Wendell Ramos wants to stay with TV5 after his contract expires on February 2013: "Honestly speaking, wala namang dahilan pa para lumipat ako."

Dahil matatapos na ang contract ni Wendell Ramos sa TV5, hindi niya masagot kung may posibilidad na bumalik siya ng Bubble Gang at sa GMA-7. Sabi niya, “Hindi ko alam, hindi ko alam! Basta ako, ang alam ko, si Michael V… magaling siya and puwede siyang gumawa ulit ng show.”


Matatapos na sa February 2013 ang two-year contract ni Wendell Ramos sa TV5.

Pero umaasa ang hunk actor na patuloy siyang magtatrabaho sa Kapatid network pagkatapos ng kanyang kontrata.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Wendell sa Christmas party ng TV5 para sa press na ginanap sa Elements, Centris, Quezon City, last December 5.

Ayon kay Wendell, wala naman siyang nakikitang dahilan para lumipat siya sa ibang TV network, sakaling magkaroon ng offer sa kanya.

“Kung ako ang tatanungin, honestly speaking, wala namang dahilan pa para lumipat ako.

“Kasi, maayos naman ang trabaho ko rito at maayos naman ang ibinibigay nilang trabaho dito sa akin.

"Ang sarap ng nagtutulungan, e,” pahayag ng aktor.



COME BACK. Puwede pa ba siyang bumalik sa GMA-7?

“Yes, of course,” mabilis niyang tugon.

“I don’t think… wala naman sigurong hassle.

"Kung anuman iyong mga lumabas na issue before, siguro noong lumipat ako, issue lang iyon.

“Ang importante, kapag nagkita kami nina Tita Lilybeth [Rasonable, GMA-7 executive], lahat ng mga taga-GMA Network, okay pa rin kami.”



MISSING BUBBLE GANG. Nanood pa ba siya ng Bubble Gang, ang kinabibilangan niyang gag show noon sa GMA-7?

“Minsan, minsan…” sagot niya.

Sinabi rin ni Wendell na nami-miss niya ang mga dating kasamahan sa naturang gag show ng Kapuso network.

“Oo, oo, nami-miss ko sila. Mayroon akong mga inilagay sa iPad ko, yung mga eksena ko with Bitoy [Michael V]… and dumalaw ako doon one time, e.

“So, iyon, nakaka-miss, nakaka-miss nang sobra.

"Although si Antonio [Aquitania], lagi kaming magkasama pa rin from time to time.”

Posible bang bumalik pa siya sa Bubble Gang?

“Hindi natin alam kung saan pupunta ang Bubble Gang, baka sila ang…” bitin na saad ni Wendell sabay banat ng halakhak.

“Hindi ko alam, hindi ko alam!

“Basta ako, ang alam ko, si Michael V, magaling siya and puwede siyang gumawa ulit ng show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



POSSIBILITY. So, puwede silang magkasama ni Bitoy sa TV5?

“Bakit hindi? Bakit hindi?” nakangiting sagot ni Wendell.

Mayroon ba siyang alam na ganoong balita o naririnig na niluluto ang Kapatid network para kay Bitoy?

“Kasi ano, e... unang-una, itong TV5 ay hindi naman siya maliit na network, hindi ba?

“Hindi naman siya baguhang network and hindi imposibleng makasabayan niya iyong ABS, iyong GMA.

“I mean, wala akong iyong comparison o iyong discrimination na nababanggit…

“I mean, kasi the more na nadadagdagan ng mga magagandang network, the more na nadadagdagan ng maraming trabaho ang mga artista.

“So, hindi rin malabong sina Bitoy or iyong from ABS ay magpunta rin sa TV5, which is iyon naman din ang nangyayari ngayon, e.”

Wish ba niyang makasama si Bitoy sa TV5?

“Oo naman, lahat sila, para masaya,” nakangiting sagot ni Wendell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN