Ai-Ai delas Alas on MMFF Best Actress race: "Sige po, kay Ate Guy na lang. Okay lang naman po yun."

Ai-Ai delas Alas on Vice Ganda: “Okay naman kami ngayon siyempre. Hindi sa kaplastikan, pero okay talaga kami... And siyempre naman, ayoko namang sabihing mabait ako ‘no, pero nakikisama rin ako. Binibili ko siya ng mani, gusto niya yun, e. So, tsika kami nang tsika."


Ikinatuwa ni Ai-Ai delas Alas nang makarating sa kanya ang tungkol sa interviews nina Senator Bong Revilla at Vic Sotto, kung saan sinabi ng mga ito na hindi sumama ang loob nila sa Comedy Concert Queen kahit na hindi nila ito nakasama sa pelikula nilang Si Agimat, Si Enteng Kabisote at Si Ako.

Sa halip kasi ay nakasama si Ai-Ai nina Kris Aquino at Vice Ganda sa Sisterakas, ang entry ng Star Cinema at Viva Films sa 2012 Metro Manila Film Festival.

Sabi ni Ai-Ai, “Kasi alam naman nila yung situation kaya never silang sasama ang loob sa akin.

“Kasi alam nila yung situation, nag-usap-usap kami, and alam nila yung kinalalagyan ko. So, naintindihan nila ako.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press si Ai-Ai sa presscon ng Sisterakas kagabi, Disyembre 8, sa 9501 restaurant sa ELJ Building ng ABS-CBN.

Sinang-ayunan din ng komedyana ang sinabi ni Vic na mas tumibay pa ang friendship nila ngayon.

“Yes, sobrang tibay kasi almost lahat ng secrets ko alam ni Bossing.”

Baka raw next year ay apat na sila nina Vic, Bong, at Judy Ann Santos sa isang MMFF movie. Ano ang masasabi niya rito?

“Okay na okay sa akin yun,” sagot ni Ai-Ai.

Paano kung magkaroon ulit ng entry sina Vice at Kris, ayaw na ba niyang makasama ang dalawa?

“Gusto ko pa rin naman. Pero siyempre pag niyaya ako ni Bossing, alam mo naman na talagang ano ko... maka-Bossing ako.”’

CONTRACT TECHNICALITIES. Nilinaw rin ni Ai-Ai na ang technicalities sa kanyang kontrata sa Star Cinema ang naging problema.

“Yes, totoo yun,” sambit niya.

“And yun naman talaga yung technicalities ng kontrata, yun ang naging problema, hindi dahil sa TF [talent fee].

“Talagang hindi na ako pinayagan [ng Star Cinema] nung alam nilang gagawa ako with Bossing.”

Paano niya ito sinabi kay Bossing Vic?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, ‘Bossing, siyempre alam mo naman ako, mabait na sundalo ako. Inutusan nila ako na gawin ito.

“’Hindi naman ako katulad mo na kasing yaman mo na anytime na ikaw ang mag-produce, ikaw ang producer, oo ka lang o hindi. Ako, oo lang ako nang oo siyempre.’”

Ngayong okay na raw ang lahat sa kanila nina Vic at Bong, hangad naman ni Ai-Ai na parehong kumita ang entries nila sa MMFF.

Kung may kumpetisyon man sa kanila, ito ay friendly competition lang.

WORD OF HONOR. Ano naman ang masasabi niya sa sinabi ni Bossing Vic na “lalaki” raw siya kausap dahil may word of honor siya?

“Oo, totoo yun. Lalaki talaga akong kausap noong sinabi ko kay Bossing, ‘Bossing, hindi ako gagawa for you kasi nirerespeto kita.’

“Tapos nagpaliwanag ako sa kanya na ganito yung nangyari, naintindihan niya.

“Kasi alam naman niya ako kausap, e, talagang lalaki sa lalaki. Hindi ako babae pag kinausap mo ako ng ganito.”

Wala raw siyang isinikreto kay Bossing tungkol sa pagsama niya kina Kris at Vice sa Sisterakas.

“Oo, alam niya lahat yun. Sinabi ko sa kanya.”

CONVINCED BY KRIS. Ipinagmamalaki nga ni Ai-Ai ang Sisterakas, lalo na’t kasama niya rito ang kanyang “friendship” na si Kris at ang nagiging close niya ngayong si Vice.

Kasama rin sa cast sina Kathryn Bernardo, Daniel Padilla, Xyriel Manabat, Tirso Cruz III, Daniel Matsunaga, at DJ Durano. Sa direksiyon ito ni Wenn Deramas.

Paano ba siya nakumbinsi ni Kris na mapabilang sa Sisterakas?

“Siya niya, ‘Friendship, hindi ko na talaga kaya.’ Sabi niya, ‘Grabe, I’ll die!’ Ganun.

“Sabi ko, ‘Hindi puwede, nagbitaw ako ng ano [salita].

“‘Tell them na lang you don’t want me to die,’ sabi ng lola.

“’Okay, e, di sige, ayoko namang mamatay ka.’”

Matatandaang nagsabi na si Kris na magba-backout sa Sisterakas dahil nga sa dami na ng kanyang trabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit dahil kasama siya sa original main cast ng movie na ipinasa sa MMFF committee, hindi siya puwedeng mag-backout dahil against ito sa rules ng MMFF.

Bukod pa riyan ay pinakiusapan din daw si Kris nang “bonggang-bongga” ni Vice.

A NEW FRIEND ON VICE. Pinag-usapan din noon ang pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Ai-Ai at Vice Ganda. Pero nagkaayos na nga sila at ang tumulong pa para pagbatiin sila ay si Kris mismo.

Kumusta ang naging pagtatrabaho nila ni Vice for the first time sa isang proyekto at paano na-break ang ice sa pagitan nila?

“Okay naman kami ngayon siyempre. Hindi sa kaplastikan, pero okay talaga kami.

“Sabi nga ni friendship [Kris], mas madalas kaming nag-uusap kasi yung mga kilala niya, kilala ko rin at saka ni Babe [Jed Salang, boyfriend ni Ai Ai], kaya madalas kaming mag-usap.

“May common denominator kami kaya parati kaming nagtsitsikahan.

“And siyempre naman, ayoko namang sabihing mabait ako ‘no, pero nakikisama rin ako.

“Binibili ko siya ng mani, gusto niya yun, e. So, tsika kami nang tsika.

“So, ganun, love-love-love, sabi nga ni friendship. Maganda yun para sa movie, para lahat kami e positive.”

Masasabi niya ba na kahit paano ay may nabuo nang pagkakaibigan sa kanila ni Vice?

“Oo, alam mo kung bakit, bukod sa parehong FEU [graduates] kami, barkada ko yung kapatid niya, e, nung high school kami. Magkabarkada kami talaga.

“Nakarating na ako sa bahay nila, nakita ko yung nanay niya, nakita ko yung tatay niya.

“So, parang yun ang iniisip ko ngayon para ma-love ko siya. Kasi yung kapatid niya is friend ko.”

Ngayong okay na sila ni Vice, ano ang na-discover niya rito?

“Mabait siya, na nakakatawa rin siya sa personal.”

Nakikita niya ba ang sarili niya na lalabas din kasama si Vice para mag-bonding?

“Oo, why not? We’re friends.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE CONCERNED ON BOX-OFFICE. May fear o pressure ba sa kanila na matitindi rin ang mga kalaban nilang entries sa MMFF?

“Ako, sinabi ko na, in God we trust.

“And siyempre, comedy ito and under Star Cinema and Direk Wenn and kasama ko si friendship, kasama ko si Vice, yung dalawang napakasikat, wala na tayong hihilingin pa.

“Manood na lang po tayo.”

Pagdating naman sa Best Actress award, marami ang nagsasabi na malaki ang laban ni Superstar Nora Aunor para sa entry nitong Thy Womb. Kaya naman si Ai-Ai, hindi na raw umaasa para sa award.

Aniya, “Sige po, kay Ate Guy na lang. Okay lang naman po yun.

“Ayoko na pong lumaban kasi kung talaga naman pong pang-akting yung kanya, kay Ate Guy na lang po.

“Kasi ako, hindi naman talaga pang-aktingan yung akin. Although siyempre, gagalingan ko pa ring umarte.

“Pero kung sa kanya ibibigay, okay lang po. Basta maraming kitain yung movie.”

Mas concerned nga rin sina Ai-Ai, Kris, at Vice sa box-office results lalo na’t inamin nila na co-producers din sila sa Sisterakas.

Ayon kay Kris, 50 percent ang share ng Star Cinema, 25 percent sa Viva Films, at ang natitirang 25 percent ay pinaghatian nilang tatlo.

Sabi pa ni Ai-Ai, “Producer din po kami.

“Uso po yun sa Hollywood, di ba? Kaya nakikuso rin po kami.

“Feeling namin, kami sina Brad Pitt, George Clooney, Angelina Jolie.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN