Albie Casiño apologizes to a mystery person: “I’m sorry na for all my shortcomings and all the things na you thought mali na ginawa ko.”

Hindi pinagsisisihan ni Albie Casiño ang naudlot na team-up nila ni Kathryn Bernardo na nasimulan sana sa Mara Clara. Saad niya: “I don’t regret much because there’s no use thinking about what could have happened and what should have happened.”


Live na nag-guest si Albie Casiño sa The Buzz noong Linggo, December 9, at sunud-sunod ang naging tanong sa kanya ng host na si Charlene Gonzalez.

Unang nakilala ng publiko si Albie dahil sa kinasangkutan nitong isyu sa kanyang ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Si Albie ang sinasabing ama ng anak ni Andi na si Ellie, na ngayon ay isang taong gulang na.

Layunin daw ng interview na masagot ang katanungan kung totoo ang mga naunang panghuhusga kay Albie o “misjudged” lang ba siya.

THE REAL ALBIE. Sino nga ba si Albie Casiño?

“I’m just a regular guy.

"I mean, I get happy… I get sad... I get depressed.

"I was brought up to be very simple.”

Basagulero o bad boy nga ba siya?

“Hindi naman ako basagulero. I mean, I got into fights noong high school. But I mean, who hasn’t, di ba?

"I’m very patient with people.”

Siya raw ang black sheep ng pamilya?

“Ah, no, no... My brother and I are very alike. Our attitude, we got it from our dad.

“The way we look, minsan nga, nagkukuwanri kaming kambal kami.”

Do you feel at times, you are misunderstood?

“Yes, of course. What people think of you is what they understand of you.”



THE REAL ALBIE. Pero sino ang totoong Albie?

“Ever since I got into showbiz, I tried to keep my personal life, personal.

“So, I understand din also why people judge me like that because they only know what they see.

"They don’t really know me naman talaga.”

Sa lahat ng nangyari sa kanya, saan siya pinaka-nasaktan?

“Siguro, that I gave people a negative light to my family’s name, di ba?

“Through all of these, nadamay my mom, my dad, di ba?

“Every time you hear Casiño, parang masama na yung tingin mo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero, it’s not like that naman.”

Paano nalagpasan ng kanilang pamilya ang bagay na yun?

“We’re very close family kasi, so when one of us is having a hard time, we’re really behind that person.”



FAMILY SUPPORT. Gaano siya nagpapasalamat sa pagmamahal at suportang ibinigay ng kanyang pamilya?

“I can’t express it in words, hindi ko maie-explain kung gaano ako ka-thankful sa magulang ko and sa brother ko.

“Nandito ako ngayon dahil sa kanila.”

Sa mga nakaraang kontrobersiya na kinasuungan niya, ang nanay niya ang humaharap. May gusto ba siyang sabihin dito?

“Mama, thank you.

“I know that you have the best intention for me, but sometimes, hindi ako nakikinig.

“But I promise now to be the better son.

"Thank you, I love you.’”



MAULING INCIDENT. Binanggit din ni Charlene ang naganap na insidente sa Fiamma Bar noong Mayo, kunsaan diumano’y binugbog si Albie ng ilang kalalakihan na sinasabing mga kaibigan ni Andi.

(CLICK HERE to read related story.)

Ano na nga ba ang nangyari sa kasong yun?

“My dad talked to me about that and, according to him, he said na it’s better if I don’t talk about it na lang.

"So, I respect what he said.”

Nakausap na ba niya ang parties involved?

“No, I haven’t.”

Kung may gusto siyang sabihin sa mga ito, ano yun?

“I don’t have any hurt feelings anymore.”



CUT SHORT. Bago pa dumating ang mga isyu kay Albie, katatapos lang niya ng Mara Clara, isang matagumpay na teleserye sa ABS-CBN na umere noong 2010.

Naging kapareha niya rito si Kathryn Bernardo, na isa ngayon sa top young female stars ng Kapamilya network.

Meron bang sama ng loob si Albie na hindi natuloy o naudlot na team-up nila ni Kathryn?

“No naman, I’m very happy for now.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I saw the magazine that she’s the cover last night… She really looks good now, she’s really pretty now.

“I don’t regret much because there’s no use thinking about what could have happened and what should have happened.”

Pero gusto ba niyang makatrabaho muli si Kathryn?

“Of course, I’d like to work with Kathryn again, Diego [Loyzaga], Julia [Montes]... everyone I’ve worked with in Mara Clara.

“We made a bond while we we’re making it. I still see Diego a lot.”



SHOWBIZ OR NON-SHOWBIZ. Kung sakali at iibig siyang muli, gusto pa rin ba niyang taga-showbiz pa rin?

Isang malaking buntong-hininga muna ang pinakawalan ni Albie bago nito nasagot ang tanong ni Charlene.

“I don’t know… I don’t think so,” sagot niya.

Bakit niya nasabi yun?

“Like I’ve said, I like keeping my personal life private.

“It’s so much harder if the person I’m in love with is also in showbiz. So, it’s gonna be hard lang for me.”

Nakikipag-date ba siya ngayon?

“No comment,” ang mabilis niyang sagot.



MORE MATURE. Sa mga pinagdaanan niya, ano ang mga lessons na natutunan niya?

“It’s not much of a lesson… it changed me in a way.

“Like the way I think... I don’t know, hindi naman sa nag-mature ako, but I’m more of a quiet person now.

“Before, I used to be out there.

"Hindi naman sa masungit na ako ngayon. But it takes longer for me to be comfortable with people.”

Nagkaroon siya ng takot?

“Oo, oo naman, of course. I’m not so willingly open now,” sabi niya.

May kasabihan na "time heals all wounds." Kung may isang tao na gugustuhin ni Albie na mag-sorry siya, sino ito?

“Will it be okay if I don’t say the name?” tila pakiusap niya kay Charlene.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At saka sinabi ni Albie na, “I think naman, you know who you are… I just like to apologize.

“I mean, I don’t know what to say.

“I just want to say, I’m sorry na for all my shortcomings and all the things na you thought mali na ginawa ko.”

Sa gabi, bago siya matulog, ano ba ang dasal ni Albie?

“That God will continue to watch over me.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN