Piolo Pascual explains "kissing photo" with Maja Salvador; dismisses rumored rift with Coco Martin

Piolo Pascual on fellow Kapamilya star Coco Martin: “Napaka-hardworking ng taong yun. Hindi lang siya mabait na tao, napakagaling na artista. So, I’m happy for him. Kapatid ko siya rito sa Star Magic at kapatid ko siya rito sa ABS, so, walang isyu yun."


Sinagot ni Piolo Pascual ang ilang katanungan sa panayam sa kanya ng The Buzz noong linggo sa segment na “Buzz ng Bayan.”

Inumpisahan ang segment tungkol sa kontrobersiyal na larawan diumano nila ni Maja Salvador, kung saan naghahalikan ang dalawang Kapamilya stars.

Paliwanag agad ni Piolo, “Nag-run kami at pagkatapos, nag-Star Magic Give Back concert kami.

“I was driving out of McKinley, nakita ko siya, nagpaalam ako. Tapos, she’s gonna leave, holding my car.

“Tapos yun, may nag-picture na. We were gonna kiss.”

Dahil ba pareho silang single ngayon ni Maja kaya nila nagawa iyon?

“Siguro,” tugon naman niya.

Pero bawi ng Kapamilya actor, “Pero lokohan lang yun, wala yun.”



REUNION PROJECT. Kinumusta rin kay Piolo ang sinasabing reunion project nila ni Judy Ann Santos at kung totoo ba na hindi na ito matutuloy.

“Wala pa, e... Yun lang daw talaga ang nasabi ko, wala pa, e!” natawa ring sagot ng aktor.



COCO MARTIN. Isa pa sa nilinaw kay Piolo ay kung meron ba silang itinatagong alitan ng isa pang Kapamilya star na si Coco Martin, na sunud-sunod ang proyekto ngayon sa ABS-CBN.

Si Coco rin ang pumalit kay Piolo bilang endorser ng isang restaurant.

Sabi ni Piolo, “I’m happy with whatever Coco is reaping right now.

“Napaka-hardworking ng taong yun.

"Hindi lang siya mabait na tao, napakagaling na artista. So, I’m happy for him.

“Kapatid ko siya rito sa Star Magic at kapatid ko siya rito sa ABS, so, walang isyu yun.

“Ang success ng isa ay success ng lahat.”



NEW LOVE. Tinanong din si Piolo kung handa na ba siyang pumasok sa panibagong relasyon sa 2013 o natatakot pa rin itong ma-in love?

Sagot niya, “Yung mga bagay na ‘yan, hindi na pinangungunahan.

“Darating at darating tayo riyan at mangyayari at mangyayari yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN