Jinkee Pacquiao on Manny’s loss to Juan Manuel Marquez: "Hindi naman kailangan laging panalo. Kailangan ka ring tumanggap ng pagkatalo."

“Yun lang sana ang sasabihin ko sa mga tao, ang pinaka-importante ay yung kalusugan niya, na he is okay. Hindi na sana isipin na talo o panalo kasi ganun talaga ang mangyayari sa buhay ng isang tao—natatalo, nananalo. Pero basta ang importante ay ang health natin na okay naman. So yun lang ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos," says Jinkee Pacquiao a few hours after her husband Manny Pacquiao lost to Juan Manuel Marquez via knockout.


Kuhang-kuha ng TV cameras sa loob MGM Garden Arena sa Las Vegas, Nevada ang pag-iyak at paghagulhol ni Jinkee Pacquiao nang makita ang asawang si Manny Pacquiao na bumagsak at makatulog sa loob ng ring sa sixth round ng laban nito kay Juan Manuel Marquez.

Sa live phone-patch interview ng Balitang 60 ng Aksyon TV Channel 41 kanina, December 9, sinabi ni Jinkee na labis siyang nag-aala sa kalagayan ng asawa nung ilang segundo itong walang malay.

Lahad ng maybahay ni Manny, “Kasi natakot ako nung hindi siya nakabangon agad.

“Kasi first time kong nakita siyang ganun.

“Kasi never in my whole life na nakikita ko si Manny na knocked down talaga, na parang as in na medyo napakatagal makabangon.

“So, natakot talaga ako na kung anong nangyari sa kanya.

“So, ang sinasabi ko sa kanya, dun sa mga Amerikano na humarang sa akin, even Bob Arum, na gusto kong tingnan si Manny. Itse-check ko lang kung okay siya.

“So, hindi nila in-allow, hindi sila pumayag.

“Pero sabi nila, may doctor naman so hayaan muna lang daw ang doctor ang magtsi-check sa kanya.”

Noong third round pa lang daw ay nabahala na si Jinkee nang unang napatumba ng Mexican boxer ang kanyang asawa.

Dasal daw ang itinumbas ni Jinkee dito.

Lahad niya, “Basta nagdadasal lang ako sa Panginoon na tulungan siya.

“So medyo na-over lang si Manny sa fight kaya medyo nagkaro’n ng tiyempo si Marquez, na makakita ng tiyempo na mapuruhan siya.

“E, ganun talaga, kailangan lang natin i-accept yung defeat kasi pagka ang isang bagay, pagka ‘yan ang naging propesyon mo, kailangan mo… marunong kang um-accept ng talo.

“So, hindi naman kailangan laging panalo. Kailangan ka ring tumanggap ng pagkatalo.

“But kami, as long as he’s okay yung health niya, yun ang pinaka-importante sa amin.

“Kumbaga ngayon, hindi si Manny as a boxer, yung parang a man of God na, kahit na anumang mangyari sa kanya, mangyari sa amin, this is for Christ.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Thankful kami kay Lord for everything, for helping him.

“Everything happens for a reason and we honor God.”

LATEST ON MANNY. Habang kausap ng Aksyon TV si Jinkee ay nasa hotel room lamang daw silang mag-asawa, kasama ang mga kaibigan at mga miyembro ng Team Pacquiao.

Ayon pa kay Jinkee, “Nagpapahinga na siya ngayon, nagsasalita na nang maayos, nakakalakad na nang maayos.

“So everything is fine, so okay na siya.

“Yun lang sana ang sasabihin ko sa mga tao, ang pinaka-importante ay yung kalusugan niya, na he is okay.

“Hindi na sana isipin na talo o panalo kasi ganun talaga ang mangyayari sa buhay ng isang tao—natatalo, nananalo.

“Pero basta ang importante ay ang health natin na okay naman.

“So yun lang ang ipinagpapasalamat ko sa Diyos.

“Medyo nga… yung in-explain ko sa mga tao, na yung pag-iyak ko, siyempre asawa ako, ayaw ko na makikita ang husband ko na anuman ang nangyayari sa kanya.

"Ayaw ko na parang malubha siya, or may masamang mangyari.

“Basta ang importante ay, yun nga, he’s okay.

“And thank God he is okay—yun ang pinaka-importante.”

Ipinakita naman sa balita na umiiyak ang isang anak ni Manny nang makitang na patulugin ito ni Marquez.

Kuwento ni Jinkee, “Tinawagan na kanina… actually si Manny ang tumawag kanina kasi hindi ko pa kayang kausapin sila.

“Kasi baka humagulhol na naman ako sa pag-iyak.

“Kasi siyempre, naramdaman ko yung pain. Kasi siyempre napi-feel ko naman yung ano’ng naramdaman nila.

“So, si Manny ang tumawag. Sabi niya, okay lang ‘yan.

“Hindi ko lang alam pagbalik namin, baka yung isang anak ko na ang kakausap sa kanya.

“I’m sure ayaw nilang makita ang ama nilang nasasaktan.

“Yung isa kong lalaki nga, si Michael, yung pangalawa, ay binato daw yung TV. Siyempre nagalit sa kalaban.

“Baka okay na rin sila na mag-retire na si Manny. Para hindi na siya masaktan pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOMMY DIONISIA. Gusto na rin kaya ni Jinkee na mag-retire ang kanyang asawa, katulad ng hiling ng ina nitong si Mommy Dionisia?

Tugon ni Jinkee, “Actually, yun nga ang sinabi ko kanina nung nakahiga si Manny.

“Sabi ko na, ‘Bhe, baka may purpose si Lord na maghinto ka na sa boxing tsaka mag-focus na tayo sa Kanya. Mag-serve na lang tayo sa Kanya.’

“So, yun lang, hindi naman siya umimik. So, ayoko namang i-pressure siya sa sagot niya.

“Kasi ngayon, parang naguguluhan pa siya, kasi siguro hindi pa niya ini-expect na matalo siya.

"Kasi lamang na kasi siya. So, hindi niya ini-expect.”

Bago siya ma-knockout ni Marquez sa huling segundo ng sixth round ay lamang si Pacquiao sa scorecard ng lahat ng judges, 47-46.

Samantala, all-out support pa rin ang nanay ni Manny na si Mommy Dionisia. Pero parang may sama ito ng loob sa mga “pastor” na nakapalibot sa anak.

Sabi ni Mommy Dionisia, “Hindi kayo nakinig sa akin, iba-iba tayo kapangyarihan.”

Wala ba siyang bilib sa religion ni Manny?

Galit na sagot ni Mommy D, “Wala. Kaya di mag-sign of the cross.

“Humanda ang pastor, kung makatulong kayo sa aking anak ngayong laban niyang ito, ‘yan na yung aking inaantay mula sa inyo.

“Nananahimik ang aking anak dito sa GenSan, pinuntahan n’yo pa at ano ba yung himala na sinasabi n’yo?”

Dati pa man ay nilinaw na ni Pacman na hindi siya nagpalit ng relihiyon—mula sa pagiging Katoliko at naging Born Again Christian—kundi naging mas malapit lang daw siya sa Panginoon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN