Manny Pacquiao quickly forgives Justin Bieber’s "distasteful" jibes against him

“Sabi nga sa kautusan ng Panginoon, pray for those who persecute you. So we will pray for them. Patawarin natin sila,” pahayag ng Pinoy boxing champ na si Manny Pacquiao sa mga nanlilibak sa kanyang pagkatalo laban kay Juan Manuel Marquez.


“Patawarin natin sila.”

Ito ang naging reaksiyon ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa mga nanlilibak sa kanya pagkatapos siyang mapabagsak ni Juan Manuel Marquez sa kanilang ika-apat na paghaharap sa ring.

Kabilang na rito ang Canadian pop superstar na si Justin Bieber, na nag-post ng para sa maraming Pinoy ay nakakainsultong mga larawan sa kanyang Instagram account isang araw pagkatapos ng laban nina Pacquiao at Marquez.

Una munang in-upload ni Justin ang photo ng kaibigan niyang si Floyd Mayweather Jr. nang patumbahin nito si Juan Manuel Marquez sa kanilang laban.

Naglaban sina Mayweather at Marquez nung 2009. Nanalo si Mayweather via unanimous decision.

Nag-post din si Justin ng pasaring kay Pacquiao na: "Look what Mayweather did to Marquez.. #moneyteam #nocompetition"

Sumunod ang pag-post ni Justin ng altered photos ng knockout ni Manny.

Ang isa’y tila nakikipagsayaw si Manny kay Michael Jackson sa pinasikat ng yumaong King of Pop na "anti-gravity lean."

At ang isa nama’y naglagay pa siya ng photo ni Simba, ang character mula sa Lion King, habang ginigising nito si Manny.

Sa isang press conference kaninang umaga, December 12, ay kinuha ng media ang reaksiyon ni Manny sa mga pang-iinsultong ito sa kanya ni Justin at ng iba pa.

Sagot ng Pambansang Kamao, “Sabi nga sa kautusan ng Panginoon, pray for those who persecute you.

“So we will pray for them. Patawarin natin sila.”

Ayon sa report ni Karl Sacamos para sa SPIN.ph, bumalik ng Pilipinas ang boxing superstar sa pamamagitan ng isang hero’s welcome kaninang umaga matapos ang kanyang pagkatalo kay Marquez sa Las Vegas.

Pagkalapag niya ng eroplano ay dumiretso ang entourage ni Manny sa Midas Hotel para sa isang press conference.

DREAM FIGHT. Dito ay kinuha rin ang kanyang reaksiyon sa naging pahayag ni Floyd Mayweather Jr. tungkol sa pagkatalo niya kay Marquez. Ayon kay Mayweather, “[I felt] bad for him… and hopefully he can bounce back.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang simpleng sagot lamang dito ni Pacquiao ay ito: “Amen.”

Marami ang nagsasabi na sa pagkatalo ni Pacquiao kay Marquez ay naglaho na ang pag-asang matuloy ang “dream fight” sa pagitan nina Pacquiao at Mayweather.

Ngunit naniniwala ang eight-division champion na may “higher plan” ang Panginoon.

“God’s plan is higher than our plans,” sabi ni Manny.

Para sa mas detalyeng report, bisitahin ang SPIN.ph.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN