Marian Rivera does not want a long Christmas vacation: “Ayoko ng mahaba, gusto ko magtrabaho lagi. Sayang ang kabuhayan showcase!”

Kung may regalo raw si Marian Rivera na hihilingin para sa sarili, iyon ay ang makapagbigay siya ng isang thanksgiving party. “Siguro iga-gather ko lahat ng mga malalapit sa akin, yung mga kaibigan ko sa showbiz na minahal nila ako ng sino ako,” ani Marian.


“Alam mo, buong buhay ko naman palaging Christmas, alam mo yun?” sagot ni Marian Rivera nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung ano ang memorable Christmas para sa kanya.

Nakausap ng PEP si Marian sa Luminary Talent Management Christmas party sa Annabel’s nung December 2.

“’Pag every time naman na Christmas, masaya ako kasi kasama ko si Nanay ko, lola ko, wala namang nagbabago dun.

“Nagbago lang dahil dumating si Dong,” banggit ni Marian sa boyfriend na si Dingdong Dantes.

“Hati na ngayon, 24 sa kanila, 25 sa Cavite,” tukoy ng GMA-7 Primetime Queen sa naunang petsa para sa pamilya nina Dingdong at sa mismong Pasko sa pamilya niya sa Cavite.

Ipagluluto ba niya si Dingdong sa Pasko?

“Pag Christmas kasi hindi ako pinagluluto ng mga lola ko, e,” sagot ni Marian.

“Gusto nila yung relaxed lang ako, sila yung nagluluto para sa amin.”

Bida pa ni Marian, wala siyang naging malungkot na Pasko.

“Wala! ‘Pag Pasko masaya ako kasi madaming papaskuhan, maraming gifts. Pero baligtad na ngayon…”

Siya na raw ang nagbibigay ngayon.

“’Tsaka yung mga inaanak ko umabot na ng eighty plus!

“Hindi pa ako artista mga fifty something. Seven years old pa lang kasi ako nagnininang na ako.

“’Tapos sa showbiz, sino ba..? Walo,” napaisip pa siya habang nagpapatuloy.

Si Marian mismo ang nag-aasikaso ng mga regalo para sa mahigit walumpung inaanak niya

“Oo. ‘Pag sa probinsiya siyempre, sa Cavite, pera. Mas kailangan nila. Pero dito sa Maynila, ay, gift talaga!”

For sure, galanteng ninang si Marian…

“Wala lang, kasi ang point ko kasi, oo, gagastos ka, fine, pero isang beses lang naman ang Pasko sa isang taon, ano ba naman yung i-bongga mo na.”

DINGDONG’S MOVIE. Nabanggit ang tungkol sa pelikula ni Dingdong na One More Try. Tiyak na hindi maiiwasang mabanggit si Marian pagdating sa promo ng pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Okey lang ba sa kanya?

“What’s new? What’s new?” patanong na sagot naman ni Marian.

Papanoorin ba niya ang pelikulang ito ng boyfriend, na pinagbibidahan din nina Angelica Panbaniban, Angel Locsin, at Zanjoe Marudo?

“Pasko kasi yun, ‘tsaka wala yata silang premiere night, parang Star Cinema, walang….

“’Tsaka si Dong naman is very honest naman sa akin. ‘Tsaka ano naman siya, open siya sa mga nangyayari sa kanya, hindi mo na kailangang sabihin, ‘O, ano nangyari?’

“Hindi. ‘Alam mo, baby, ganito yung nangyari sa amin, ito yung mga ganito-ganito.’

“’Tapos bago pa niya tanggapin ‘yang movie na ‘yan, kinuwento niya sa akin yung script.

“Ganun kaming dalawa.

“Parang ako with ‘Chard [Richard Gutierrez], ‘Ito yung istorya ko, dad. Ito yung istorya namin ni ‘Chard. Ganito tatakbo ang istorya, ganito-ganito.’

“So, aware siya na ganun ang istorya.”

May movie kasi sina Marian at Richard, ang My Lady Boss.

“Ako, aware din ako kung anong nangyayari sa kanila sa set.”

Dumalaw ba siya sa shooting ng movie nina Dingdong?

“Hindi, e. Walang time,” sagot ni Marian.

For sure, bongga ang pagdadasal niya na manalo si Dingdong sa Metro Manila Film Festival (MMFF) bilang best actor.

“Sana. E, huwag na tayong mag-comment dun, bahala na lang. God’s will na lang.

“Hindi. Kasi minsan mahirap makipagsapalaran. ‘Pag nag-e-expect ka ng sobra-sobra, minsan hindi mo nakukuha, e.

“Mas maganda siguro yung ipagdasal mo. Kung para sa ‘yo, ibibigay naman sa ‘yo talaga.”

NAÏVE ANGELINE’S TRANSFORMATION. Napag-usapan naman ang tungkol sa role niya bilang Angeline Santos sa drama series ng GMA-7 na Temptation Of Wife.

“Lalaban na siya!” pahayag ni Marian.

“Pero ano lang, ha, minsan kasi yung ibang viewers ini-expect nila na same na same talaga [sa original Koreanovela] yung lalabas.

“Hindi ganun, kasi binigyan ang GMA ng karapatan na baguhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For example yung lunud-lunod na yun, hindi si Marcel [Dennis Trillo] ang maglulunod sa akin. Iba ang maglulunod sa akin kasi ayaw naman nating mapasama si Marcel nang sobra.

“Pilipino tayo, e. Sa Korea tanggap yun, e. Pero sa atin hindi.”

Naaapektuhan ba siya kapag ang ibang viewers ay naiinis na sa sobrang “katangahan” ni Angeline sa Temptation Of Wife?

“Ay, maiinis sila ‘pag naging maldita na ako sa show, coming soon!

“Siyempre yung character ko, bini-build up na, kailangang hindi lumalaban. Tanga-tangahan, api-apihan.

“Para nabi-build-up yung galit ni Angeline, na kapag pumutok na siya, ah, patay na kayong lahat.

“Kailangang ganun, e,” katuwiran pa ni Marian.

“Kahit naman ako, minsan, ‘Ay, ang tanga na naman ni Angeline dito!’

“Ako mismo na gumawa nun, ‘Ay, tanga-tanga talaga ni Angeline… O, siya, sige, direk, tara na, go na!’

“Walang choice, di ba? Kasi siyempre may writer ‘yan, may direktor ka, hindi mo naman puwedeng, ‘Ay ayoko ‘yan, direk!’

“Kaya nga may script, e. Kaya nga nilatag para sa iyo, e.

“So, ganun talaga, tanga-tangahan talaga,” dagdag pa ni Marian.

ENDLESS ASPIRATIONS. Magandang career at maayos na lovelife at personal na buhay.

Ano pa ba ang mahihiling ni Marian?

“Alam ninyo, minsan kapag tinatanong ako kung, ‘Ano pa ba ang gusto mo? May gusto ka pa bang hilingin sa buhay?’

“Ang tao naman e hindi nauubusan ng pangarap, e.

“Siyempre may sinasabi tayong kailangang makuntento ka sa kung anong binibigay sa iyo.

“Pero habang nabubuhay ka…every day kasi may pangarap ka, e.

“Hindi naman nauubos ang pangarap ng tao,” saad ni Marian.

NON-MATERIAL CHRISTMAS WISH. Kung may ipagkakaloob sa kanya na regalo ngayong Pasko na hindi materyal, ano ang gusto niya? Gusto ba niya ng bakasyong mahaba-haba?

“Ayoko ng mahaba, gusto ko magtrabaho lagi. Sayang ang kabuhayan showcase!” birong-totoo ni Marian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro iga-gather ko lahat ng mga malalapit sa akin, yung mga kaibigan ko sa showbiz na minahal nila ako ng sino ako.”

Sinu-sino naman sila?

“Ang dami nun.

“Yung mga nakatrabaho ko sa Amaya, dito sa Temptation Of Wife, sa MariMar, like si Gabby [Eigenmann] and Dong, and si Katrina [Halili] din na ninang ako ng anak niya sa January.”

Magpa-party si Marian para sa mga close friends niya?

“Oo, thanksgiving ko sa kanila. Why not?

“Kain, nomo [inuman] lang, lalasingin ko sila, ganun. Bonding lang, get-together.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN