Dingdong Dantes confirms girlfriend Marian Rivera will produce a movie; does not want to entertain rumor of possible transfer to ABS-CBN

“Relationship is one of the factors na kailangan mong i-consider. Pangit naman na may makakasalamuha ka, makakasalubong kang tao na galit sa ‘yo, pero ikaw, masaya ka kasi, may pera ka. It doesn’t make sense to me,” pahayag ni Dingdong Dantes tungkol sa tsismis na posibleng lumipat na siya ng ABS-CBN sa susunod na taon dahil sa mas mataas na offer ng talent fee.


Kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada, U.S.A. ngayon ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Bukod sa panonood ng laban ni Saranggani Province Congressman Manny “Pacman” Pacquiao kay Juan Manuel Marquez sa Linggo, December 9 (Sabado, December 8 sa U.S.), para makapagpahinga at makapag-bonding din sila ng kahit ilang araw lang ang naging dahilan ng pag-alis ng bansa ng dalawa.

Parehong busy sa kani-kanilang primetime series sa GMA-7 sina Dingdong at Marian.

Si Dingdong sa kanyang Pahiram Ng Sandali at si Marian naman sa Temptation Of Wife.

Nag-taping sa Calatagan, Batangas, at pagkatapos ay humabol muna sa annual Christmas party ng PPL Entertainment for the press si Dingdong sa Luxent Hotel noong Miyerkules, Dec ember 5 at kinabukasan nga sila umalis ni Marian.

Yun na raw ang bakasyon nila dahil pagdating ng December 13, muli silang magiging busy sa kani-kanilang taping.

Sa parte ni Dingdong, may official entry pa siya sa Metro Manila Film Festival (MMFF), ang One More Try.

Sabi nga ni Dingdong, “Every year, for the past five years, nag-a-out of town kami.

“Pumupunta kami ng Boracay… Pero ngayon, hindi dahil kailangan naming mag-taping talaga.

“Sabi ko nga, kung ang mga tao, nakabakasyon, kami ang gagawa ng papanoorin nila sa bakasyon.

“So, okey lang, willing kaming i-sacrifice ang bakasyon namin.”

MARIAN THE PRODUCER. Tinanong ng PEP kung totoo ba ang usap-usapan na magpo-produce na rin ng pelikula si Marian.

“Yeah, I think,” sagot ni Dong.

Naimpluwensiyahan ba niya si Marian sa bagong papasukin na larangang ito?

“Actually, yung project na yun, matagal nang nasa amin yun.

“It was really meant for her. It’s comedy, e. I think, magandang pasukin din niya yun.”

Tinanong namin si Dingdong kung ito ba ang magtuturo kay Marian sa aspeto ng production.

“Sa tingin ko, hindi naman na kailangang ituro yun. Basta umarte lang siya, okey na yun. She has a manager naman na magga-guide rin sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But siyempre, hindi ko alam kung kanino nanggaling ang inspirasyon niya. But ako, I’m always here to support her naman.”

Kung si Dingdong daw, natutukan at napanood ang unang dalawang linggo ng Temptation of Wife, si Marian, hindi raw makatutok sa Pahiram ng Sandali dahil nagti-taping din.

Pero napanood daw ni Marian ang kissing scene niya with Lorna Tolentino.

Kumusta naman ang naging reaksiyon ni Marian?

“Wala naman, dedma lang,” ang natawang sabi niya.

Hindi siya nag-react?

“Hindi, wala siyang sinabi,” natatawa pa rin niyang saad.

BEING DARING. Sa One More Try naman, aminado si Dingdong na sa mga nagawa na niyang pelikula in the past, masasabi niya rin na ang mga love scenes niya rito kina Angel Locsin at Angelica Panganiban ang pinaka-daring na nagawa na niya.

Pero sabi rin niya, “Actually, dito kasi, hindi ko rin alam kung ano ang ipapalabas.

“Kasi, mas naging more of a family movie na siya.

“So, ang pagkakasabi sa akin, hindi ko alam kung ilan ang natitirang love scene.

“Kung may love scene man, hindi mo siya iintindihin. Mas more of istorya. Meron lang love scene.”

Gaano ka-daring ang kanyang love scenes?

“Hindi ko alam,” saad naman niya.

Dugtong na tanong din niya, “Ano ba ang daring?”

Para sa mga umi-interview sa kanya, daring na masasabi ang may butt exposure.

“E, ang sa akin naman, kung maganda naman ang puwet mo, bakit hindi mo ipakita, di ba?

“Sa akin naman, hindi ko alam. Hindi ko naman pupurihin ang sa akin,” nakangiting sabi niya.

Walang problema kay Marian kung magpaka-daring man siya?

“Medyo may pagka-conservative si Marian, which is good.

“Pero sa akin naman, on my level, kung hindi naman kailangan, hindi ko gagawin.

“Pero siyempre, as an actor, hindi magandang bigyan ng restriction ang sarili mo.

“Kapag ganoon, alam mo naman na eksena siya. Hindi mo iisipin na totohanin mo. Trabaho talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, weird. Isipin mo, walang ilaw, may mga tao.”

THE ROLE GMA DID NOT GIVE HIM. Pilit na pinagre-react naman si Dingdong tungkol sa isyung pagkakaroon niya ng mature at daring na role sa One More Try. Bakit daw bilang Kapuso, hindi raw siya nabigyan ng ganoong klaseng role?

Sagot naman kay Dingdong, “Yes, I’m exclusively with GMA, but at the end of the day, manager ko pa rin ang magde-decide, si Perry [Lansigan] pa rin. Kami.”

Manghihinayang daw kaya ang GMA kapag napanood ang One More Try?

“I think, sila ang makakasagot niyan.

“But I think naman, GMA Films naman has their own tone and mood in making films.

“Kumbaga, may sariling type of movie sila at gayundin ang Star Cinema.

“So, magkakaiba sila ng mga expertise.”

Dugtong pa ni Dingdong, “No matter what they say, sa kanila ako nagmula [GMA]. Sa kanila ako lumaki at nasa kanila pa rin ako hanggang ngayon.

“Siguro, whatever success comes along my way o kung anumang blessing, they will always be part of it.

“Kumbaga, sinasabi nga, lumingon ka sa pinanggalingan mo. Palagi naman akong lumilingon at nandoon pa rin ako.

“So, wala naman akong lilingunin kasi, nandoon pa rin ako.”

IT’S NOT ABOUT THE MONEY. Paano raw kung mag-offer nga ang ABS-CBN sa kanya, lalo pa nga ngayon at may lumalabas na ilang intriga na diumano’y posible siyang lumipat sa Kapamilya network sa darating na taon.

Sabi naman ni Dingdong, “Parang ayoko munang entertain-in ang thought.

“Basta masaya ako sa situwasyon ngayon na napapayagan akong gumawa [sa labas ng GMA].

“I know, baka puwede pang magkaroon ng ibang klaseng situwasyon, kunsaan, mag-iiba ang lahat.

“But for now, let’s talk about now, I’m happy.”

Never daw ba siyang na-tempt sa offer pagdating sa malaking talent fee?

Sabi naman niya, “Parang ganito lang din ‘yan, nakuha ko ang kasabihan na ito kay Direk Maryo [J. delos Reyes, direktor niya sa Pahiram Ng Sandali], na nakuha naman yata niya kay Direk Ishmael Bernal, na yung gawa mo, mapupunta lang yan sa lata, sa film, sa DVD.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ang relationship na mabi-build mo, habang buhay ‘yan.

“At siguro, relationship is one of the factor na kailangan mong i-consider.

“Pangit naman na may makakasalamuha ka, makakasalubong kang tao na galit sa ‘yo, pero ikaw, masaya ka kasi, may pera ka.

“It doesn’t make sense to me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN