JC de Vera wants to stay with TV5 after his contract expires next year: "Willing akong magtrabaho pa para makasama nila ako sa pag-angat ng network."

Naniniwala ang Kapatid actor na si JC de Vera na ang ex-girlfriend niyang si Danita Paner pa rin ang babae para sa kanya. Sabi niya: “Sa ngayon si Dan pa rin. Wala pa naman akong nakikitang bago talaga. At hindi rin naman ako naghahanap. Actually, masaya ako dahil three months ago, okay kami—nakakalabas na kami—nakakapag-usap na kami.”


Umaasa si JC de Vera na ire-renew ng TV5 ang kontrata niya na matatapos na sa 2013.

Walang karagdagang impormasyon na maibigay si JC sa magiging kaganapan ng kanyang career dahil wala pang planong nailalatag.

Sa nakaraang Christmas party ng TV5 para sa entertainment press noong December 5, sa Elements, Eton Centris, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si JC.

Mukha namang satisfied ang aktor sa itinakbo ng career niya sa TV5 kaya gusto niyang mag-renew uli ng kontrata rito.

Sabi niya, “Hindi naman sila nagkulang sa akin. Simula noong day one na dumating ako sa TV5, nakailan ako?

“Naka-six shows ako in two and half years—yung Driver Sweet Lover, Utol Kong Hoodlum, Valiente.

“Ngayon yung Enchanted Garden, may Lokomoko. Tapos before, may PO5, Saberday... Yun, bale pito pala.

“More or less, kuntento naman ako.

"Actually, hindi naman ako nag-demand na, ‘Oy, bigyan ninyo naman ako ng show.’

“Kasi galante naman sila sa akin. So, okey naman.”

CAREER MOVE. Hindi ba niya inisip na bumalik muna sa GMA-7 o pumunta ng ABS-CBN kapag tapos na ang kontrata niya sa TV5?

Ngumiti muna si JC bago nagsalita, “Ano kasi ‘yan, e... gusto kong mag-stay pa kasi gusto kong makasama ako sa pag-angat niyan.

“So, willing akong magtrabaho pa para makasama nila ako sa pag-angat ng network.

“Parang ano kasi, e… Iniisip kasi noong iba, na ang tagal ng pahinga, hindi nagkakaroon ng shows.

“Baka iniisip nila na bumabagsak yung career nga.

“Pero sa side ko naman, naging mabait sila sa akin, naging loyal ako sa kanila.

“So, gusto ko lang ibalik yung kabaitan nila sa akin.

“Kasi alam ko, mga three or five years or ten years pa bago talaga maging okay lahat pagdating sa TV.”

Ibig sabihin, maliit o wala talagang chance na bumalik siya sa GMA-7 o lumipat sa ABS-CBN?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni JC, “Hindi naman sa walang chance. Kasi meron pa naman akong Tita Annabelle [Rama, business manager niya], e.

“Depende sa kung ano’ng magiging negotiation nila sa TV5.

“Pero ako, nakausap ko na rin si Sir Perci [Intalan, entertainment production head ng TV5], alam naman niyang mag-e-end of contract na ako.

“So, narinig niya kung ano ang gusto ko. Sabi ko, gusto kong mag-stay.

“So, depende na lang yun kung ano yung maio-offer nila ulit sa akin. Pero rest assured na alam nilang gusto kong mag-stay.”

Sa sampung taon sa showbiz ni JC, kahit subukan mag-produce o magdirehe ng pelikula ay hindi pumasok sa isip niya.

Paliwanag niya, “Kasi as an actor, hilaw na hilaw pa ako, e. Kasi marami pa akong gustong magawa.

“Tapos may mga nae-experience pa ako na bago sa akin.

"So, tingin ko, hilaw pa, malayu-layo pa yung pagdadaanan ko.”

Saan ba siya pupunta—sa pagiging action star, dramatic actor, o comedian?

Tugon ni JC, “Gusto kong maging versatile.

"Gusto ko kung ano’ng ibigay sa akin ng network, pagbubutihan ko.

“And alam naman nila yun. Alam ng TV5 na bigyan nila ako ng action, paghahandaan ko ‘yan…

“Bigyan nila ako ng drama, mas paghahandaan ko para kahit ano’ng ibigay sa akin, sana maging okay.”

NO LOVELIFE. Pagdating naman sa lovelife, aminado si JC na wala talaga siyang lovelife ngayon.

“Girlfriend, wala. Dating, wala,” sabi niya.

“Sabihin na lang natin na mas tine-take ko yung buhay ko ngayon in most matured way…

“Na hindi lang basta nakipag-date ka ng isang beses, kailangan girlfriend mo na. Yung ganoon.

“Ngayon, ano na ako ngayon… pumipili na ako. Siyempre, gusto ko yung pang-long term talaga.

“Gusto ko rin kasi na bago ako pumasok uli, gusto ko maging stable lahat.”

DANITA PANER. Puwede bang sabihing na lampas na siya sa relasyon nila ni Danita Paner?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi, a!” tanggi ni JC.

“Actually, nag-uusap pa nga kami ni Dan [tawag niya kay Danita]. Wala talaga kaming naging problem.

“Yun nga lang, hindi lang kami nagkabalikan.

“Pero hindi ibig sabihin na parang nagkasawaan kami or napaso.

“Kung merong possibility na magkabalikan, meron.

“Pero sa ngayon, hindi pa.

"Ang hirap lang pag-usapan dahil meron akong gustong gawin sa buhay ko.

“Like, kailangan ko pang magpatayo ng bahay para sa family.

“Meron pa akong kailangang bayaran na ganito,” lahad niya sa mga plano sa buhay.

Naging sagabal ba ang lovelife sa pag-abot ng mga pangarap o plano niya para sa pamilya at sa sarili?

Pahayag ni JC, “Kailangan kasi magse-set ako ng priorities, e.

“E, ayoko naman na pag nagkabalikan kami ni Dan na, ‘Ay, hindi tayo puwedeng magkita kasi may kailangan akong asikasuhin, e.’

“Gusto ko, may time siya… gusto ko may time ako para sa kanya.”

Kung may babalikan siyang lovelife, si Danita na yun?

“Sa ngayon, si Dan pa rin.

"Wala pa naman akong nakikitang bago talaga. At hindi rin naman ako naghahanap.

“Actually, masaya ako dahil three months ago, okay kami. Nakakalabas na kami, nakakapag-usap na kami.”

Gusto ba niya ng ganitong set-up na tahimik lang ang lovelife?

“Oo… oo,” agad niyang sagot

“Mas gusto ko yung ganoon. E, di ba, vocal naman ako na pag meron, meron?

“Sasabihin ko naman talaga pag meron. Pero sa ngayon, wala talaga, e.

“Mahirap… hindi lang ako nakikita sa public na may kasama kasi wala, e. Gusto ko ganito lang muna.”

RHIAN RAMOS. Matatandaang naging magkasintahan sina JC at Rhian Ramos noong nasa GMA-7 pa ang aktor.

Hindi sila nagtagal at nauwi rin sa breakup ang lahat.

Ano ang reaksiyon niya sa mga positive statements ni Rhian sa pagiging masaya niya sa piling ng boyfriend niya ngayong si KC Montero?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okey lang,” nakangiting pahayag ni JC.

“Good for her. Actually, noong napunta siya kay Mo [Twister], masaya siya, e, kaya naging masaya ako para sa kanya.

“So, para sa akin, as long as na yung lalaki, inaalagaan siya… okay yun.”

Pero iba ang kasiyahang naibibigay ni KC kay Rhian.

Sabi ni Rhian sa interview dati na wala silang problema ni KC at puwede naman palang hindi mag-away ang dalawang magkarelasyon.

Ano ang masasabi ni JC dito, lalo’t napagdaanan nilang dalawa ni Rhian ang isang magulong set-up ng lovelife?

“Baka… baka. Ano kasi ‘yan, e... baka every relationship ni Rhian, nagma-mature siya as a person.

“So, ngayon, ‘eto na yung mga na-experience niya sa akin, kay Mo naman.

“So, yung inabot niya sa bago [KC], okay na siya as a whole… Puwede na siyang mag-share.

“Kasi nag-mature na, e. So, okay naman, happy ako sa kanya.”

Wala raw silang communication ni Rhian, hindi gaya ng isa pa niyang ex-girlfriend na si Michelle Madrigal na nakikita niya paminsan-minsan.

“Si Michelle naman, nagkikita naman kami dahil same manager naman kami,” pagtukoy ni JC sa kanilang manager na si Annabelle Rama.

CHRISTMAS GET-TOGETHER. Ngayong Pasko, inaasahan ni JC na magse-celebrate siya ng Pasko kasama ang kanyang pamilya.

“Yung old tradition na magsisimba kayo, magkakasama kayo, Noche Buena together.”

Makakasama niya ba si Danita?

“Yun ang hindi ko alam," sagot ni JC.

"Actually, meron rin siyang… actually, si Dan ngayon, very close siya sa family niya... na dati, di ba?

“Dati, naririnig na siyempre, away-away… ganyan. Pero ngayon, united na yung family nila.

“Malaking bagay yun para sa kanila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN