Internet star Kimpoy Feliciano will stay in the Philippines if there??s an opportunity

IMAGE File

Malaki ang pasasalamat ni Kimpoy Feliciano sa kanyang mga tagahanga kaya naman iniingatan niya raw ang mga ito. Saad niya, "Siguro, nandun din po sa parang... kasi pag may nag-follow po sa akin, talagang iniingatan ko po talaga, e. Parang ipinapakita ko na gaano ako ka-thankful na nandun sila. Siguro ganun nga, na lahat ng mga tao natutuwa sa akin, hanggang sa dumami na nang dumami."


Nai-launch na ang bagong EP album ng Internet star na si Kimpoy Feliciano.

Si Kimpoy ay isang Filipino na sumikat sa kanyang mga nakatutuwang video sa YouTube.

Ang 19-year-old singer din ang most-followed person sa New Zealand.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kimpoy noong Huwebes, December 6, sa opisina ng Universal Records sa Quezon City.

Ang Universal ang nag-produce ng EP album ni Kimpoy, at under siya ng management ng Orion Entertainment.

Pahayag ni Kimpoy, ang mga video na nagpasikat sa kanya ay ginawa niya para sa kanyang mga kaibigan sa Pilipinas.

Four years ago kasi ay nag-migrate ang kanyang pamilya sa New Zealand. Ginamit niya ang social networking sites para hindi mawala ang kanyang koneksiyon sa mga naiwan niya.

Nagulat na lamang siya ng dumarami na ang kanyang followers at fans.

“Hindi ko naman ine-expect na ise-share ng mga tao sa Facebook, at dun na ako mapapansin ng Orion at Universal,” pahayag ni Kimpoy.

Ngayong taon lang din napansin si Kimpoy ng Orion. Dahil sa kanyang mga video ay pinauwi siya ng nasabing management company sa Pilipinas noong August para mag-record ng album.

Sa pag-release ng kanyang album ay nasa Pilipinas muli si Kimpoy para i-promote ito, habang summer break sa New Zealand.

Sa February pa uuwi ng New Zealand ang binata para ituloy ang kanyang pag-aaral.

May mga kamag-anak naman si Kimpoy sa Pilipinas kaya’t hindi naman siya mag-isang magpa-Pasko. Ngunit aminado siyang nami-miss niya pa rin ang mga ito.

“Siyempre, nakaka-miss din.

"Pero masaya kasi natututo ako dun sa mga bagay na you can't trust anybody, yung mga ganung bagay.

"Ngayon din lang ako nalayo sa kanila nang matagal, so parang first time kong naging independent.

"So, parang mas careful na sa mga ginagawa ko,” pahayag niya.

May tsansa rin kasing matagalan din ang kanyang pag-uwi. Ito ay kung magkakaroon na siya ng offer para maging artista sa pelikula at telebisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro pag meron nang mga shows talaga sa TV, which will require taping every week, mga ganun.

"Pag may mga opportunities talaga na mga big na worth it naman na mag-stay dito,” sabi niya.

Hindi alam ni Kimpoy kung may offer na nga para sa kanya. At hindi naman daw siya namimili kung nais niyang maging Kapuso, Kapatid, o Kapamilya.

Aniya, “I don't know. Kung sino po ang maka-appreciate.”

Payagan kaya siya ng kanyang mga magulang sa desisyon niyang ito?

Sabi ni Kimpoy, “Nung una, natatakot sila.

"Pero I assured them na showbiz is not forever, na gagawin ko lang 'to para makapag-inspire ng mga tao.

"Pero ngayon, mas happy na sila, na may album na ako, nakapag-mall show na ako.”

 

 

KEEPING FANS. Alam ni Kimpoy na ang fans niya ang dahilan ng kanyang biglaang pagsikat. Dahil dito, sinisikap niyang ingatan ang mga ito.

“Siguro, nandun din po sa parang... kasi pag may nag-follow po sa akin, talagang iniingatan ko po talaga, e.

"Parang ipinapakita ko na gaano ako ka-thankful na nandun sila.

"Siguro ganun nga, na lahat ng mga tao natutuwa sa akin, hanggang sa dumami na nang dumami,” sabi niya.

Halimbawa nito ay ang pagsagot niya sa mga tanong sa kanya sa Twitter o Facebook, o ang pag-post ng requests na kanta sa YouTube.

Pahayag ni Kimpoy, “Sa mga simple lang na ganun, mapapasaya mo na yung mga followers mo.

"Kasi, parang sa simpleng hi, sa simpleng favorite, nakakapagpasaya ka na, so why don't you do it, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN