Does Matteo Guidicelli still love ex-girlfriend Maja Salvador?: "Hindi na."

Bagamat wala nang nararamdaman si Matteo Guidicelli sa kanyang ex-girlfriend na si Maja Salvador, masaya siya na magkaibigan pa rin sila hanggang ngayon. Sabi pa ni Matteo, “Whatever happened to us before, that’s always be in my heart and I learned so much from her. Masaya lang ako ngayon dahil magkaibigan kami and I’m happy for all her successes now.”


Naupo si Matteo Guidicelli sa special segment ng The Buzz noong Linggo, December 9, kung saan ang mga tanong ay hindi galing sa mga host.

Game naman si Matteo na kahit noong umpisa pa lang ay nagsabi nang hindi siya kumportable sa mga tanong.

Bilang paumpisa ni Toni Gonzaga, sinabi nitong may nakakita raw kay Matteo na sinundo ang dating girlfriend niyang si Maja Salvador. At pagkatapos, nakita raw siyang muli sa isang event na nandoon din si Maja.

Ang tanong: Ini-stalk ba niya si Maja?

“Hindi, hindi totoo ‘yan!” ang nakangiting sagot ni Matteo.

“We were at the same event, few days ago, yung Italian Film Festival.

“Nandoon siya, nandoon ako, at ibang mga Star Magic artists, nandoon din.”

Hindi ba niya pinupuntahan sa taping si Maja?

“A, hindi,” tanggi ni Matteo.

Hindi na sila nagbibisitahan?

“Hindi na,” nakangiti niyang sagot.

MAJA WITH PIOLO. Kailan lang, may lumabas na controversial picture nina Maja at Piolo Pascual, na ultimate crush daw ng young actress.

Pinagselosan ba ni Matteo si Piolo?

Sagot ng Paraiso star, “No, Piolo is a really cool guy.

"We train together. We do triathlon together.

“He’s a nice guy. I trust him.

"Wala naman, there’s nothing to be jealous.”

Bilang ultimate crush ni Maja si Piolo, okay lang kay Matteo kung ma-link ang dalawa?

“Walang problema. Mabait naman si Piolo at mabait naman si Maja.”



STILL IN LOVE? Diretsuhan namang tinanong ni Toni si Matteo kung mahal pa ba nito si Maja.

“Hindi na,” diretso at mabilis ding sagot ni Matteo.

Nagulat si Toni sa naging tugon ni Matteo dahil na-witness pa raw niya noon sa Happy Yipee Yehey kung gaano kamahal ng young actor si Maja.

Patotoo pa ni Toni, kapag nag-aaway ang dalawa ay gumagawa pa ng effort si Matteo na mala-My Amnesia Girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi naman ni Matteo, “Maja and I, we are very happy that we are still talking.

“We are good friends now and that’s the most important thing.

"I don’t believe in ruining relationship. I don’t believe in throwing out memories.

"I don’t think that’s right.

“Whatever happened to us before, that’s always be in my heart and I learned so much from her.

“Masaya lang ako ngayon dahil magkaibigan kami and I’m happy for all her successes now.”

Nangiti lang si Matteo nang sabihin ni Toni na ang theme song pala nito ngayon ay “Somebody That I Used To Love.”

JESSY MENDIOLA. Sa teleserye naman nila ngayon ni Jessy Mendiola na Paraiso, nandiyang pinagseselosan daw si Matteo ng rumored boyfriend ng young actress na si JM de Guzman—lalo’t maraming intimate scenes sina Matteo at Jessy sa afternoon soap nila.

Tanggi ni Matteo, “Hindi naman... I don’t know.

“Marami kaming intimate scenes ni Jessy, no doubt about that. Maraming mga love scenes.

“Ako rin, when I watch it, talagang, ’Wow!’

“But JM is a really nice guy. And I don’t think there’s a problem.”

Nasabi ni Matteo noon na nagagandahan at naseseksihan siya kay Jessy. Hindi ba yun posibleng mauwi sa iba?

Sagot ni Matteo, “We’ll never know. Kasama ko siya palagi. Anything can happen.

"For now, concentrate muna [sa career].”

VERY MUCH INSPIRED. Ano ba ang estado ng puso niya—single, complicated, very much in love o going to be in love?

“Very much inspired!” ang natatawa naman niyang sagot.

Inspired with someone in particular?

“Well, wala pa.”

Baka bukas ay meron na?

“Sana,” ang nakangiti namang asam ni Matteo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN