Angelica Panganiban on relationship with boyfriend John Lloyd Cruz: “Ano ba ang nagawa kong maganda at ganito yung palit na binibigay sa akin na sobrang ayos ng lahat?”

Naikuwento ni Angelica Panganiban na mas excited pa kesa sa kanya ang boyfriend na si John Lloyd Cruz sa nalalapit na Christmas gathering sa Pilipinas ng kanyang mga kamag-anak. “Siya ang punong-abala, dahil nga makukumpleto ko ang pamilya ko, dahil first time magse-celebrate kami ng Pasko. Yung family ng nagpalaki sa akin, lahat sila uuwi ng L.A., ganyan. So, first Christmas ko sa bagong bahay, tapos kumpleto ang family ko,” kuwento pa ni Angelica.


Sa presscon ng One More Try sa ABS-CBN Dolphy Theater nung nakaraang Miyerkules, December 5, masayang nagkuwento si Angelica Panganiban.

Mas excited daw ang boyfriend niyang si John Lloyd Cruz sa pag-uwi ng kanyang mga kamag-anak.

“Siya ang punong-abala, dahil nga makukumpleto ko ang pamilya ko, dahil first time magse-celebrate kami ng Pasko,” saad ng 26-year-old na aktres sa kaharap ng press, kabilang na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Yung family ng nagpalaki sa akin, lahat sila uuwi ng L.A., ganyan. So, first Christmas ko sa bagong bahay, tapos kumpleto ang family ko.

(CLICK HERE for related story.)

“Push siya [John Lloyd] nang push, ‘Wow, I’m so happy for you!’

“Siyempre ako rin naman nae-excite ako na kumpleto nga naman ang pamilya ko ngayong Pasko at uuwi na sila next year.

“Gusto lang niya marami kaming gawin, gusto niya magbiyahe kami.

“Kumbaga ang dami niyang sina-suggest na, ‘O, dito, kumain kayo diyan. Masarap diyan. ‘Tapos sabihin mo pag gusto mong pumunta dun, magpapa-reserve tayo.’

“Balak nun maging events coordinator,” nakangiting sabi tuloy ni Angelica tungkol sa boyfriend na si John Lloyd.

Ikinuwento rin ng aktres na nagse-set sila ni Lloydie ng isang dinner kung saan pormal na magkakakilala ang buong pamilya niya at pamilya Cruz.

“Well, nag-aayos kami na pati family niya and yung family ko, makapag-set man lang kami ng isang dinner na magkakasama kaming lahat.”


CHRISTMAS GIFTS. First Christmas to be together, agad tinanong ng PEP ang aktres kung may naihanda na ba siyang regalo para sa boyfriend.

“Wala pa, nag-iisip na nga ako. Mahirap kasi siyempre lahat nasa kanya na.

“Baka card na lang. Baka mga ganun na lang, kasi siyempre parang di na yata uso yung patalbugan kayo ng gift.

“Mas okey na yung mas simple, feeling ko mas malalim yung ganun.”

Ano naman ang gusto niyang gift sa kanya ni Lloydie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana makapag-celebrate kami ng Christmas together. Siyempre, first Christmas ko rin na magkasama kami.

“Kung may hihilingin ako, mas gusto ko na sana dumami naman ang pahinga niya,” banggit naman ni Angelica sa kanyang Christmas wish.

“Di naman mawalan siya ng trabaho, di ba?

“Pero grabe, sobra siyang workaholic na nagkakasakit na siya.

“Siyempre gusto ko balance lang, may time siyang mag-spent ng time kasama ang family niya o ng mga gusto niyang gawin.”


TIME FOR EACH OTHER. Kahit tapos na si Angelica sa pagsu-shooting ng mga eksena para sa Star Cinema Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na One More Try, meron namang siyang mga taping para sa magsisimulang teleserye na Apoy Sa Dagat kunsaan kasama niya sina Piolo Pascual at Diether Ocampo.

Habang si John Lloyd naman ay patuloy ang taping para sa A Beautiful Affair kasama si Bea Alonzo, at isinisingit pa ang shooting days ng pelikulang muling pakikitambal nito kay Sarah Geronimo.

May tanong tuloy kung hindi ba isyu sa kina Angelica at John Lloyd ang pagkakaroon pa ng oras para sa isa’t isa.

Ito kasi ang isa sa madalas na nagiging problema ng mga makasintahan na parehong taga-showbiz.

“Paano ba?” tanong din ni Angelica sa mga kaharap na umi-interview sa kanya tungkol sa limitadong oras nila ni John Lloyd para sa isa’t isa.

“Siguro, pag may mga libreng oras, ganun.

“Halimbawa, hindi ka pa kukunan, sinusuwerte naman kami sa mga ganun. May mahabang dinner break, magkikita kami.

“Actually, hindi naman issue ang time, wala namang ganun.”

Hindi ba’t naging issue rin noon sa kanila ng dating boyfriend na si Derek ang kawalan nila ng oras para sa isa’t isa? Magkaroon din kaya ng ganoon issue sa kanila ni John Lloyd?

Tanggi naman ni Angelica, “Wala namang comparison.”


DISCOVERING LLOYDIE. Habang nagtatagal ang kanilang relasyon, maraming nadidiskubre si Angelica tungkol kay Lloydie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon parang gulat na gulat ako na, ‘Ay, ganito pala siya?’ Noon, kilala ko lang siya sa, ‘Hi, hello.’ Di ko alam na parehas na parehas pala kami sa ugali.

“Pag magkasama kami, para kaming gumagawa ng comedy movie. Walang seryoso sa aming dalawa,” naikuwento pa ni Angelica tungkol sa current boyfriend.

Naipakilala na ba ni Angelica si John Lloyd sa kanyang biological father, ang American na si Mark Charlson.

(CLICK HERE for related story.)

“Depende kung makakapunta kami ng Iowa,” sagot ni Angelica.

Consistent sa pagsasabi na nasa peak sila ng sobrang saya sa ngayon at di pa rin siya makapaniwala na mararanasan niya ang ganitong kaligayahan.

Ayon kay Angelica ay wala silang malalim na pinag-aawayan ng boyfriend kundi ang simpleng di lang pagsagot agad sa tawag o text ng bawat isa.

“Sabi nga nila, hindi mo alam ang kulang hangga’t walang dumarating para may magpuno. Nandun ako sa stage na yun, di pa rin ako makapaniwala na may ganito pala.”

“Nag-iisip nga kami paano ba magkaroon ng conflict. Wala, e.

“Pag di nakaka-reply. High school kami… ‘Kathryn’ nga ako ngayon,” biro ni Angelica at tila paghahambing sa sarili sa teen actress na si Kathryn Bernardo.

(CLICK HERE for related story.)

“Siyempre mahirap naman sabihin na ganito kaaga kuntento ka na.

“Siguro masasabi ko lang, na sobrang fulfilled ako sa lahat ng mga nangyayari.

“Parang sinasabi ko nga, ‘Ano ba ang nagawa kong maganda at ganito yung palit na binibigay sa akin na sobrang ayos ng lahat?’”


FANS OVER VIEWERS. Hinuhulaan na isa ang One More Try sa maaaring humakot talaga ng awards sa darating na MMFF award’s night dahil sa husay raw ng bawat artistang kasama rito.

Inaasahan na raw ng fans ng mga artistang kasama sa pelikulang ito ang mga eksenang may kumprontasyon at sampalan, at matitinding palitan ng mga linya na tatatak sa mga manonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, hinihingi yun ng mga fans, hindi hinihingi yun ng viewers, di ba?

“Maganda pagka may mga matataas na mga eksena and I think nakatulong naman siya at maganda naman ang kinalabasan ng eksena.”

At siyempre pa, dahil dalawang maalindog na mga aktres ang nasa pelikula, inaasahan din ang mga matitinding love scenes.

Kinumpirma naman ni Angelica na may love scenes nga, pero mas marami raw yata ang kay Angel Locsin, kesa sa kanya.

“Sila. Siyempre mas marami talagang love scenes si Angel kasi siya nga yung may kailangang ma-achieve [sa pelikula], di ba?

“Siguro mas marami lang talaga siya, pero bongga naman, bongga naman ang kinalabasan ng lahat.

“Disente naman, matino naman, cute.

“Actually, yung sa amin ni Dingdong [Dantes], instead na luma-love scene na yung dating—style ng love scene, di ba skin?—in fairness, dito talaga, pinag-isipan namin nila Direk Ruel [Bayani].

“’Paano ba yung parang modern family, parang modern husband and wife, young couples, paano ba sa umaga?’ Parang ganun.

“Pa’no ngayon na di na tulad ng dati—bagets, cute, aliw, masaya?”


CLOSENESS WITH ANGEL. Kilala bilang kikay at komedyana, may nabuo kayang closeness sa pagitan nina Angelica at Angel nang magkasama sila sa nasabing pelikula?

“Well, okey naman kami. Pero si Angel kasi medyo heavy yung mga kailangan niyang aralin sa set.

“Minsan talaga, pag magaan ang eksena, hayun, nakiki-chika siya sa amin, sabay siyang mag-dinner.

“E, ako kasi talaga bangkera na ako, bata pa lang ako.

“Si Angel, nung umpisa, siyempre medyo nahihiya siya at pag mabigat ang eksena niya, mas gusto niya yung nasa standby area niya. Aaralin niya [ang mga eksena].”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN