Tippy Dos Santos on Miss Saigon audition: “Just to pass the first call back, sobrang big feat na po ‘yon!”

Hindi nawawalan ng pag-asa si Tippy Dos Santos kahit hindi siya nakapasa sa final round ng auditions para sa Miss Saigon. Aniya, "Kung may auditions pa pong lalabas, ita-try ko pa rin pong sumali. Kasi, iba-iba yung role, e. Malay mo para sa ’yo na pala ‘yon."


Kapansin-pansin kay Tippy Dos Santos ang saya dahil sa inabot niya noong nakaraang audition para sa West End revival ng musical na Miss Saigon.

Hindi man mapalad na nakarating sa final callback, itinuturing pa rin ni Tippy na isang magandang karanasana ang ginawa niyang pag-o-audition para sa tanyag na West End at Broadway musical.

“It was such a different experience,” sabi ni Tippy nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang tanghali, December 11, sa launch ng bagong produktong ine-endorse niya, ang Adore fragrances.

Ayon kay Tippy, gustung-gusto talaga niyang mag-audition para sa nasabing musical play.

“Sobrang idol ko po talaga si Lea Salonga.

“You know, trying to follow her footsteps, okay na rin sa akin.

“Experience na ‘yon for me,” saad niya.

Si Lea ang orihinal na gumanap bilang ang bida na si Kim nang unang itanghal ang Miss Saigon sa West End London noong 1989.

Dahil sa kanyang pagganap, ginawaran si Lea ng Laurence Olivier Award at Tony Award, dalawang pinakaprestihiyosong award-giving body na ibinibigay sa mga artista sa teatro.

Nabanggit din ni Tippy na may natutunan siya nang mag-audition siya para sa Miss Saigon.

Aniya, “It was such a different kind of audition, kasi nga, iba-ibang tao yung mga nag-o-audition.

“I think marami rin naman po akong natutunan.

“Kasi, yung audition ko na ‘yon, talagang pinag-practice-an ko ‘yon.

"Sabi ng parents ko, sabi ni Tito Carlo Orosa [her manager], ’Kailangan feel mo talaga.’

“Yun ang lesson ko—you really need to feel every song.”



THE EXPERIENCE. Sa panayam ng PEP, tinanong namin si Tippy kung ano ang mga nangyari noong nag-audition siya.

Malugod naman niya itong kinuwento.

Pag-alala niya, “The first audition po, sobrang kinakabahan po talaga ako, as in naririnig ko ang heartbeat ko... parang ayaw ko nang pumasok.

“Tapos pagpasok ko, I was expecting more people to be in a long table, pero dalawa lang sila. I think they were both British.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"The other guy, parang mas friendly, tapos yung isa, parang… parang good cop, bad cop yung dating nila.

“Sabi ko, ‘Good afternoon!’

"Sabi nila, ‘Good afternoon!’

“Tapos, biglang nag-play yung music, so kailangan malungkot ako.

“Siyempre, sabi nga nila, huwag kang mag-expect.

“Tapos, paglabas ko, they gave me a call slip so I was so happy talaga.”

Noong sumunod na araw ng audition, ani Tippy, “Noong callback naman, marami na sila.

"Ayun naman, ine-expect ko na maraming tao, mga ten people po sila.

“Tapos sabi nila, I have to sing another song, hindi yung kinanta ko the day before.

“Then, I sang. Paglabas ko, wala na.”

Mula sa Kapamilya network, nakasabay niyang mag-audition ang kapwa singer-actress na si Karylle na nakaabot din hanggang unang callback.

(CLICK HERE to read related article.)

Mula sa Kapuso network naman, umabot sa third and final round sina Rachelle Ann Go, Aicelle Santos, at Frencheska Farr.

Sumubok din ang dating champion ng Popstar Kids na si Rita de Guzman, subalit tulad ni Tippy, hanggang sa second round lamang ang inabot nito.

Balitang nag-audition din ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto ngunit hindi pinalad na makapasa.

(CLICK HERE to read related article.)



STILL WILLING TO AUDITION. Bagamat hindi nakapasa para sa second callback, agad namang tinanggap ni Tippy ang kanyang kapalaran.

Pahayag ng 18-year-old Kapamilya singer-actress, “Siguro, hindi po talaga ako yung hinahanap nila.

“Parang a thousand of people auditioned po yata.

“Just to pass the first callback, sobrang big feat na po ‘yon!”

Kung sakaling magkaroon pa ng ganitong uri ng audition, susubukan pa rin daw ni Tippy ang kanyang kapalaran.

“Kung may audition, I’m gonna have to audition again.

“Kung may auditions pa pong lalabas, ita-try ko pa rin pong sumali.

“Kasi, iba-iba yung role, e. Malay mo, para sa ’yo na pala ‘yon.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

LUCKY YEAR. Samantala, masaya naman si Tippy sa mga nangyari sa kanyang career ngayong 2012.

Bukod sa pag-o-audition sa Miss Saigon, naging lead actess din siya sa musical movie na I Do Bidoo Bidoo, na kasalukuyang pinalalabas sa ibang bansa.

Sabi ni Tippy, “Alam mo, every year, I think I’m lucky.

“I’m very blessed po sa kung anuman yung natatanggap ko.

“I think, hindi ko masasabing extra lucky yung year na ito, kasi every year, may nangyayari sa akin.

“Like this year nga, may I Do Bidoo, may [audition] ng Miss Saigon. Ang dami pong nangyari, so thankful lang po talaga ako.”

Sa ngayon, binabalanse na lamang ni Tippy ang oras niya sa pagitan ng trabaho at pag-aaral.

Bukod sa pag-aartista, abala rin si Tippy sa kanyang kursong BS Family Life and Child Development sa University of the Philippines, Diliman.

Sabi ni Tippy, “Wala pa po akong TV shows kasi regular student po ako. Kailangan ko rin pong ma-balance yung schedule ko.

“Ayun nga po, may mga kailangan po tayong hindian, pero marami rin tayong oohan.

"Para balance ko po yung studies ang performing po.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN