CHRISTMAS FORUM: What is the fondest Christmas memory of these celebrities?

Derek Ramsay, Jasmine Curtis-Smith, and Markki Stroem talk about the fondest Christmas memories they shared with their family and friends.


Isa ang Pasko sa mga itinuturing na espesyal na okasyon, saan man sa mundo.

Ito kasi ang panahong nagkakasama-sama ang magkakamag-anak, habang masayang nagsasalu-salo at nagpapalitan ng regalo.

Kaya naman tiyak, bawat isa sa atin ay mayroong hindi malilimutang ala-ala na naganap noong Pasko.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang tatlong personalidad sa showbiz kung ano ang kanilang “fondest Christmas memory.”

TIME WITH FAMILY AND FRIENDS. Ang oras na kasama ang pamilya at mga kaibigan ang pinaka-hindi-malilimutang ala-ala nina Derek Ramsay, Jasmine Curtis- Smith, at Markki Stroem.

“I can’t choose what my fondest Christmas holiday is!” sagot ni Derek na napaisip.

“Every year we have a blast with the family and friends.

“I love Christmas season!”

Si Markki naman, hindi malilimutan ang pag-celebrate niya ng Pasko sa Norway.

“Last christmas, [I spent Christmas] with my family in Norway.

“White Christmas, with the entire family! Perfect!”

Ikinuwento naman ni Jasmine ang Paskong naranasan niya noon sa bahay nila sa Mandaluyong.

Kuwento ng Kapatid actress, “My fondest Christmas memory would be all my Christmases back when I lived in Mandaluyong.

“I would always go Christmas caroling with my friends and it always made my Christmas morning!”

Kahit sino ka man at anuman ang kalagayan mo sa buhay, hindi ito hadlang upang magkaroon ng masayang ala-ala tuwing Kapaskuhan.

Pero ating tandaan na ang masasayang ala-ala ay hindi lamang nabubuo tuwing sasapit ang mga espesyal na okasyon tulad ng Pasko.

Wika nga ni Charles Dickens: “I will honor Christmas in my heart, and try to keep it all the year.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN