING. Marami naman ang nakakapansin na higit pang maalaga ngayon si Nora sa kanyang physical na hitsura at sa pananamit.

But the Superstar agrees, walang hihigit sa kagandahan ng kalooban na siya ring magpapatingkad sa ganda ng panlabas na anyo.

“Oo naman. Yun, naniniwala naman ako doon

“Para wala kang problema... o magkaroon ka man ng problema, pero hindi mo na iniisip kahit papaano.

“Lahat naman ng tao, may problema, may mga pagsubok sa buhay.

“Sa akin naman, sa ngayon, kung may mga pagsubok man, hindi ko na iniintindi dahil, alam ko, mabibigyan naman ng solusyon yun, e.

“Kaya hindi ko na masyadong iniisip yun. Kaya ako masaya. Marami akong mga kaibigan na tumutulong."

Credit also goes to Ate Guy’s make-up artist na si Krist Bansuelo, couturier Avel Vacudio, and stylist Angel Alarcon.

“Lalo yung mga fans. Nandiyan si John,” banggit pa ng Superstar.

Si John Rendez ay ang matagal nang kaibigan ni Nora na kanyang mina-manage ngayon bilang rap recording artist.



MOVIE WITH STUDIO 5. Sa tweet kahapon, December 5, ni Mr. Perci Intalan, TV5 creative/entertainment head, kina direktor Jun Lana at Jo-Ann C. Banaga, TV5 unit head, may posibilidad daw na matuloy ang paggawa ni Nora ng isang pelikula sa ilalim ng Studio 5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tweet ni Mr. Perci, “@junrobleslana: @joAnnBanaga Now I know what I want for Christmas. Gawin na natin ang pelikula with Ate Guy!’’ >> kakaririn ko yan!!! :)”

Sa TV5-sponsored Christmas party for the movie press ay nagbahagi rin si Perci ng ilan pang detalye hinggil sa naturang posibilidad.

Kuwento niya, “Medyo inaayos pa lang namin... kasi malaki ang budget nun.

“Iniisip pa namin if we’ll push through, as planned...

"Yes, sa States kasi balak i-shoot ang film... or make some adjustments, kung puwedeng dito na lang.”

Ang tiyak, Studio 5 is coming up with a movie project for Nora , na kinumpirma ng magiging direktor nito na si Jun Lana.

Ito raw ay isang mainstream project na pinamagatang Dementia at kabilang sa genre ng horror-suspense-drama.

Dugtong ni Perci, “Magandang pagsamahin ngayon sina Nora at Direk Jun Lana.

“Tamang-tama, after Thy Womb and Jun Lana had Bwakaw... na prospective entry natin sa Oscars [Awards], maganda yung combination nila.”

Sumang-ayon naman si Ate Guy.

“Ah... maganda kung ganoon. Mag-uusap nga kami ni Sir Perci.

“Mas maganda rin siguro yung... napamahal na sa akin yung pag-arte at yung paggawa ng pelikula...”



BACK TO SINGING. Maganda rin ang nabanggit ni Nora hinggil sa balak niyang pagbabalik sa pagkanta, o pagre-record ng CD album, o kaya’y pagku-concert sa taong 2013 at ika-60 taong kaarawan niya.

“Sigurado yun. Kakarerin ko na yun. Magku-concert na ako sa May 21. Itutuloy ko na,” diin niya.

By January next year, tutungo uli si Ate Guy sa Boston para sa kanyang naudlot na throat/vocal chords operation para maipanumbalik ang kanyang nawalang singing voice.

Sabi ni Nora, “Alam na nila. Pag-uusapan yung schedule, hindi puwedeng hindi.”

Dumalo si Ate Guy sa nakarang concert ng impersonator niyang si Ate Gay sa MOA Arena noong November 30.

Nakaramdam ba si Ate Guy ng lungkot at pagsisisi dahil hindi pa siya makapag-concert?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi... wala naman akong naramdaman.

“Dahil alam kong gagawin ko yun sa isang taon... pag-alis ko sa January of next year... pag-alis ko.”

Papuri naman niya kay Ate Gay, “Ah, magaling siya. Magaling na performer... ‘kita mo naman, ang daming tao.”



CHRISTMAS PLANS. Naitanong din kay Ate Guy sa interview ang mga plano niya for the holidays this year.

Aniya, “Dito lang ako sa Pilipinas. Hindi ako aalis.

“Gusto ko, kasama yung pamilya at ilang kaibigan. At importante sa lahat, ang mga fans.

“Kasi yung mga fans, hindi ko puwedeng pabayaan... ganoon ko sila kamahal.

“Salamat ng marami at maligayang Pasko sa inyong lahat,” pagtatapos ng Superstar.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN