Part 1. Kris Aquino on having another lovelife: "Hindi siya pumapasok sa pag-iisip ko, because, I know, it’s not part of my destiny at this point."

Pareho raw masaya sa kani-kanilang lovelife ang co-stars ni Kris Aquino sa Sisterakas na sina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda. Kaya naman hindi siya nagbibigay ng advice sa mga ito pagdating sa usaping pag-ibig. Saad ni Kris, “Hindi ako nakikialam sa kanila. My god, wala akong karapatan!” bulalas niya. At saka hindi naman nila ako kinukuwentuhan. Feeling naman nila, anong mako-contribute ko? Sila naman maliligaya.”


Matagal nang sinasabi ni Kris Aquino, kahit mismo sa programa niyang Kris TV, na malapit niyang kaibigan sina Ai-Ai delas Alas at Vice Ganda.

Magkakasama ang tatlo sa 2012 Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema at Viva Films na Sisterakas, kaya naman patuloy pa rin daw ang karanasan ni Kris sa pakikipagtrabaho kina Ai-Ai at Vice.

Dito ba sa shooting nila, mas lalo silang naging close dahil araw-araw silang nagkakasama?

Sabi ni Kris, “Hindi, kasi alam mo… sobrang tagal na kaming magkakakilala. And iba yung bonding talaga namin. So, hindi mo na siya madadagdagan.

“Ang masasabi ko na lang, na-solidify.

“Kasi parang… I think ang maganda sa aming tatlo, at this point in time of our lives, marunong kaming magsuportahan na talaga.

“At magbigay ng moment sa isa’t isa na parang… alam naman namin na itong eksenang ito, moment niya or moment ko.

“And ang masasabi ko, spoiled ako doon sa dalawa dahil parang maalaga sila dahil alam nilang lampa ako.

“So, parang, ‘Uy, alalayan n’yo, alalayan n’yo, mahuhulog ‘yan!’

“It’s really been a wonderful experience.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa presscon ng Sisterakas kagabi, December 8, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Paano niya ide-describe yung pagiging malapit nila sa isa’t isa? Mas nauna niya bang naging kaibigan si Ai-Ai kaysa kay Vice?

“Yung ano kasi… the difference lang kasi, si Vice is ano… meron kaming ongoing na… siguro magda-dalawang taon na, showing na pelikulang Tagalog, kaming dalawa, sabay na nanood talaga, movie date.

"Standing movie date talaga yun.

“Sabi ko nga, para kaming part ng Star Cinema promotions.

“Pero kay Ai kasi, ang dami na naming pinagdaanan together.

“And parang isa ko na rin siyang ate. Kasi buong pamilya namin, we consider Ai part of the family na talaga.”

KRIS AS A COMEDIAN. Maganda ang dating ng performance ni Kris sa trailer ng Sisterakas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati sina Ai-Ai, Vice, at ang direktor nilang si Wenn Deramas ay ipinagmamalaking hindi nagpahuli sa comedy ang tinaguriang Queen of All Media.

Posible kayang sa comedy naman siya malinya at isantabi ang paggawa niya ng mga horror movie?

Napangiti muna si Kris saka sinabing, “Hindi ko talaga alam, bahala na.”

Mukhang na-miss niya ang comedy?

“In-enjoy ko ‘to, kasi medyo may insanity na ngang nagaganap kasi Tuesday-Thursday-Saturday, nagpapatawa ako.

“Monday, naghu-host ako, nagte-taping ako, pati Sunday.

“Pag Wednesday-Friday, nagda-drama naman ako sa teleserye.

“So, parang tsinalenge [challenged] nang bonggang-bongga ang buong pagkatao ko.”

Kuwento ni Direk Wenn Deramas sa presscon, pumayag daw si Kris na barubalin siya nang todo sa shooting ng movie.

Tanong ng PEP kay Kris: Meron ba siyang tinanggihang eksena o task na ipinapagawa sa kanya ni Direk Wenn?

“Ang hiningi ko lang kasi, sana may remorse at sana makita kung bakit nagkaganun yung pagkatao ko.

“Kasi naano lang ako… I didn’t want to be evil just for the sake of doing evil.

“Tapos, hiningi ko na sana yung character na Rosel doon sa end, na lumabas din yung hero within her at magpakabait siya at magpakumbaba.”

Ano ang naisip at naging reaksiyon ni Kris nang makita niya ang kanyang sarili sa ganung character at ayos?

“Wala. Ang reaksiyon lang ng anak ko, ‘Mommy, why do you look like a wicked witch?’

“Kasi sabi ko, ‘That’s the role, honey.’”

Idea niya ba yung mahaba at makapal na pilik-mata?

“Yes,” pagkumpirma ni Kris.

“Kasi ang nangyari, nung mag-shoot ako ng TVC, nadaan ako, nakita ko yung Karl Lagerfeld for Shu Uemura. Nakita ko yung display ng iba-ibang lashes.

“So, sinabi ko na, ‘Yan, ‘yan ang magiging hitsura ko na bawat eksena ibang lashes ang isusuot ko.’

“Tapos, pinagsisihan ko dahil hilung-hilo na ako sa kakasuot nung lashes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi minsan, six scenes ang isu-shoot mo in one day, tapos six palit yun.

“Pag makapal yung kulay, parang bulag ka na na mahilu-hilo ka na. Pero masaya naman.

“Binilang naming lahat yung mga damit, kasi 22 outfit changes, so 22 lashes din.”

NO LOVE ADVICE. Tungkol sa usaping pag-ibig, sinabi ni Kris na hindi siya nagbibigay ng advice kina Vice at Ai-Ai.

“Hindi ako nakikialam sa kanila. My god, wala akong karapatan!” bulalas niya.

“At saka hindi naman nila ako kinukuwentuhan.

“Feeling naman nila, anong mako-contribute ko? Sila naman maliligaya.”

Hindi ba siya naiinggit kapag nagkukuwentuhan sila tungkol sa kani-kanilang lovelife?

“Wala lang, tahimik lang ako. Madalas sila may sumusundo, may dumadalaw.

“E, di wala. Kawawa lang ako. “

Wala ba siyang balak mag-boyfriend uli sa 2013?

“Huwag na, deadma na,” mabilis niyang sagot.

Bakit ganito ang reaksiyon niya at parang desidido na siyang huwag magka-lovelife next year?

“Ayaw ko talaga, “sabi ni Kris.

“Hindi naman sa ayaw ko, hindi lang yata talaga suwerte.

“Siguro hindi handa ang mga anak ko, especially Bim [Bimby]. Kasi ano talaga siya, affected siya at naha-heartbroken siya.

“Dito, tuwang-tuwa nga siya kasi walang ka-loveteam, walang kaeksena."

Patuloy niyang kuwento, “Mali rin ako kasi nanood siya ng taping namin ng Kailangan Ko’y Ikaw.

“Yung napanood niyang eksena was 15th wedding anniversary scene na, obviously, may halik. Hindi niya na-get-over talaga.

“Ang bukambibig niya, ‘Mama, I really hate Robin Padilla. Because he’s stealing you from me.’

“So, inulit niya ‘yan sa lahat, pati kay Tito Noy [President Noynoy Aquino], sa kanila… lahat.

“Sa lahat, sinabi niya, ‘My Mama kissed Robin Padilla.]

“So, talagang hindi niya type.”

Naalarma raw si Robin Padilla nang malaman niya ang reaksiyon ni Bimby kaya kinausap raw nito ang bagets, ayon pa sa kuwento ni Kris.

“’Bimbs, it’s just acting. It’s not real life. Hindi talaga…’”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagpapatunay pa ni Kris, sa wikang English pinagpaliwanagan ni Robin si Baby James.

“Oo, English! Napapa-English siya.

“Tapos, nagsuntukan na lang sila. ‘Go ahead, suntukin mo ako.’”

Ang ibig sabihin ni Kris ay humantong na lang sa paglalaro ang anak at ang co-star niya sa serye.

Paano na yung mga nagkakainteres at mga nagpaparamdam sa kanya?

Sabi ni Kris, “Wala ngang nagpaparamdam. Wala akong ini-entertain.

“Hindi siya pumapasok sa pag-iisip ko, because, I know, it’s not part of my destiny at this point.

“Maybe… Bimby is only five and Joshua is only 17.

“As it is, we have six bedrooms pero we sleep in one room. Iba talaga yung bonding at closeness namin.

“Siguro ibinigay sila sa buhay ko para hindi ko ma-feel ever na parang may pagkukulang, kasi kumpleto naman talaga.

“And ayokong maging selfish at hingiin na lahat kay God.

“So, kung hindi niya ako bibigyan ng lovelife, ng boyfriend o ng asawa, I’m really okay.”

Masasabi ba niyang ito na ang pinaka-peaceful na parte ng buhay niya?

“Yes, honestly, may kapayapaan talaga sa puso ko. Wala akong init-ulo tantrums.

“I feel very blessed and very grateful kahit na 6 a.m. ako natutulog galing trabaho.

“Sinasabi ko, ‘Salamat, God, binibigyan Mo ako ng ganito karaming trabaho, pinupuyat Mo ako ng ganito.’

“At least, walang nagagalit sa akin na ganitong oras ako umuwi.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN