Alice Dixson on co-starring with Nora Aunor: “It would never be a competition because I would lose the competition.”

Nabalitaan ni Alice Dixson na ayaw raw ni Nora Aunor ng daya sa kanyang mga eksena. Sa eksenang sampalan nila ni Nora, sabi ni Alice, “Kung ano ang gusto niya, I respect whatever her wishes are. Yun nga lang, ang liit ni Ms. Nora, tapos ang laki-laki ng kamay ko!”


Wala pang definite plan si Alice Dixson kung paano at saan niya ipagdiriwang ang kanyang Pasko at Bagong Taon.

Ang rason ni Alice ay nag-umpisa na raw ang taping para sa kanyang bagong teleserye sa TV5, ang Never Say Goodbye.

Saad ng aktres, “I have a lot of work right until before the holidays, and then I might have to work in between.

“So, baka hindi na ako umalis. Kaya I’m not sure if I will be able to spend it with my family.

“And my family is also planning a trip to Europe or to Dubai.

“So, hindi ko pa alam kung saan ako mapapadpad.”

Darating ba rito sa Pilipinas ang asawa niyang si Ronnie Miranda mula sa Canada para mag-celebrate sila together? O magkikita na lang sila sa ibang bansa?

Sabi ni Alice, “Actually, hindi pa namin napag-uusapan because of all my work.

“I really don’t know where I’m going to be. We haven’t talked about it.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alice sa katatapos na Christmas party for the press ng TV5, na ginanap sa Elements, Eton Centris, noong Miyerkules, December 5.



LIKE A CHAMELEON. Sinabi rin ni Alice na pinag-iisipan pa niya kung maglalagi siya rito sa Pilipinas o pupunta siya ng Europe o North America.

Mukhang sanay na siya sa set-up na ganito na malayo sa asawa at nag-e-enjoy sa paninirahan dito sa Pilipinas?

“Ahm… no. I’m happy dito sa lifestyle ko na ito. And I love my career and I love doing what I do.

“So, for now, nandito muna ako sa Pilipinas,” sabi ni Alice.

Ibig bang sabihin nito ay sigurado na siyang showbiz talaga ang gusto niya more than any work?

“You know, I’m like chameleon—I can fit in into anything that I get into.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, it really depends on where my life takes me.

“So, right now, nag-aartista ako because nandito yung career ko… nandito yung opportunity.

“I never thought na pagbalik ko, magkakaroon ako ng ganitong project na sunud-sunod.

“So, I’m taking advantage of it.

"And if next year, kung hindi na ganoon, so I’ll find something else to do.”



TV5 PROJECTS. Ilang beses nang nagpaplanong bumalik ng Canada si Alice para magbakasyon at magkaroon ng panahon para sa asawa.

Pero laging sumisingit ang isang magandang project at nagiging dahilan upang ipagpaliban niya ang pag-alis.

Sinasadya ba ng TV5 na bigyan siya ng magagandang projects na mahirap tanggihan?

“Siguro!” nakangiting bulalas ni Alice.

Sa taping pa lang ng Enchanted Garden, pinaplano na ni Alice ang umalis muna at saka na lang babalik para sa panibagong TV project.

Pero na-extend ang serye, at nasundan agad ng bago niyang project na Never Say Goodbye.

Saad ni Alce, “Actually, the truth is, nagpapaalam nga ako to guest sa ibang station or sa ibang show.

“Pero when I said that, biglang dumating yung project.

“So, I’m blessed naman and I’m just really happy that they have confidence in me… at sunud-sunod ang work ko.

“Kasi, not everybody gets an opportunity like that.”



NORA AUNOR. Sa susunod na linggo pa maghaharap sa kamera sina Alice at si Nora Aunor, kaya wala pang maikuwentong experience niya si Alice sa pakikipagtrabaho sa Superstar.

Ayon kay Alice, hindi ito ang first time na magsasama sila ni Nora sa teleserye.

“Nakasama ko na siya sa Enchanted Garden, pero hindi naman matagal. Kumbaga, guest role lang siya.

“She had a lot of the dialogues kasi Mother Nature ang dating. She was all-knowing of everything.

"Mahaba at mahirap yung lines niya, as it was light din.

“Pero this time, very one-on-one, very personal ang acting namin.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagbabalita pa ni Alice, kontrabida ang role niya sa soap nila ni Nora.

“Sa isang Nora Aunor, at ang hirap kaya!” bulalas niya.

Paanong magiging mahirap ang kanilang pagsasama samantalang acting lang naman ang gagawin nila?

Sagot ni Alice, “I know, pero ang taas kasi ng expectations agad-agad.

“The only kontrabida role I had recently was in Glamorosa with Lorna [Tolentino].

“And siyempre doon, intrigahan-to the-max ang nangyari.”



INTRIGUES. Iniisip ni Alice na baka panibagong intrigahan tungkol sa kagalingan sa pag-acting ang mangyari sa pagsasama nila ni Nora.

Pero paglilinaw niya, “For me, it’s not a competition.

"It would never be a competition because I would lose the competition.

“But, for me, it’s just to compete with myself—to do better that I can do as an actor.

“And hopefully, maka-deliver ako doon sa expectations ng mga tao.”

Aminado si Alice na kinakabahan siya sa paghaharap nila ni Nora sa kamera kahit napatunayan na rin niyang mahusay siyang aktres.

“Yeah, but I don’t have, like, a wall full of awards like Nora does.

“And I don’t have… Siyempre, I don’t the experience and… her experience, I mean, in the field.

“She’s been here longer. I’ve been away.

"I’ve been in show business since I was 16 or 17 years old.

“Pero those years, noong bata ako, I never really took my craft seriously.

"It was only in 1997-1998 that I took it seriously.

“And then, I got married and left. And ngayon lang ako nag-start ulit.

“So, I never really had a chance to develop my craft. And, you know, accomplish what she [Nora] has done.

“Parang I’m still taking baby steps now.”

Hindi raw basehan ang dalawang seryeng ginawa niya sa TV5 para hindi maalis ang kaba niya sa pakikipagsagupaan ng acting kay Nora.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, makakatapat mo ang the one and only Superstar, di ba?

“So, I’m a little nervous and excited at the same time.

“And the passion that Direk Mac [Alejandre] brings forward to the project is very exciting and it’s very infectious.

“And I’m looking forward… parang I’m not thinking that it’s just another drama na, ‘Oh, it’s gonna be heavy.’

“But I’m looking at the total picture of the project. Na he’s going to try to do the project for another network and build up Channel 5 as a credible, established drama platform.”



NO FAKING. Kung ilalagay sa script na kailangang sampalin niya ang isang Nora Aunor, magagawa ba ito ni Alice nang hindi siya magdadalawang-isip?

“Well, ang balita ko, ayaw niya ng daya, e.

“Totoo ba yun, ayaw niya ng daya?

“If she requests from me na walang daya, then I will oblige her wishes…

“Kung ano ang gusto niya, I respect whatever her wishes are…

“Yun nga lang, ang liit ni Ms. Nora, tapos ang laki-laki ng kamay ko!” nailing, habang natatawang, sabi ni Alice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN