Bianca King wants to see her dad who had quadruple bypass operation in Canada; keeps mum on breakup with Dennis Trillo

Bilang Danielle ay may pagka-obsessive-compulsive ang karakter na ginagampanan ni Bianca King sa pelikulang Sossy Problems. Sabi ng aktres, “I’m similar, I’m a little similar. Parang ano ako, e, mahugas ako ng kamay, yung ganun. Kapag kunyari, before ako magsuot ng shoes, magwa-wipes muna ako, yung ganun. Kaya ako nakaka-relate sa character. Siyempre sa movie, exag [exaggerate], exag siya to the point na katawa-tawa na, yung ganun. Pero


Dumalaw ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Sossy Problems, entry ng GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival (MMFF), kahapon, December 9.

Ang location ng shooting ay sa Celebrity Sports Plaza sa Capitol Hills, Quezon City.

Nang nagpasabi kami na iinterbyuhin namin ang isa sa lead stars ng pelikula na si Bianca King, ang sagot ng aktres sa taga-GMA Corporate Communications na kasama namin ay “Please ask my manager first.”

May nag-facilitate naman na taga-GMA Films na nasa set at tinawagan ang manager ni Bianca mula sa GMA Artist Center.

After the call, payag naman daw ang manager ng aktres na interbyuhin ito, basta “no questions about Dennis Trillo.”

Si Dennis ang ex-boyfriend ni Bianca.

MMFF ENTRY. Kaya nang kaharap na namin si Bianca, tungkol muna sa pelikula ang itinanong namin sa kanya.

Pang-ilang filmfest entry na niya ang Sossy Problems?

“You know what, I actually have a bad memory, hindi ko maalala.

“Basta nag-Mulawin ako, nag-isang Mano Po ako, may maliit ako na role dati sa Iskul Bukol, tapos hindi ko maalala kung may isa pa.”

Ito ang unang pagkakataon na isa siya sa mga bida sa pelikula. Ano ang nararamdaman niya? May pressure ba?

Sagot ni Bianca, “Wala, kasi itong movie naman, wala siyang pressure whatsoever.

“Tsaka hindi naman talaga kami nakikipag-compete for awards.

“Hindi naman iyon yung dahilan kung bakit pinasok ng GMA Fims yung movie na ito.

“Para lang, alam mo yun, meron naman tayong ibang mai-offer sa mga manonood sa Pasko.

“Ito kasi, chick flick ito, e. Siyempre meron isa pang comedy sa filmfest [Sisterakas], pero ito, mas naka-target siya sa youth.

“So I think what we’re trying to bring to the table is something for yung age bracket namin to enjoy.

“Na hindi siya talaga necessarily for masa, hindi siya for mga sosyal, it’s for everyone.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung play namin on pop culture and yung humor, magi-gets sa tingin ko ng maraming Filipino. Kasi, it’s like a satire on the social classes.

“It’s really a movie to not take seriously. As in, sorry for the word, pero mukha talaga kaming mga tanga dito. Yung ganun.

“Parang, because we wanna, you know, we wanna make people laugh.

“I mean, even if it’s not funny, even if they find it corny, we wanna annoy you. Yung ganun.

“Yung parang meron talagang mga eksena na on purpose talagang gusto ninyo kaming sakalin kasi ang aarte namin talaga.

“We really try to play our roles well, ayaw naming i-half baked.

“Kung required na magmukha kaming sira-ulo, gagawin talaga namin.”

Para ba itong Sex And The City?

“Oh, very far! Very far siya.

“I think it would be something like Clueless, Mean Girls, and Legally Blonde. Ganun.

“Although malayung-malayo yung kuwento, it has really nothing to do with that.

“Pero genre-wise, parang dun siya mapupunta sa Filipino chick flick, yung ganun.

“Wala rin kaming ginayang konsepto kasi alam naman nating kakaiba ang klase ng mga sosyal dito sa Pilipinas.

“May sarili silang language, may sariling… para silang different breed ng tao. Ganun.

“Di ba, siyempre a lot of people like to make fun of kung gaano kaarte magsalita ang mga sosyal? Mga ganun.”

Sosyal sila sa movie pero tanga?

“Hindi naman tanga, mukhang tanga.

“Like we do silly things, we say silly things, and we seem crazy.

“Parang medyo may pagka-Legally Blonde kasi may purpose kami, e.

“Meron kaming gustong gawin for the greater good of the people, medyo sablay lang yung mga ideas namin trying to get to it, yung ganun.”

So, hindi sila sosyal na mapanglait ng iba?

“No, we’re very helpful girls. We’re only mean… we’re best friends, the four girls are best friends, we’re just mean to each other.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


DIVISION OF ROLES. Kasama ni Bianca sa Sossy Problems sina Heart Evangelista, Rhian Ramos, at Solenn Heussaff.

Paano ang division ng roles?

“We all have our own stories, we all have our separate stories. Pero meron kaming isang cohesive plot na sinusundan.

“Merong main plot yung movie but we all have our sub-stories.

“Parang as we’re doing yung mission namin dun sa movie, sume-segue siya dun sa kuwento ni Danielle, ako yun, sa bahay niya, sa family niya.

“Tapos doon naman kay Lizzy, si Rhian yun. Tapos dun naman kay Margaux [Heart] at kay Claudia [Solenn]... yung ganun.”

Billing-wise ay hindi sila nagkaproblemang apat.

“Actually, bilang artista, we know nothing about that,” sabay tawa ni Bianca.

Hindi raw siya billing-conscious.

“I’m not conscious of anything. I just like to do my job, the best that I can.”

REAL-LIFE STRUGGLES. Gaano kalapit si Bianca kay Danielle?

“Si Danielle, kasi siya yung medyo makatotohanan yung problema sa buhay.

“Kasi medyo may financial struggles yung family niya. Yung ganun.

“So dumaan din ako ng ganun in my life.”

Dito na nagkuwento si Bianca tungkol sa mga pinagdaanan niya.

“When my family was still here, you know, I also experienced supporting my parents—lalo na nung nagkasakit na yung dad ko.

“So that’s why my parents are in Canada because my dad has to be treated for his health.

“My dad just had a quadruple bypass last week. And that’s aside from he had an aneurysm also last year.

“Marami siyang sakit, marami siyang sakit. He also had something sort of like a skin cancer on his arm that was removed.”

Dito sa puntong ito ay tila naluluha na ni Bianca.

Dagdag niya, “Matanda na kasi, e.”

Sabay-sabay ang naging sakit ng ama niya na isang Canadian?

“Hindi naman sabay-sabay, tig-iisang taon, tapos mataas yung blood sugar level niya, yung mga ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At tumulong siya sa mga gastusin ng maysakit na ama.

“Ah, bring them there [sa Canada]. I mean, when my parents were still living here, nung nakakuha ako ng scholarship when I was in second year college, that’s when I started supporting my parents na.

“So, siyempre kasi, parang pag artista ka, mabilis lumaki yung TF mo, di ba?

“So, parang nung hindi na nagwo-work yung dad ko, ako na yung tumutulong sa kanila.

“Wala namang kaso yun, only child naman ako, e.”

Hanggang ngayon ba ay sumusuporta pa siya sa kanyang mga magulang?

“A, no more na. My mom was a housewife there for three years and my dad was working.

“Now my dad’s not working anymore and my mom’s working naman, but for the first three years, nagpapadala pa ako ng money dun every now and then.

“Now, no more na.”



OBSESSIVE-COMPULSIVE. Kaya naka-relate daw siya sa role niya sa movie, na sa kanilang apat sa Sossy Problems ay ang kanyang character ang pinakamahirap.

“Oo, ako yung naghihirap na. Tapos yung character ko, si Danielle, nung nagbe-brainstorm kasi kami, sabi ko, sana merong isang character na yung kaartehan niya, hindi lang puro kakikayan.

“Yung kaartehan niya… dahil may pagka-psychological talaga.

“So si Danielle, medyo obsessive-compulsive siya.

“Ayaw niyang… maarte siya kasi, ayaw niyang nadudumihan yung ganun, neat-freak, perfectionist, yung ganun.

“It just so happened na she likes things organized, you know, ayaw niyang nadudumihan siya, laging wet wipes, alcohol, ayaw nadudumihan ang paa, yung ganun.”

Ganun din daw siya sa tunay na buhay.

“I’m similar, I’m a little similar. Parang ano ako, e, mahugas ako ng kamay, yung ganun.

“Kapag kunyari, before ako magsuot ng shoes, magwa-wipes muna ako, yung ganun.

“Kaya ako nakaka-relate sa character.

“Siyempre sa movie, exag [exaggerate], exag siya to the point na katawa-tawa na, yung ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero input ko yun sa character ko, e.

“Sabi ko, gusto ko kung paano ako in real life, parang gusto ko i-exag natin.”

Ang leading man niya sa movie ay si Mikael Daez.

“Yung character ko lang din na si Danielle yung nag-focus sa love angle ng konti.”


PLANS THIS CHRISTMAS. Paano niya ise-celebrate ang Christmas?

“Actually, I haven’t decided yet.”

May plano ba siyang bisitahin ang parents niya sa Canada o sila ang dadalhin niya dito?

Sabi ni Bianca, “I promised kasi GMA Films na everything that I can do to promote the movie, gagawin ko.

“Kasi wala, kasi parang feeling ko na napaka-personal nung movie, e.

“I mean, kahit na alam mo yun, hindi ko naman sinasabi na magiging top-grosser kami, magkaka-award kami, mga ganyan, but ano kasi, parang the project grew on us because we’re all friends here.

“Siyempre, friends namin yung producers, friend namin yung director [Andoy Ranay], lahat kaming artista close, so parang gusto kong tulungang i-promote talaga yung movie.

“But as soon as I can, I have to leave, I have to see my dad. Gusto ko talaga makita ang dad ko.

“Actually, my dad’s operation was scheduled siguro from last month, dapat mga three months pa, so dapat mga January pa.

“But nagka-pneumonia siya so dinala siya sa hospital and then… kasi pag free health care, nakapila ka, di ba, so na-bumped up siya.

“That’s why he did it [the quadruple bypass] last week.”

Hindi nakapunta sa Canada si Bianca para sa operasyon ng ama.

“I can’t, e. Basta as soon as I can, aalis ako. I really wanna see my dad.

“So, if hindi siya nagka-pneumonia, matutuloy siguro January yung operation niya.

“But since he was already in the hospital, so sabi nila na it will be better for him kung gagawin na agad, so thank God!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nasa point siya na hindi siya emotionally happy dahil nga nagkasakit ang ama niya. Paano siya nagko-cope-up?

“Well, I talk to my parents every day and I have a very good support system.

“I have very good people in my life na nagbibigay ng magandang advise sa akin.

“And I go to church every Sunday, I pray a lot, and parang feeling ko that yung guidance sa buhay ko is enough.

“Like I have enough people in my life who love me unconditionally, there’s no reason for me to not feel gratitude for what I have, di ba?

“Parang every day, ang dami kong bagay na puwedeng ipagpasalamat, yung ganun.”

Even with the breakup?

Dito ay sumenyas si Bianca using her fingers to her mouth na her lips are sealed.



HER LIPS ARE SEALED. Muli kaming humirit sa pagbabakasakaling may “mapiga” kami kay Bianca tungkol sa breakup nila ni Dennis Trillo, sa pagtatanong kung ano ang masasabi niya tungkol sa estado ng personal life niya ngayon.

Muling sumenyas si Bianca na her lips are sealed.

Sa kapipilit namin, sinabi lang ni Bianca na, “I will talk when I’m ready… when I’m ready to write a book about my life!”

Sinabi pa ni Bianca na lagi niyang sinusunod ang itinuro sa kanya ng mga magulang niya na “always think critically before doing or saying anything.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN