Wendell Ramos has no problem showing skin and doing sexy scenes in movies: “Just do your job... As long as it’s needed, di ba?”

Para kay Wendell Ramos, hindi kailangang pansinin kung bagay pa ba sa edad niya ang pagsabak sa sexy scenes at paghuhubad, hangga’t nagagampanan niya raw nang maayos ang trabahong ibinigay sa kanya.


Masaya at kuntento si Wendell Ramos sa trato sa kanya ng TV5 at sa mga project na nakukuha niya rito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Wendell sa TV5 Christmas party for the press na ginanap sa Elements, Centris, Quezon City, nung December 5, sinabi niya na wala na siyang dapat patunayan pa bilang aktor, kaya hindi siya mapili sa mga project na ginagawa.

“Of course masaya ako sa two years na iyon, lahat naman ng network na pinagdaanan ko. Even itong sa GMA,” pahayag ni Wendell tungkol sa pananatili niya bilang talent ng TV5.

“Satisfied ako sa mga project na ibinibigay sa akin ng TV5, kasi ako, hindi naman ako namimili ng project, e.

"Dahil sa akin, artista ka, e. Hindi naman ako naniniwala doon sa dramatic actor, comedian, or sa action ka, or villain ka.

“Kasi in the first place, nagkaroon naman ako ng …well, I’m honored and proud to say na nagkaroon naman ako ng award sa Urian for Drama.”

Nagwagi sa kategoryang Pinakamahusay na Pangalawang Aktor ng Gawad Urian si Wendell nung 2005 para sa kanyang pagganap sa Joel Lamangan film na Sabel.

“So, hindi ko naman kailangan na i-prove na dapat ay dramatic actor ako or ganito lang.

“Lahat naman kasi, nagawa ko na. I’m just an actor na kung anong magandang project ang ibibigay sa akin…and I’m proud, dahil hindi rin madaling magpatawa,” saad ni Wendell tungkol naman sa kanyang pagko-comedy.

“’Tapos magsi-shift ka sa drama, magsi-shift ka sa action or maging villain?

“And kaya siguro nalalagay din tayo sa mga show, dahil kahit papaano, nako-convince ko rin iyong mga tao, and I feel so blessed.

“And sa akin kasi, ‘eto lang iyan, e—dapat lang gawin mo nang maayos ang trabaho mo. Para for the next project, hindi sila magiging hesitant na kunin ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Iyan lang ang lagi kong iniisip at binabanggit sa akin ni Perry [Lansigan, his manager].

“‘Gawin mo nang maayos ang trabaho mo…’” sabi raw sa kanya ni Perry.

Ang susunod na project ni Wendell sa TV5 ay fantasy-action series na Kidlat na pagbibidahan ni Derek Ramsay.

Malamang daw na mapanood ito sa early quarter of next year.

RETURN OF SEXY MOVIES. Samantala, kinuha naman ng PEP ang reaksyon ni Wendell sa pagbabalik ng sexy movies.

Sa palagay ba niya ay makabubuti ito sa local movie industry?

“Of course, of course, makakabuti ito. Kasi, lahat naman ganoon na ngayon.

“I mean, open-minded na ang mga tao, e.

“And like I said, hindi naman porke nagpakita ka ng skin…

“Iyon lang ang maganda ngayon, e. Hindi na kailangan na, dahil bold films ito or sexy films ito…Hindi na ganoon ngayon, e.

“The more na hindi mo nga pinapa-sexy yung movie and then bigla na lang may lalabas na skin..?

“Even in Hollywood. I mean, hindi ko ikinu-compare yung dito, but kung iisipin mo, parang na-adopt na ng Asia, e.

“So, iyong classification na bold ito or sexy itong movie, wala na iyon ngayon.

“Nasa story kasi, e.

“Hindi ba ine-expect nga natin na action or drama, ‘tapos biglang may lalabas na nagpapakita ng kaunting skin, ng sexy? Mas nagkakaroon ng ingay, e.

“At least, hindi anticipated ng mga tao, e. Iyon ang mas sexier for me,” mahabang sagot Wendell.

GOING SEXY, IF NEEDED. Game ba siyang sumabak ulit sa pagpapakita ng skin at maiinit na love scenes?

“It depends, e. Depends on the story and doon sa role, sa character na gagawin mo.

“If needed. Lagi ko namang sinasabi iyon, e…

“Mayroon kasing types of movies na mayroon kang private parts na dapat ipakita, na hindi ka naman para lang maghubad…”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Minsan daw sa mga pelikula ay may mga eksenang kailangan talagang maghubad ang mga gumaganap.

“Like, nakahubad ka, dahil may scenario na kailangan tulad ng ginawa ko sa Bayang Magiliw with Gil Portes.”

Ang naturang proyekto ay kabilang sa dalawang pelikulang katatapos lang gawin ni Wendell na masasabing may mga eksenang “maiinit.”

“Actually, I’ve just finished iyong Menor de Edad at Bayang Magiliw.

“Iyong Menor de Edad, launching ni Meg Imperial, parang Hubog dati ni Assunta [de Rossi].

“Masasabi nating medyo daring ang project na ito at drama rin.”

SEXY WENDELL. Hindi rin daw nako-conscious si Wendell na magpakita pa ng kahubdan, kahit na medyo may edad na siya.

Thirty-four years old na ang aktor.

Ang importante raw ay magampanan nang maayos ang role na ibinigay sa kanya.

“Iyon lang naman iyon, e. Kaya nga the more na nagfo-focus ka sa work at hindi ka worried sa age mo or something like that.

“I mean, may edad na or hindi na sila bagay doon? I don’t think so. Kasi parang, it’s up to you, e.

“Just do your job at kung kailangan talagang magpakita ng skin, okey lang yun. As long as it’s needed, di ba? Iyong lang iyon.”

Ano naman ang masasabi ni Wendell sa sinasabi ng mga kababaihan at kabaklaan na fans niya na hanggang ngayon ay sexy pa rin para sa kanila si Wendell.

Mao-offend ba siya?

“Aba, hindi. Mas maganda iyon, mas okey sa akin iyong ganoon,” nakangiting pagtatapos ni Wendell.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN