Polo Ravales on live-in rumor with non-showbiz girlfriend: “We live in the same house, pero ano, kasama pa rin niya yung family niya.”

Ipinagtanggol ni Polo Ravales ang kanyang sarili laban sa isyung "bilmoko" daw siya. Saad ng aktor, "Sa relasyon, hindi naman porke’t binigyan ka, ibig sabihin nagpapabili ka. Minsan hindi rin naman nila alam kung ano yung naiibigay ko dun sa karelasyon ko, nung time na yun. Ang naririnig lang nila kung ano yung ibinigay sa akin, which is hurting for me."


Hindi man masyadong visible, may TV projects pa ring ginagawa si Polo Ravales ngayon.

Kasali siya sa epic-fantasy series na Indio, starring Senator Bong Revilla, na opening salvo ng GMA-7 sa 2013.

Bukod sa Indio, abala rin si Polo sa pagma-manage ng restaurant business niya katuwang ang ilang kaibigan at ang kanyang non-showbiz girlfriend.

Paano niya naisip yung ganitong negosyo?

“Bale noong college ako, yung isang partner ko dito ay college friend ko, ito na yung business nila before pa, pero sa may Banaue [Quezon City].

"Every time na nagla-lunch break kami, doon kami kumakain sa kanila.

“Tapos sobrang sarap, kaya naisip namin na pagka nagkaipon na kami, magtayo kami ng sarili naming business,” kuwento ni Polo sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) last Tuesday, December 4, nang ipinasyal niya kami sa loob ng Mandarin Palace Restaurant sa may Aguirre Avenue, BF Homes, Parañaque.

Malaki at multi-million business daw ang kanilang restaurant, pero marami raw siyang partners dito.

Sabi ni Polo, “No, no… it’s not my solo business. Kasosyo ko dito yung ibang college friends ko at yung non-showbiz girlfriend ko.

“Yes, malaki ang capital.

“Naisip ko naman kasi na hindi ka naman forever na magiging artista, and hindi na ako tulad na bumabata, na every time na kikita ka ng pera...

"Dapat pag-iisipan mo kung saan mo ilalagay, e.

“So, yun ang feeling ko talaga, na mag-invest na ngayon.”



NON-SHOWBIZ GIRLFRIEND. Tatlong taon na ang relasyon ni Polo at ng flight-stewardess girlfriend niyang si Shasta Munsayac. Pero ngayon ay nakatutok na rin sa kanilang negosyong restaurant.

Paano sila nagkakilala ni Shasta?

Kuwento ni Polo, “Meron kaming common friend.

“Hindi naman kami naging kami agad, e. Mga after four months, tsaka kami naging kami.

“Kasi hindi naman siya based dito, e… sa ibang bansa.

“Actually, noong nagkakilala kami, hindi niya alam na artista ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam lang niya yung pangalang Polo Ravales, pero hindi niya alam yung hitsura.”

Paano naging iba yung relasyon ni Polo kay Shasta sa mga dating nakarelasyon niya?

“Yes, tahimik. Mas okay yung non-showbiz, e. Feeling ko naman na magkasundo talaga kami.”

Totoo bang nagli-live in na sila ni Shasta?

Sagot ni Polo, “We live in the same house, pero ano, kasama pa rin niya yung family niya.”

May balak na ba silang magpakasal o magka-baby?

Tugon ng aktor, “Well, hindi muna. Nagkataon lang na doon ako nakatira sa kanila.

“Hindi naman from the start of our relationship, doon na agad ako nakatira. Actually, recently lang.

“Masaya kasi pag kasama mo yung mga mahal mo sa buhay, kasama yung pamilya niya.”

Dagdag ni Polo, “Hindi pa muna ngayon.

“Baby, hindi pa rin muna.

“Kasi kontrata ko yun na yung baby, hindi pa. Ipon muna.

“Siguro there will come a time na pagka nag-anak kami, dapat handa na emotionally at financially.”

BILMOKO IMAGE. Sa mga nakaraang relasyon ni Polo sa showbiz ay nagkaroon siya ng “bilmoko” image.

Ito ang laging isyung naririnig kapag nagkahiwalay sila ng mga dating niyang girlfriend.

Depensa ni Polo sa sarili, “Actually, nagkaroon ako ng issue na ganun before.

“Well, ano naman, e, kumbaga, kung totoo naman yun, alam mo yun, nakita mo naman siguro yung reaction niya [his current girlfriend].

“Ganun talaga siguro may mga times na gagawan ka ng kuwento.”

Dagdag pa niya, “May mga times kasi na kung ano yung sabihin mo, kung ano yung pinapaniwalaan ng ibang tao, yun na yun, di ba?

“So ako, siguro inisip ko na lang, kung ano lang totoo, yun na yun.

“Hanggang ngayon naman, may mga nagmamahal pa rin naman sa akin at nandito pa rin naman ako.

“So, eto nga isa sa mga katunayan—yung mga isyu na ‘bilimoko-bilimoko’ na hindi naman totoo yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And kasi, sa relasyon, hindi naman porke’t binigyan ka, ibig sabihin nagpapabili ka.

“Minsan hindi rin naman nila alam kung ano yung naiibigay ko dun sa karelasyon ko, nung time na yun.

“Ang naririnig lang nila kung ano yung ibinigay sa akin, which is hurting for me.

“Na kahit paano, siyempre may mga ibang tao na hindi ko naman nakakausap personally, o hindi naman nila ako kilala personally, so puwedeng paniwalaan yung sinasabi nila.

“So, tingin ko naman, ano, e, nandiyan naman yung Diyos para gagawan ng paraan para malaman ng ibang tao kung ano talaga yung pagkatao ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN