Zanjoe Marudo on co-star Dingdong Dantes: "Kung tatanungin n’yo kung sino ang gusto kong gayahin, parang sana maging ganun din ang tingin sa akin ng tao."

Zanjoe Marudo on girlfriend Bea Alonzo: “Si Bea naman, lagi lang nakasuporta sa akin. Hindi ko kailangan magpaalam sa kanya na magkakaroon ako ng love scene sa pelikula. Kahit siya, hindi niya kailangan magpaalam sa akin. Pero dahil wala naman kaming inililihim sa isa’t isa, sinasabi namin lahat.”


Hindi raw nag-aalala si Zanjoe Marudo sa magiging reaksiyon ng girlfriend niyang si Bea Alonzo kapag napanood nito ang love scene niya kay Angel Locsin sa pelikulang One More Try, ang entry ng Star Cinema sa Metro Manila Film Festival 2012.

Kasama rin sa pelikula sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban. Mula ito sa direksiyon ni Ruel S. Bayani.

Sa presscon ng One More Try na ginanap kahapon, Disyembre 5, sa Dolphy Theater sa ABS-CBN, sinabi ni Zanjoe na noong una raw ay ayaw maniwala ni Bea na may love scene siya kay Angel.

Kuwento ni Zanjoe, “Hindi siya naniniwala na may love scene, e.

“Pero nung kinonfirm niya kay Inang [Olivia Lamasan, director and Star Cinema executive], naniwala na siya.

“Sabi ni Inang, ‘Oo, meron.’ Ganun.”

Wala raw problema sa kanila ni Bea ang paggawa ng love scene sa pelikula. Si Bea nga ay may love scene kay John Lloyd Cruz sa The Mistress.

Pahayag ni Zanjoe, “Wala naman, wala namang kaming isyu sa mga ganun.

“Kasi nga, di ba, nagkakilala naman kami pareho na kaming artista, so hindi na isyu yung kahit anong mga eksena pa iyan.”

THE LOVE SCENE. Totoo ba na si Angel pa raw ang nag-guide sa kanya sa kanilang love scene?

“Hindi, biruan lang namin yun,” paglilinaw ng aktor.

“Siyempre, first time naming magkatrabaho tapos gagawa kami ng ganung eksena, siyempre gagawin mo lang kung ano yung kailangan.

“Sabi ko, ‘Gel, alalayan mo na lang ako, ha.’ So, siya, um-okay agad siya.

“Sabi niya, ‘Sige, ako ang bahala sa iyo.’ Parang ganun.

“Nagulat din ako, e. Alam n’yo naman ako, hindi ako sanay sa paggawa ng ganung mga eksena!” biro ni Zanjoe.

Tinulungan din siya sa pagpapaliwanag ni Angel.

Saad ng aktres, “Si Z kasi… siyempre sa lahat naman ng love scene, sa simula, may nerbiyos talaga, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At si Z, bilang gentleman, siyempre first time lang naming magkakasama, tapos may love scene kaagad.

“So, siguro, siyempre naiilang pa siya sa akin at saka kung paano niya ako aalalayan, ganyan.

“Ako, bilang babae, ang responsibility ko, kailangan ko siyang gawing kumportable.

“Kasi kung maiilang siya, magiging pangit yung eksena namin.

“Noong nasa banyo ako, nagdadasal ako. Sabi ko, ‘Lord, Papa Jesus, sana po maging okay ang lahat.’

“Pero nung paglabas ko, nandoon si Z. Sabi ko, ‘Halika, ako’ng bahala sa iyo.’

“Para lang po maging kumportable siya.”

Dagdag naman ni Zanjoe, “Yun nga, parang napansin niya na nate-tense ako, parang hindi ako ready doon sa eksena.

“So, yun, nagpapasalamat ako kay Angel."

Papuri naman ni Angel, “Pero ang galing ni Z sa eksenang yun.”



SUPPORTIVE BEA. Pagkatapos ng presscon ay nakausap pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zanjoe at sinabi nga niya na masaya siya dahil laging nakasuporta si Bea sa kanya.

“Si Bea naman, lagi lang nakasuporta sa akin.

“Hindi ko kailangan magpaalam sa kanya na magkakaroon ako ng love scene sa pelikula.

“Kahit siya, hindi niya kailangan magpaalam sa akin.

“Pero dahil wala naman kaming inililihim sa isa’t isa, sinasabi namin lahat.”

Malaking factor nga raw sa kanilang relasyon ang pagiging open sa isa’t isa kaya mas tumatatag ang pagsasama nila.

“Iba kasi talaga pag open kayo, e, yung walang sikreto. Nandoon kasi yung tiwala n’yo sa isa’t isa.

“At pag may tiwala kayo, nandoon din yung respeto at siyempre yung pagmamahal.”

ADMIRING DINGDONG. Sa presscon, puring-puri nina Angel at Angelica si Dingdong dahil sa pagiging gentleman nito at maalaga sa co-star niyang babae kapag may love scene.

Maging si Zanjoe ay malaki ang paghanga kay Dingdong, hindi lang bilang aktor kundi bilang mabuting katrabaho.

Bago kasi ang One More Try ay nagkatrabaho na sila sa dalawang pelikula ng Kimmy Dora with Eugene Domingo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ni Zanjoe, “Si Dingdong, wala, bow ako kay Dong kasi, unang-una, hindi lang siya basta artista lang. Superstar siya ng kabilang network [GMA-7].

“So, hindi ko naramdaman sa kanya yung ganun na, ‘Superstar ako! Big star ako!’

“Kasi, nagkatrabaho na kami sa Kimmy Dora, tapos nagkatrabaho pa kami dito.

"Bow ako kay Dong.

“Sana lahat ng artista katulad niya, cool lang, tapos napaka-humble, tahimik lang.

“So, kung tatanungin n’yo kung sino ang gusto kong gayahin, parang sana maging ganun din [kay Dingdong] ang tingin sa akin ng tao.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN