(UPDATED) Atty. Toto Villareal replaces Grace Poe as MTRCB Chairman

Itinalaga ng Malacañang si Atty. Eugenio “Toto” Villareal bilang bagong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Ayon sa pinalitan niyang si Grace Poe-Llamanzares, na tatakbo sa pagkasenador sa 2013, “perfect” si Atty. Villareal sa puwestong ito lalo na at “fan” din siya ng Filipino movies.


Si Atty. Eugenio “Toto” Villareal ang itinalaga ng Malacañang bilang bagong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Ito’y matapos bitawan ni dating MTRCB Chairperson Grace Poe-Llamanzares ang kanyang puwesto, dahil sa kandidatura niya sa pagka-senador sa 2013 elections.

Nang magbitiw si Grace ay pansamantalang humalili sa kanya ang direktor na si Emmanuel "Maning" Borlaza.

Ayon sa artikulong inilabas ng daily broadsheet na Philippine Star ngayong araw, Nobyembre 6, sinabi ni Grace na “perfect” para sa puwestong MTRCB Chairman si Atty. Villareal.

Dagdag pa ni Grace, “He’s a fan of Filipino movies, and I’m talking masa as well as indie movies.

“He’s also a successful lawyer.

“He appreciates popular Filipino culture. He even wrote a thesis on the Escalera Brothers of Iskul Bukol.”

THANKFUL. Sa pamamagitan ng text messaging, nahingan ng maiksing pahayag ng PEP si Atty. Villareal ngayong hapon, December 6.

Pauna ng bagong MTRCB Chairman, “We are arranging a press get together so we can interact personally [with all the media].”

Nagpasalamat din siya kay Presidente Benigno "Noynoy" Aquino III sa tiwalang ipinagkaloob nito sa kanya.

Dagdag niya, “Taos rin ang pasasalamat [ko] sa iniwang mga pagbabago ni Chair Grace Poe.

“Hangad ko na magka-impact ang MTRCB sa ordinaryong ‘Juan’ at ‘Juana dela Cruz,’ na magiging matalinong manunuod sila at lalong umunlad ang mga industriya ng pelikula at telebisyon.”

Marahil, sumikat ang pangalang Atty. Eugenio "Toto" Villareal noong kasagsagan ng hearing ng kaso ng pagkaka-suspinde ng MTRCB sa programang T3 ng TV5, bunsod ng insidenteng nangyari sa pagitan ng komentaristang si Mon Tulfo at ng mag-asawang Raymart Santiago at Claudine Barretto.

Si Atty. Toto ang tumayong spokesman ng MTRCB upang ipaliwanag kung ano na ang mga susunod na hakbangin ng ahensiya at kung ano na ang development ng kaso sa pagitan ng mga kapatid ni Mon at ng mag-asawang Santiago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN