Alice Dixson on rumored separation from husband: “I never said anything like that.”

“Everybody’s affected. Hindi naman bato ‘yong puso ko, right? Right now, I don’t want to talk about it. Ayaw kong palakihin,” commented Alice Dixson about her rumored separation from husband Ronnie Miranda.


Usap-usapan ngayon ang diumano’y pakikipaghiwalay ni Alice Dixson sa kanyang asawa na si Ronnie Miranda.

May nakarating pa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na balitang magpa-file na raw ng divorce ang aktres ngayong buwan upang mapawalang-bisa ang kanilang kasal.

Sinubukan ng PEP na kumpirmahan kay Alice mismo ang balitang hiwalayan nila ng kanyang Canada-based husband, pagkatapos ng Christmas party na inihanda ng TV5 para sa entertainment media kagabi, December 5.

“I never said anything like that. Those are just blind items that I don’t want to comment on them,” nakangiting sagot ni Alice.

Nang tanungin ulit namin kung totoo ang tungkol sa divorce, muling ngumiti ang TV5 actress at sinabing, “I can’t comment about that. Let’s just have a merry Christmas and a happy New Year, okay?”

Aminado si Alice na hindi lang siya ang naaapektuhan sa balitang ito.

Aniya, “Everybody’s affected. Hindi naman bato yung puso ko, right?

“Right now, I don’t want to talk about it. Ayaw kong palakihin.

“I don’t wanna do anything about it right now.

“Kung yun ang tsismis, let them be chismis.

“I don’t want to add any fuel to the fire.

“Let’s just leave it the way it is and let’s just have a good Christmas and happy holidays.

“Basta, I’m content right now where I am and wala na akong hihilingin pa, actually.”

Pagkatapos nito, tinanong namin ang aktres kung pupunta ba ang asawa niya sa Pilipinas upang magkasama silang ipagdiwang ang Pasko.

Paiwas na sagot ni Alice, “Merry Christmas and happy holidays.”

Dito raw sa Pilipinas magpa-Pasko ang aktres dahil sa trabaho.

Bukod sa eco-serye na Enchanted Garden, magiging abala na rin siya sa susunod niyang teleserye kasama si Nora Aunor, ang Never Say Goodbye.

Sabi pa ni Alice, “There might be a chance to go in December to visit my family [in Canada].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lang, because I’m working in between two shows, I might have to work in between the holidays so baka hindi ako makauwi.”

Ibig sabihin ba nito ay hindi sila magkakasama ng kanyang asawa sa Pasko?

“I don’t think so,” maiksing sagot Alice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN