CHRISTMAS FORUM: Where would these celebrities like to spend their Christmas vacation?

(L-R) Lorna Tolentino, Ciara Sotto and Angelu de Leon talk about their dream Christmas vacation.


Kung mayroon isang bagay na nais makuha ang mga artista, ito’y ang makapagbakasyon nang mag-isa o kasama ang kanilang mga pamilya.

Kaya naman sa bawat pagkakataon, talaga namang sinusulit nila ito— pinupuntahan ang mga gusto nilang lugar at mananatili doon ng ilang araw hanggang ilang linggo.

Pero ngayong Kapaskuhan, kung mabibigyan sila ng pagkakataon, saan kaya nila gustong ipagdiwang ang espesyal na okasyong ito?

Iyan ang inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula sa ilang personalidad— local or overseas destinations kaya ang nais nilang puntahan?

OUT OF THE COUNTRY. Kung si Lorna Tolentino at Ciara Sotto ang tanungin, gusto nilang isama ang kanilang mga mahal sa buhay sa ibang bansa.

“Europe” ang mabilis na sagot ni LT nang tanungin namin kung saan niya gusto pumunta ngayong Pasko.

“Hindi pa ako nakarating [doon], e.

“Si Rudy no’n, sasama na sana nila ako sa Victor Corpuz, e, mayro’n akong pelikula, hindi na ako nakasama.”

Noong 1987, nag-location shooting si Rudy Fernandez sa Germany.

Si Ciara naman, isang trip sa Holy Land ang gustong gawin kasama ang buong pamilya niya.

Ani Ciara, “My dream is to spend it with my whole family in Bethlehem. I want to know and feel what it’s like in Jesus’s birthplace.”

Isang trip naman para sa one-year-old na anak na si Rafa ang iniisip ni Angelu de Leon.

Masiglang ibinahagi ng aktres, “Kasi may baby kami, e, malapit nang mag-one-year-old. Siguro Disneyland, hindi Hong Kong, ‘yong malaki talaga para marami siyang makikitang characters.”

Saan ka man magpunta, malayo, malapit o kahit sa bahay ka lamang, ang Pasko ay nagiging espesyal kung kasama mo ang iyong mga mahal sa buhay.

Kaya nasaan man kayong bahagi ng Pilipinas o ng mundo— Maligayang Pasko!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN