Julia Montes on reported breakup with Enchong Dee: "Kung ang friendship ay matatag, walang dapat i-break."

Ayon sa Kapamilya young actress na si Julia Montes ay hindi pa handang magka-boyfriend. Paliwanag niya, “Hindi pa. Hindi pa talaga. Saka na yung stress na ganun. Stress muna sa work.”


Hindi matatawag ni Julia Montes na bakasyon ang nangyaring pagkawala niya sa Pilipinas ng mahigit sa isang buwan.

“Hindi siya bakasyon, e, talagang work pa rin siya.

“US show, Europe tour… tapos, ayun nga, meron din kaming shooting.

“Kumbaga, tsinerish [cherished] moment ko lang na parang bakasyon, pero hindi talaga siya bakasyon,” pahayag ni Julia.

Nakapanyam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia sa presscon ng 2012 Metro Manila Film Festival entry na The Strangers noong Linggo, December 9.

Anong work ang sinasabi niyang ginawa niya sa Europe at sa US?

“May iba kaming syinut [shoot] ni Coco [Martin] for the movie. Meron din kaming tour.

“Mahigit isang buwan wala ako sa Pilipinas,” banggit ni Julia.

ENCHONG DEE. Naroon din sa presscon ang nali-link kay Julia na si Enchong Dee.

Sinabi ng young actor na hindi pa sila nakakapag-usap ni Julia dahil matagal nawala at kababalik lang sa Pilipinas ng dalaga.

Alangan si Enchong na sabihin ang tunay na estado ng relasyon nila ngayon Julia, pero lumalabas na hindi sila gaya ng dati na malapit sa isa’tisa.

(CLICK HERE to read related story.)

Kaya ang tanong ng PEP kay Julia ay kung nakaapekto ba ang pagkawala niya para mabago ang samahan nila ni Enchong.

Sagot ng dalaga, “Hindi naman nakaapekto.

“Sadyang busy lang pareho. So, yun… wala namang apekto.”

Parang sinasabi ni Enchong na nahinto ang communication nilang dalawa kaya may nabago sa samahan nila. Ano ang reaksiyon dito ni Julia?

“Pareho rin kasing naging busy. So, hindi naman maiiwasan yun.

“Basta, yung friendship, nandun pa rin, wala namang mababago,” sabi ng Kapamilya young actress.

Pero kung meron pa silang unawaan ni Enchong, kahit malayo sila sa isa’t isa, ay hindi mawawala yung closeness nila at mag-e-effort silang magkaroon ng communication.

Alumpihit si Julia na sumagot sa obserbasyon namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ahm… yun… yun nga,” sabay ngiti niya.

Ano ba talaga ang sitwasyon nila ni Enchong?

“Ayun, naging busy lang talaga,” mabilis na sagot ni Julia.

May isa pang isyu na lumabas na naapektuhan daw ang shooting ng kanilang pelikula dahil sa mga tampuhan nila ni Enchong.

Sabi naman ni Julia, “Sa tingin ko naman, wala namang naapektuhan sa shoot.

“Kasi lahat naman, pareho naman naming ginagawa yung work namin.

“Wala namang tampuhang naganap.

“Siguro akala lang nila kasi tahimik lang kami.

“Pag nasa set kami, talagang work, work talaga,” paliwanag ni Julia.

THE BREAKUP. Lumabas dito sa PEP ang balitang nag-break na sina Julia at Enchong. Gaya ni Enchong, iginiit ni Julia na walang naganap na breakup sa pagitan nila.

(CLICK HERE to read related story.)

“Yun nga, ang lagi naming sinasabi, na wala namang magbi-break.

“Kung ang friendship ay matatag, walang dapat i-break.

“Ang friendship, kung magkaaway man kayo, ang friendship nandiyan pa rin ‘yan, e, ” saad pa niya.

Binasted ba niya si Enchong kung hindi man totoong nag-break sila nito?

“Wala. Walang ganung nangyari. Walang negative na nangyari sa amin,” sagot ni Julia.

Ibig bang sabihin, hindi umabot sa totohanan yung closeness nila ni Enchong, gaya ng pagkakaroon nila ng relasyon?

“Wala, wala pa talaga sa ganung point.

"Gaya nga ng nasabi namin, nasa work mode kami ngayon at talagang busy-busy.”

Ngayong nandito na siya uli sa Pilipinas, ipagpapatuloy ba nila uli ni Enchong ang kanilang closeness?

“Wala sa akin yun. Basta ako, focus ako sa work ko,” nakangiti niyang pahayag.

THIRD PARTY? May lumabas na ang leading man ni Julia sa Walang Hanggan na si Coco Martin daw ang dahilan ng breakup nina Julia at Enchong. Ano ang reaksiyon niya rito?

“Kasi, wala naman talagang hiwalayang nangyari at hindi siya dapat ipasok.

“Kasi, siya lang naman yung katrabaho ko at yung huling katrabaho ko at makakatrabaho ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, sana huwag ipasok.”

Isa pang isyung ikinakabit sa breakup nila ay ang hindi raw pagkakaunawaan nina Julia at Maja Salvador, na nali-link naman ngayon kay Enchong.

Sabi ni Julia tungkol dito, “Wala, walang ganun.

“Siguro kung anuman ang nangyari sa off-cam namin, walang apekto sa aming tatlo—gaya ng lumabas.

“Basta, lahat kami okey. Lahat kami nagtatrabaho. Lahat busy sa bawat shows namin.”

Hindi pa ba siya handang magka-boyfriend?

“Hindi pa. Hindi pa talaga. Saka na yung stress na ganun. Stress muna sa work,” sagot ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN