New MTRCB Chairman Atty. Toto Villareal pushes for “matalinong panonood”

Kaugnay ng muling pagkabuhay ng sexy o bold films, ito ang pananaw ng bagong MTRCB chairman na si Atty. Toto Villareal: “Kung hindi tayo kumportable dun na mga mamamayan, sila dapat ang kumilos. Nakaabang tayo dito para, kumbaga, kung may reklamo tungkol doon. On the other hand, we just follow the law. If there are certain scenes there that merit a certain classification, then we will call it as it is.”


Noong isang linggo lamang nabalita na ang Ateneo law professor na si Atty. Toto Villareal na ang bagong chairman ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

Pinalitan niya ang dating chairperson na si Grace Poe, na tatakbo bilang senador sa 2013 mid-term elections.

Kahapon ng umaga, December 10, ay nagkaroon ng media briefing ang bagong pinuno ng regulatory body para harapin ang tanong ng mga media. Ginanap ito sa opisina ng MTRCB sa Quezon City.

Madaling kausap ang bagong chairman at mahilig din itong magpatawa.

Aniya, in-line daw ito sa bagong direksiyon ng MTRCB na nais niyang itaguyod. Ito ay ang pagpapalawak ng sakop ng kanyang ahensiya para mabigyang-kaalaman ang mga ordinaryong manonood.

Paliwanag niya, “Ang MTRCB po, ibig po namin na maibaba talaga ang kanyang ginagawa sa lahat para empowered po ang ating citizenry. Na yung mga magulang ay magagabayan such that they will be able to determine.

“Kasi right ng magulang ’yan, di ba, what kind of entertainment na mapapanood ng kanilang mga anak.

"Kaya lang, hindi naman pupuwede na sasabihin mo, PG [Parental Guidance] ’yan.

"Ibig ko na maiintindihan nila, at magbibigay sila ng feedback. Active po ang aming pakikipag-ugnayan.”

MATALINONG PANONOOD. Ang pananaw raw na ito ay nakapaloob sa bagong motto na “matalinong panonood."

Ano ba ang matalinong panonood?

“Ang value, ’yan po ang pinahahalagahan ng bawat isa.

"Simple notion of what is right or wrong po ’yan, kumbaga.

"Wag ho natin gagawin sa iba yung hindi gustong gawin sa atin,” sagot niya.

Pagpapatuloy ni Chairman Toto, hindi na kasi sapat na sasabihin lamang ng MTRCB kung ano ang dapat o hindi dapat panoorin.

Mas maayos daw kung ang mamamayan na mismo ang may kakayahan na pagdesisyunan ito.

“And lumalabas na ’yan sa family life, sa iba’t ibang aspeto.

"Isipin n’yo po na kayo ay magulang, nanay ka, at mayroon kang anak na 10-year-old o 13-year-old, may pinapanood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"’Yan po ba ay akma sa kanyang edad? Ano po yung mga tema na dini-discuss sa programang iyon? May mga scenes ba diyan?

"So, kailangan may process, at dapat i-empower po natin ang mamamayan natin.

"Yun ang matalinong panonood, hindi yung tinatanggap lang yung mga, kumbaga, ang mga nakikita sa telebisyon at sa pelikula,” pahayag niya.

ACCESSIBILITY. Kaugnay nito, marami nang paraan para ipaabot sa MTRCB ang mga reklamo at komento ninuman sa kanilang napanood.

“Una po ay yung sa social media. Kahit po sa Facebook o sa Twitter.

"Hindi ko po sinasabi na husgahan agad yung kinauukulan, ngunit senyales po ’yan na empowered na ang ating citizens, gaya ng sinabi ko.

"Puwede rin po silang mag-email sa amin,” saad ni Chairman Toto.



NEW CHALLENGES. Bukod sa “matalinong panonood,” aminado si Chairman Toto na may mga bago siya kahaharapin sa kanyang posisyon.

Isa na rito ang nalalapit nang eleksyon.

Ipinaliwanag naman niyang hindi naman sakop ng kanyang ahensiya ang mga nagsusulputan nang political ads sa telebisyon.

“These are infomercials. The ads are under the jurisdiction of the ASC, Ad Standards Council, and the KBP. Hindi sa amin ’yan.

"And then, very subjective yung mga political ads dahil may mga infomercials kang ano, ’no?

"First of all, we are not the regulators of election law. ’Yan po ay sa COMELEC,“ paliwanag ng bagong MTRCB chairman.

Kung sakali namang may political elements ding nakapaloob sa isang programa, isasailalim din nila ito sa nauna nang mga batas. Wala umanong special treatment.

Sabi ni Atty. Villareal, “Ang tititingnan namin yung content, kung merong nagmumura dun.

"Siguro ang kandidato, ayaw niyang ma-portray siyang nagmumura, di ba? Stick lang kami sa mandate.”

Isa rin dito ang tila pagbalik na ng genre ng sexy films sa sinehan.

Noong isang buwang lamang ay inilabas sa sinehan ang Rigodon ng Viva Films. Ngayong buwan naman ay kasama sa katatapos lamang na CinemaOne Originals Film Festival ang Palitan ni Ato Bautista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matatandaang sunud-sunod ang bold films noong 1990s. Natigil lamang ito nang ipagbawal ng SM Cinemas ang pagpapalabas ng mga ito sa kanilang sinehan.

Pahayag ni Chairman Toto, nasa manonood na mismo kung nais nilang matuloy ang pagpapabuhay muli ng genre na ito.

“Kung hindi tayo kumportable dun na mga mamamayan, sila dapat ang kumilos.

"Nakaabang tayo dito para, kumbaga, kung may reklamo tungkol doon.

"On the other hand, we just follow the law. If there are certain scenes there that merit a certain classification, then we will call it as it is,” saad niya.

Pero hindi raw ibig sabihin nito ay mas hihigpitan nila ang regulasyon, o magkakaroon agad ng awtomatikong censorship.

“Mahirap magbigay ng judgment, kasi yung mismong word na bold.

"I have my own personal preferences, but I don’t want that to color.

"We just look at the regulations, kung ito ay papasa, sasabihin namin.

"Kung ito ay dapat ilipat sa ibang kategorya, nasa sa inyo ’yan,” pahayag ni Chairman Toto.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN