Julia Montes on her detractors: “Mapu-prove ko din sa kanila na yung sinasabi pala nila before ay hindi pala totoo.”

Isa sa mga intriga kay Julia Montes ay ang pagiging suplada raw nito na mariin naman niyang pinabulaanan. Sabi niya: “Kasi before, kahit hindi ako magsalita, tingnan ninyo lang ako, mukha akong kontrabida talaga. So minsan, gusto ko talaga yung kinakausap ako. Kasi mas nakikila ako ng tao compared dun sa tatahimik lang ako.”


Nilinaw ni Julia Montes ang tungkol sa isyu na nang-isnab siya ng isang immigration officer na nagpapa-picture sa kanya sa airport kamakailan.

Naganap ang paglilinaw ni Julia kahapon, December 11, sa presscon ng Expanded Senior Citizens’ Act of 2010 ni Aurora Representative Edgardo “Sonny” Angara sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

“Thank you po at na-tackle din ‘yan dahil ang tagal-tagal nang isyu ‘yan,” unang sinabi ni Julia.

Pagkatapos nito ay ipinaliwanag na niya ang kanyang panig tungkol sa isyu.

“Hindi ko alam kung saan ako papunta noon, pero naaalala ko yung pangyayaring yun.

“Meron kasing pangyayari na parang ini-interview ako nung mismong consul…

“And then, if siya nga yun, nasa likod siya and pinapapunta niya ako sa harapan.

“E, may kailangan pa akong ayusin pa po.

"Kinausap ko naman po siya na ‘Sandali lang po.’

“Pero pagdating ko sa kanya, iyon nga, medyo nag-request siya na ngumiti ako.

“Ngumiti naman ako, pero hindi ko alam kung ano ang gusto na ngiti ni Ate so…”



BOYCOTT. Totoo bang sinabihan si Julia ng immigration officer na ibo-boycott siya dahil sa pangyayari?

Sagot ng Kapamilya star, “Wala naman siyang sinabing ganoon sa nangyari sa akin, sa lumabas na isyu, wala naman akong narinig.

“Ewan ko lang. Siguro pag-alis ko, baka iyon ang naging feeling niya.”

Pinagbigyan naman daw niya ang naturang immigration officer sa picture-taking na hiling nito.

“Nagpa-picture naman or… hindi ko lang alam kung iyon din yung nangyari.

“Kasi, kailangan na naming umalis, kasi maraming … siguro iyon yung time na nagmamadali kami… na kailangan na kaming hilahin.

"Pero sa pagkakaalam ko naman, napagbigyan naman yung mga nagre-request na magpa-picture.

“Hindi ko sure kung ito ba yung papunta ako sa Singapore. Kung tama ako, ito yata yung papunta kami ng Singapore.”

Ang tinutukoy ni Julia ay ang pagpunta ng ASAP cast members para mag-show sa Singapore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MORE ISSUES. Si Senator Edgardo J. Angara ang proponent ng Senior Citizens’ Act of 1992, at ang kanyang anak na si Aurora Representative Edgardo “Sonny” Angara naman ang author ng Expanded Senior Citizens’ Act of 2010.

Si Julia ang isa sa todo-suporta sa advocacy na ito.

Hindi ba makakaapekto ang isyu sa pagtulong ng young actress sa kampanya ni Congressman Sonny sa Expanded Senior Citizens’ Act of 2010?

“Wala naman siguro.

"Saka wala namang connect yung hindi pagpapa-picture at yung pagngiti ko kay Ate dito sa political ano…

“Saka ang layo sa advocacy!” ang natatawang sagot ni Julia.

May isyu na suplada na raw si Julia. Sa tingin ba niya ay misunderstood lang siya?

“Ako, kini-claim ko, siguro nami-misunderstood ako.

“Kasi kilala ako na bubbly ako, bubbly, friendly, pero mahiyan ako at the same time.

“And ang hitsura ko, yung feature ko, pag tumatahimik lang ako, mukha daw talaga akong nagmamaldita.

“And iyon yung naging edge ko bilang Clara [sa show dati na Mara Clara].

“Kasi before, kahit hindi ako magsalita, tingnan ninyo lang ako, mukha akong kontrabida talaga.

“So minsan, gusto ko talaga yung kinakausap ako. Kasi mas nakikilala ako ng tao compared dun sa tatahimik lang ako.

“Kasi ang tingin nga sa akin, ang first impression is mataray or isnabera.”

Na-overcome na ba niya ang pagiging mahiyain, lalo pa nga’t marami na siyang nakakasalamuha bilang artista?

“Medyo. Pero may times pa rin na talagang sinusumpong pa rin ako ng pagiging mahiyain—hindi maiwasan.

“Iyon. Depende, depende sa sitwasyon.”



INTRIGUES. Ano ang nararamdaman ni Julia kapag may mga ganung intriga laban sa kanya—na prima donna na siya, na pagkatapos ng success ng Walang Hanggan ay nagbago na raw ang ugali niya?

Inamin ni Julia na nade-depress siya kapag nakakarinig ng mga ganitong bagay tungkol sa kanya.

“Aaminin ko po talagang nalulungkot ako at umabot ako sa depressed point.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na parang siyempre, kahit ano naman ang sabihin ko, ang dating po sa iba, nagmamalinis or parang guilty pa ako.

“Iniisip ko na lang po ngayon, ang bawat tao ay may kanya-kanyang opinion…

“May gusto silang artista, may ayaw silang artista.

"So siguro, nagkataon lang na nandun ako sa hindi nila masyadong gusto!” at muling natawa ang young actress.

Dagdag niya, “And siguro in the future, nandun na lang ako sa point na parang malalaman nila yung totoong ako.

“And siguro, mapu-prove ko din sa kanila na yung sinasabi pala nila before ay hindi pala totoo.”



MOTIVATED. Walang nagbago sa dating Julia Montes?

“Siguro ano lang… mas naging motivated lang ako compared before, iyon lang ang nagbago.

“And ayun, hindi naman sa dahil ako lang yung nagsasalita…

“Siguro sa mga nakakakilala sa akin, ang comment nila, sinasabi nila sa akin, ‘Hindi ka pa rin nagbabago.’

“So, tingin ko, hindi naman po.

“Cowboy ako kahit saan, so wala naman pong ganoon.”



CHRISTMAS GIFT. Dahil magpa-Pasko, tinanong ng PEP si Julia kung paano niya ise-celebrate ang Pasko at kung ano pa ang regalong gusto niyang matanggap.

“Ise-celebrate ko po yung Christmas ko kasama po ang family ko—buo kami sa bahay. Sa bahay namin ise-celebrate para sama-sama kami.

“Siguro yung mga kapatid ng mama ko, doon din sila magse-celebrate.

“And Christmas gift? As of now, wala talaga akong maisip na mapa- material o mapa-bagay.

“Siguro gift lang na sa career, sana tuluy-tuloy pa.

"And yung mga suporta ng mga fans na talagang naniniwala sa akin, sana tuluy-tuloy pa rin.

"Kasi gagawin ko pa ang best ko para mapasaya ko pa sila.

“So, iyon lang. More on sa ganoon lang… iyon po,” sabi ni Julia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN