Erich Gonzales on rumored engagement to non-showbiz boyfriend: "Dyusko naman, huwag nating pangunahan ang mga bagay-bagay!"

Erich Gonzales on settling down with her non-showbiz boyfriend: “Hindi natin masasabi ang mga ganyan kaya ayokong magsalita nang tapos. Basta right now, nagdasal ako, at siya yun—answered prayer.”


Muling pinabulaanan ni Erich Gonzales ang balitang engaged na sila ng kanyang non-showbiz boyfriend.

Nang mag-guest kasi si Erich sa daily morning program ni Kris Aquino na Kris TV ay nagpahiwatig ang TV host-actress na engaged na ang Kapamilya young actress dahil sa suot nitong singsing.

Sa nakaraang Bida Kapamilya feeding program ng ABS-CBN executive na si Ms. Cory Vidanes at ng Star Magic ay pinagtawanan lang ni Erich ang balitang engaged na siya.

Saad niya, “Oo, dyusko naman, huwag nating pangunahan ang mga bagay-bagay.

“Nakakahiya sa family niya at sa family ko.

“Walang siya ano sa showbiz talaga, wala, anything.

“Wala akong itinatago sa kanya, lahat chika. Oo, natawa siya.”

Oras ang isa sa madalas na rason ng tampuhan ng isang mgakarelasyon, lalo na pag hindi taga-showbiz ang karelasyon ng isang artista.

Ayon kay Erich ay hindi naman ito isyu sa kanila ng boyfriend.

“Well, alam naman niya na ang priority ko ay ang trabaho ko and he’s just there para sumuporta.

“Ayun, naiintindihan niya ang trabaho ko,” sabi niya.

Posible na bang mauwi sa kasalan ang kanilang relasyon?

Sagot ng 22-year-old actress, “Hindi natin masasabi ang mga ganyan kaya ayokong magsalita nang tapos.

"Basta right now, nagdasal ako, at siya yun—answered prayer.”

Sinang-ayunan naman ni Erich ang sinabi naming advantage kapag hindi taga-showbiz ang karelasyon ng isang artista.

“Yes, mas tahimik, walang gulo,” sabi niya.



JUAN DELA CRUZ. Marami sa mga tagahanga ni Erich ang nami-miss nang mapanood siya sa isang teleserye. Ang huli pa niyang nagawa ay ang Maria La Del Barrio kung saan nakapareha niya si Enchong Dee.

Masayang ibinalita ni Erich na kasama siya sa upcoming action-fantasy series ng ABS-CBN na Juan dela Cruz, kung saan makakapareha naman niya si Coco Martin.

Pahayag ng young actress, “Masaya dahil last time naming trabaho [ni Coco], indie film pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon naman sa isang telesreye and masaya ako na makatrabaho ang isang mahusay na aktor.

“Coco is one of the finest actors of today kaya excited ako to work with him.

“Tapos na yung storycon namin. Masaya... masaya kami, kasi balik-trabaho kami uli, tapos makakasama namin dito si Ms. Zsa Zsa [Padilla], Sir Albert [Martinez].

“Exciting kasi itong teleseryeng ito kahit mga bata, mag-e-enjoy sila dito.”

Nagkuwento na rin si Erich kung ano ang role niya sa Juan dela Cruz.

“Ako dito si Rosario, isa akong aswang hunter. Ako ang pag-ibig ni Juan.

“Ito iba naman, kasi ako yung aswang nung nakaraan, ngayon naman ako ang ha-hunt sa kanila. May mga action scenes.

"Yes, definitely mag-i-start na kaming mag-tape.”

CHRISTMAS IN DAVAO. Ilang araw na lang ang bibilangin at Pasko na. Plano pala ng aktres na umuwi sa Davao sa darating na Kapaskuhan para makasama ang buo niyang pamilya.

Sabi ni Erich, “Ngayong Christmas, uuwi ako sa Davao, kasama yung Mama ko, yung kapatid ko, and then yung sister ko.

“So ayun, excited.

“Nandun lang pag may mga shows or minsan sila Mama lang ang nagbi-visit sa akin dito.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN