Rhian Ramos on loving life: "I love my work life... I love my social life, I love my lovelife, I love my family life."

Rhian Ramos on settling down: "Before, I used to think about that stuff. And now, I just know how to slow down and I know my priorities—and weddings are not one, it’s not my priority. Siguro matagal pa.”


Kapansin-pansin ang magandang aura ni Rhian Ramos nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa shooting ng Sossy Problems, sa Celebrity Sports Plaza sa Capitol Hills, Quezon City, kahapon, December 9.

“Thanks!” bulalas naman ng Kapuso young actress.

Dahil ba sa in love siya ngayon? Gaano siya kasaya ngayon?

“Very, very, very content,” sagot ni Rhian.

Binanggit namin na very vocal ang boyfriend niyang si KC Montero tungkol sa pagmamahal nito kanya. Ano ang reaksiyon niya rito?

“It’s kinda funny and it’s kinda flattering. It’s flattering and I think it’s cute...

“Can I show you something funny?” sabi pa nito sa PEP.

Ang ipinakita ni Rhian sa amin ay litrato ng daddy niya kasama si KC sa loob ng MGM Garden Arena sa Las Vegas, Nevada na ipinost ni KC via Instagram.

Magkasama ang dalawa na nanood ng laban ni Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez kahapon.

Sabi pa ni Rhian, “He accompanied my dad to the fight.

“I was supposed to take him to the fight kasi hindi pa siya nakakapanood, e, wala ako, so siya. Sub [substitute]!”

Hindi nakasama si Rhian dahil sa shooting ng Sossy Problems, ang entry ng GMA Films sa 2012 Metro Manila Film Festival.



MANNY’S DEFEAT. Hiningan na rin namin ng reaksiyon si Rhian sa pagkatalo ni Manny sa laban nila ni Marquez.

Nakasama ni Rhian ang Pambansang Kamao sa paghu-host ng weekly game-variety show ng GMA-7 na Manny Many Prizes.

“Kasama ko si B [Bianca] sa mall kanina nung nalaman ko, tinawagan ako ng dad ko kung ano’ng nangyari.

“I almost cried!

“And then I said… grabe, hindi ko alam kung bakit ganito ako ka-affected pero I almost cried.

“Tapos natawa na lang sa akin si Bianca kasi super-affected ako.

“But yeah, I was just really sad and I just hope he’s okay.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman ng daddy niya?

“First time niya manood, na-stressed siya.

“Si KC, Team Pacquiao yun. Nauna pa siyang… as in ako, nakadalawang fight pa lang ako. Iyon, lahat ng fight, napuntahan na niya.”

Ano ang mensahe niya kay Manny?

“Wala, yung priority siguro sana ngayon is to take care of his body kasi dangerous yun, e.

“Dangerous yung makipagbugbugan lagi, e. Tapos trabaho pa niya yun, ang hirap!

“Wala lang, sana lang maka-recover lang siya nang maayos and, wala, huwag lang siyang ma-stress.

“Na-stress talaga ako kasi wala ako dun and I really wanted to be supportive, pero ayun nga.

“Humingi na ako ng tiket sa kanya [Manny], e, kaya talagang napahiya ako na hindi ako nakapunta.

“Pero nagamit naman lahat ng tiket.”

Naka-book na nga raw siya ng flight papuntang Las Vegas.

“Kinansel ko.

“Talagang sasamahan ko daddy ko.

"Tapos si KC may pupuntahan siyang wedding at saka Team Pacquiao siya, so he’s always there.

“But I wanted to be there kasi ngayon lang makakapanood ang daddy ko.”

Kaya si KC ang sumama sa daddy niya.

“So nagtabi na lang sila instead of may group siya tapos kasama ko daddy ko, sila na lang nag-group.”

THE RIGHT ONE. Sa tingin ba ni Rhian ay si KC na ang tamang lalaki para sa kanya?

“Well ano, I really appreciate all the nice things that he does for my family.

“And that’s so important to me na, when people can treat my family well.

“Like Bianca [King], she’s so nice to my family that’s why she’s my really, really good friend.

“That’s how the people that are close to me should be; if they love my family, I love them.

“Or even naman if they don’t know them, basta there’s like the respect for the higher power in my life, which is my mom, parang ganun.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At respeto rin para kay Rhian mismo…

“Yeah, yeah.

“The respect is like so important to me now because parang I realized what friendships or relationships are like without respect—and it’s so important to me now.”

Napag-uusapan na ba nila ni KC ang tungkol sa kasal?

“No, hindi!” at natawa si Rhian.

“It’s just that, before, I used to think about that stuff.

“And now, I just know how to slow down and I know my priorities—and weddings are not one, it’s not my priority.

“Siguro matagal pa.”

DOING GOOD THINGS. Ano ang ginawa ni Rhian Ramos at mukhang naka-get-over na siya at naka-move-on na mula sa hindi magandang mga pangyayari sa buhay niya?

Nakabawi siya relationship-wise at career-wise. Masaya siya sa piling ni KC Montero at abala siya sa trabaho, tulad ng pelikulang Sossy Problems.

“I just try to not do anything bad, even if I wanted to already!” ang tumatawang sagot ni Rhian.

Gumagawa ba siya noon ng hindi mabubuting bagay?

“Well, I was in a relationship that my mom wasn’t approving of. Di ba, that my family didn’t want for me? So I don’t consider that a good thing."

Ang tinutukoy ni Rhian ay ang relasyon nila noon ni Mo Twister.

Patuloy niya, “But what I mean by trying to do good things is just like when someone says bad things about you, you don’t necessarily have to say anything about them. Stuff like that.

“I just tried to… all my strength went into shutting up.

“Because it’s so much harder to shut up than to… I had so many things that I wanted to say but it’s harder to shut up.

“So that’s where all my strength went into and I guess it just worked for me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s just the right, classy thing to do.

"I can’t say it came naturally but I made a conscious effort and I told myself, ‘Be classy!’

“I told myself in the mirror, ‘Be classy!’” tawa niya.

Dagdag niya, “So I think it just worked for me to just, so good thing na lang.”



BLESSED WITH SO MANY PEOPLE. Masasabi ba ni Rhian na matapos ang masasamang karanasan niya, ngayon ay binigyan na siya ng Diyos ng isang tao, sa katauhan ni KC, na makakapagpaganda muli ng buhay niya?

Tugon niya, “Not just someone, but so many people.

“Like I used to not be the kind of person that makes friends in showbiz kasi… ewan ko, I’m just not that kind of a person.

“Pagdating ko sa set... I mean, everyone’s my friend, pero I can’t say na yung talagang pag walang taping I go to their house, you know?

“But now, parang I’ve been blessed with so many good people in my life na.

"For example, I’m with Bianca all the time.

“When we’re not shooting, like recently after shooting, I slept at Bianca’s house.

“We hang out all the time. Nag-Trinoma kami kanina.

“I’m really blessed because I became friends with Solenn [Heussaff].

“We went out of the country together, we had a lot of fun, nakapag- bonding kami.

“And I’m really, really blessed because I became friends with Heart [Evangelista].

“So now I have girlfriends! Good for me!” at muling tumawa si Rhian.

Magkakasama sina Rhian, Bianca, Solenn, at Heart sa Sossy Problems.

At maganda ang relasyon nila ni KC.

“Yeah, everything’s great!

“And I became closer to my family because I know how to make time for them.

“Like, it’s not an excuse that you’re busy. You really should make time for your family.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes it’s hard but you have to.”



FORGIVENESS. Masasabi ba niyang wala na siyang nararamdamang galit sa taong gumawa ng hindi maganda sa kanya?

“Well, hmmm…

“But ano, it’s… I don’t know, parang it’s just that I make… parang it’s a conscious effort to forgive pero…”

Nakapagpatawad na ba siya?

“Yeah, because I told… no, but God says kasi forgive…”

Kailan niya na-realize na nakapagpatawad na siya?

“Hindi… I don’t know. I can’t… I’m not… oh, my gosh, it so hard to answer!

“Because I can’t, I can’t say naman na… parang there are two kinds of forgiving, e.

“There’s just like the stuff that you forget about and then because you…

“Okay lang, I mean I’m not affected by it anymore, pero parang, still, it’s just so gross.

“Parang when I think about it, I’m just grossed out!

“But I’m not mad, I’m just grossed out. Parang ganun.

“It’s a different thing, it’s like I’m not… parang I don’t go out of my way to like get parang… I have no feeling of wanting revenge.

“So there, I’m not angry.

“Yeah, I’m not angry anymore.

“There was a time na angry ako, but I’m not super-angry anymore.

“When I think about it, I just like, ‘Yuck! Never mind.’

“I just try to not think about it.”

Dahil masaya na siya ngayon?

“Yeah, yeah! I love my work life, I’m working every day, every single day.

“And then I love my social life. I love my lovelife, I love my family life.

“I’m just in a good place, I’m in a much better place than before, so how can I be mad at anyone?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kaya na ba niyang makita ang taong nakasakit sa kanya noon?

“Hindi naman necessary, kung wala namang dahilan para magkita.

“I would just find that very weird!” at tumawang muli si Rhian.

Patuloy niya, “I don’t know… I’ll just find that very weird.

“And I… I don’t know kung okay yun sa akin o hindi kasi hindi ko naman napag-isipan pa kasi.

“Alam ko namang hindi siya babalik dito.

“So parang I don’t think about ever… parang feeling ko, I’ll just never see him again.

“I don’t know, hindi ko pa napag-isipan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN